NATANGGAL ang talukbong ng nilalang na naglalabas ng itim na aura at tumambad kina Mars ang isang matandang itim ang mga mata. Makikita ring may mga tila bitak na bahagi sa mukha ito na nalalagyan ng itim na tila tinta. Ang sugat na nilikha naman ng Sero sa katawan nito ay mabilis ding naghilom at sa pagbalik sa normal ng paligid ay siya ring isang surpresang atake naman ang ginawa ni Ingris para rito. Sumabog ang napakaraming tubig sa ere at ang matanda ay napaseryoso habang magkapatong ang kanyang mga bisig para depensahan ang kanyang sarili mula sa malakas na kamaong binitawan nito. Unti-unti niyang naramdaman ang pwersa noon at sa huli ay napatalsik siya nito pababa. Bumulusok si Manip papunta sa tubig ng lawa at nang mangyari iyon ay mabilis na nagliwanag ang katawan ni Ingris ng

