#KABANATA.03
Naiwan kami ni zandra dito na nakatayo.
"Nga pala ikaw ang gusto kong maging Bridemaid sa darating na kasal ko." Seryosong sabi nito.
Bakit niya ba inuulit ulit? Nasabi niya na 'yan last night, ah. So, kailangang ipamukha?
"Sigurado ka bang tuloy ang kasal ninyo? Malay mo hindi naman payag si cedrick na makasal." Seryosong sabi ko.
"Tsk, malamang na payag siya. Kita mo naman diba? Hindi niya tinama ang pagsisinungaling ko. Ang ibig lang sabihin no'n talagang gusto niya rin ang makasal sa akin. Gusto niya lang na ako ang manguna, hindi ko nga alam kung bakit pa niya pinatagal." Mahabang litanya nito saka nilibot ang tingin sa paligid.
Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin pa sakanya, dahil tama naman siya.
'Bakit nga ba hindi pinigilan ni cedrick si zandra sa pagsisinungaling? May dahilan ba siya kaya hindi siya tumutol?' Tanong ko sa sarili ko.
Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko lang mailabas. Siguro mag-uusap na lang kami ni cedrick mamaya.
Makalipas ang ilang minuto'y nakita na namin si cedrick na naglalakad papunta samin.
Nasa tabi nito si tita habang kinakausap siya. Pero ang mga tingin niya ay na sa'kin.
Ng tuluyan na silang makalapit sa'min ay magpaalam na rin si tita dahil may gagawin din daw itong mahalaga.
Matamis na ngiti lang ang isinukli ko kay tita ng mapadako sa akin ang tingin niya.
"Lets go." Seryosong sabi ni cedrick ng umiwas ito ng tingin sa akin.
Hindi ko alam pero parang may sumakop na kamay sa puso ko at dahan dahan nitong piniga.
Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa garahe.
Wala kase akong maisip na kahit ano. Saka naiilang ako dahil kasama namin si zandra.
Ng makalapit kami sa kotse ay kaagad akong pumasok sa passenger seat kaya no choice si zandra kundi sa backseat.
***
Ng makarating kami sa tapat ng compound nila zandra ay pinababa na siya ni cedrick.
Kahit tahimik na lumabas ito'y alam kong nasasaktan siya. Subalit anong magagawa ko? Kahit ako ay parang naiinis sakanya.
Agad na pinaharurot ni cedrick ang kotse ng tuluyan ng makaalis sa kotse si zandra.
"You're so mean!" Galit galitang sabi ko.
"No! She is! And don't be kind to her she's the one who ruin our plan, and i hate her. You hear me? I. Hate. Her." seryosong sabi nito.
"B-but she's still my friend." Malungkot na sabi ko saka napayuko.
"FRIEND!? Really? Is she feel the same way you feel for her? I think she isn't. Cause in my ear and eyes, you can't call it FRIEND." Nang uuyam na sabi nito dahilan para mapatingin ako sakanya.
"H-how can you say that?... Ni hindi ka naman masyadong lumalapit sa'min."
Hindi ko alam pero feel kong ipagtanggol si zandra after all we're friends at siya palang ang first friend ko.
"Please, wag na natin siyang pag-usapan baka mag-away pa tayo ng dahil sakanya" Mahinang sabi nito at nagfocus sa magdridrive.
Napabuntong hininga na lang ako at nanahimik.
Tumingin ako sa labas ng kotse, naramdaman ko naman na may mainit na bagay ang humawak sa kamay ko na nasa mga hita ko.
Napinagsalikop nito ang bawat daliri namin na para bang walang makakapasok na hangin dito.
Napapangiting sumadal ako sa braso niya at tumingin sa magkahawak naming kamay.
***
Nang makarating kami sa apartment ko ay kaagad kaming pumasok.
"Anong gusto mong inumin? Juice?, water? Or coffe?" Tanong ko ng makaupo siya sa sofa.
