NABIGLA si Mars nang marinig ang sinabing iyon ni Rhion. Nakita nga niya ang mabilis na pagkilos ng mga kasamahan nito at target nito ang mga walang malay niyang mga kasamahan. Ang ikinainis pa nga niya ay ang pagtawa ni Rhion habang pinapaulanan siya ng mga malalakas na wasiwas. Wala tuloy siyang magawa kundi ang salagin iyon gamit ang kanyang espada. Sa estado nga niyang ito ay imposible niyang maprotektahan ang kanyang mga kasamahan. “Ano na Sero? Katapusan na ng mga kasamahan mo... At pagkatapos ay susunod ka na rin!” bulalas ni Rhion na nabalot bigla ang espada ng itim na liwanag. Kasunod noon ay ang mabilis niyang paglampas kay Mars na naiwang nakatayo. Isang malakas na nilalang si Rhion at dahil sa ensayong naranasan nito kina Seb ay mas lalong nagamit nito nang maayos ang k

