“MARCELO Falcon...” “Gumising ka! Mars!” Isang mahinang hangin ang sandaling kumawala mula sa kanang paa ni Mars nang diinan ng binata ang kanyang paghakbang. Kanina lang ay babagsak na siya, kaso, may boses siyang narinig sa kanyang utak at hindi na niya maalala kung ano ang mga narinig niya nang muli siyang makabawi. Ang tanging alam niya ay parang ginising siya noon para hindi mapatumba. “A-ang sakit,” bulalas ni Mars na parang namamanhid pa ang mukha dahil sa suntok na tumama sa kanya. Ramdam niyang may dugo nang dumadaloy sa kanyang ilong at labi, pero isang matikas na pagtayo ang kanyang ipinakita sa matandang kanyang kalaban. Huminga siya nang malalim at inalala ang mga sandaling nakikipaglaban siya sa kung sino-sinong malalakas sa Cleyanero. “Ang mga ganitong sakit