"I don't need anything, baby..." And then another emotion i see in his eye. " I just need your Love and Attention."
Naramdaman ko namang namula ang pisngi ko at parang may mga paro-paro na nagliliparan sa loob ng tyan ko na gustong kumawala at bigla nalang din bumilis ang t***k ng puso ko.
Napasinghap ako ng may humapit sa bewang ko at maingat na hinawakan ang baba ko't ini-angat.
"Baby, you're blushing. And it so fvking turn me on, hmm." He said in sexy and husky tone.
Nagulantang ako ng may mainit na malambot ang lumapat sa labi ko. Nakatitig lang ako sa mata niya na nakapikit habang hinahalikan ako.
I gasp when he bit my lower lips, sinamantala niya ang pagkakataong 'yon at pinasok niya ang dila nito sa loob ng bibig niya at nagsimula na ring maglikot na para bang may hinahanap ito.
Hindi ko naman napansin na may kumawalang ungol sa mismong bibig ko.
Hindi naman ako masyadong inosente para hindi malaman kung saan ito hahantong kung hindi ko siya pipigilan.
Basta ang alam ko lang gustong gusto ko ang nararamdaman ko ngayon na sensasyon na umaabot hanggang sa buong katawan ko hindi ko alam kung paano ito patitigilin.
Napadilat ako ng maramdaman ko na pinakawalan niya ang labi ko at pagkakaton na rin iyon para ako ay kumuha ng maraming hangin.
Nahihiyang tinitigan ko siya sa mata niya at nakikita ko ang iba't ibang emosyon.
Love, Tenderness, Happy, etc.
"I know you're not ready for this. So, pack all your things now. So we can go now.hmm" mahinang sabi nito st umupo sa ulit sa sofa.
Ako naman ay pumanhik sa kwarto ko habang namumula ang pisngi ko dahil sa hiya.
'D-did we really kiss like that? Ano nga ulit ang tawag sa halik na iyon? Torrid kiss? Or something?' Tanong ko sa isip ko.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at kinuha ang unan saka ko itinakip ito sa mukha ko at nagtitili.
***
Ng matapos ako sa pagtitili ay tumayo ako sa kama at nilapitan ang kabinet ko saka ko kinuha ang large kong maleta na nasa taas ng kabinet.
Binuksan ko ito pinaglalagay ang mga damit ko dito.
Nang matapos ako sa pagkukuha ng damit ko ay sinunod ko naman ang mga mahahalagang gamit at papeles ko.
Hindi ko naman kukunin lahat ng gamit ko dahil hindi naman ako lilipat, parang dun muna ako sakanila.
Pagkatapos kong ilagay sa maleta lahat ay hinila ko na ang handle nito at lumabas na hila-hila ang maleta.
Naabutan ko naman si cenric na nakaupo sa sofa at nakadantay ang ulo nito sa dantayan ng sofa.
Nakangiting nilapitan ko ito, nagmulat naman ito ng mata ng maradaman nito ang presensya ko.
"Done packing?"
"Yes, baby." Nakangiting sabi ko.
"Lets go." Nakangiting tumayo naman ito at kinuha sa'kin ang maleta at ito na ang nagbuhat palabas ng apartment ko.
Maligaya akong sumunod sakanya papunta sa kotse niya na nakaparadasa tapat.
Ng makarating kami sa kotse nito ay pinasok niya ang maleta ko sa tank ng kotse nito at pinagbuksan ako ng pinto.
'So gentleman'
Kinikilig na sabi ko sa isip ko. Sumunod din naman ito sa pagpasok sa kotse at sinimulan ng magdrive.
Dahil sa may sweetness ako sa katawan ay kinuha ko ang kanang kamay niya at pinagsalikop ang mga palad namin.
"I love you, baby." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sakanya.
