ITINALI ni Manip ang binatang si Mars sa loob ng kweba kung saan nagkukuta si Seb. Masayang-masaya nga ang Panginoon ng Dilim pagkakita sa Sero at pinuri niya nang labis ang matanda matapos iyon. Ang masarap na pagkakaupo ni Seb ay mas lalong gumanda nang makita ang binatang magiging vessel ng kanyang kapangyarihan at espiritu. “Kailan ba natin sisimulan ang paglipat mo sa katawan nito?” tanong ng matanda matapos dalhin sa kulungan si Mars. Nakahanda na rin kasi si Manip sa ritwal na gagawin nila at ang mga gamit ay kompleto na. “Kapag nakarating sila rito...” winika naman ni Seb na tumayo mula sa kanyang kinauupuan at nakangiting pumunta sa likod ng babaeng may gintong buhok na si Hikin. Gamit ang isa niyang kamay ay iniangat niya ang ilang hibla noon at inamoy-amoy iyon. “Nar