Kitang kita ko naman kung paano siya ngumiti ng matamis at saka sinabi ang limang salita na masarap sa pandinig
" I love you more, baby." He said and kissed me in forehead saka binalik ulit ang paningin sa daan.
Natatawang sumandal nalang ako sa braso nita at nilaro-laro ang daliri namin.
Nang makarating kami sa bahay nila ay tinulungan niya akong iakyat ang maleta ko sa katabing kwarto ni cedric.
Sa katabing kwarto ni cedric daw kase ang magiging kwarto ko.
That's why i'm so happy to know it.
Madali na lang akong makakapunta sa kwarto ni cedric pata duon matulog, di rin naman kase ako sanay na hindi katabi sa pagtulog si cedric.
Nang nasa tapat na kami ng magiging kwarto ko ay hinawakan ko ang available na kabilang kamay ni cedric.
Nakangiting pumasok kami dito, ng makapasok naman kami ay binaba na niya ang maleta sa gilid ng kama.
Inilibot ko ang mata ko sa paligid at masasabi kong maluwang naman ang magiging kwarto ko.
Nilapitan ko ang kabinet na sa tingin ko ay gawa sa nara.
Maingat kong binuksan ito at malaki ang espaso ng kabinet, sunod kong binuksan ay ang dalawang maliit na dihila.
Malalim ito maingat ko rin itong binalik at sinunod kong buksan ay ang pinakababa na hilaan din sya pero mahabaan ito.
Alam ko na kaagad kung ano ang ilalagay ko sa kabinet.
Pumasok naman ako sa isa pang pinto, Bumungad sa'kin ang malinis na banyo.
Nilibot ko ang tingin ko, masasabi ko namang malaki laki ang banyo at malinis halatang nililinisan kahit pa walang bisita.
'Iba talaga ang mayayaman'
Napailing ako sa naisip ko.
Pagkatapos kong tingnan ang banyo ay lumabas na ako. Naabutan ko pa si cedrick na prenteng nakaupo sa kama.
"Ayos lang ba 'tong magiging kwarto mo?" Tanong nito ng makalapit akp sakanya.
"Well, maayos na maayos."nakangiting wika ko.
"Maghanda ka na at papasok pa tayo." Sabi nito saka tumayo at tinungo ang pintuan. Huminto ito ng mahawakan ang door nob at tumingin sa akin.
"Magmadali ka ah. Baka malate na tayo nito." Wika nito at tuluyan ng umalis.
Pagkalabas nito ay tinungo ko ang bagahe ko at kinuha ang uniform namin. Nang makuha ko ito'y dumeretsyo na ako sa banyo ay nagshower.
Ng matapos akong magshower ay kinuha ko iyong tuwalya na nakasabit at tinapis ko sa katawan ko.
Kinuha ko iyong toothbrush na nakabalot pa at nilagyan ko ng colgate at nagtoothbrush na ako.
***
Nang matapos akong maghanda ay kinuha ko na ang mga gamit ko sa school at lumabas ng kwarto.
Ng makalabas ako ay nakita ko si cedrick na nakasandal sa dingding katapat ng kwarto ko.
'Why so hot?' Napahagikgik ako sa naisip ko.
"Hmm, pinagpapantasyahan yata ako ng baby ko ah." Nakangising sabi nito at tumayo ng tuwid habang nakatingin sa akin.
"In your dreams!" Galit-galitang sabi ko.
"Di mo na kailangang sabihin iyan dahil totoo naman." Nakangising sabi parin nito.
'Nakakaloka naman ito.'
'Pero gusto mo naman?' Sabi ng kabilang isip ko.
Namula ako sa naisip ko at tumayo ng tuwid saka ako naglakad papaalis sa harap niya.
"Maganda ka kapagnamumula ka." Bulong nito sa taenga ko at maingat na kinagat.
Napasinghap naman ako sa ginawa niya. Kaagad kong nilibot ang mata ko kung may nakakita na katulong sa ginawa niya.
"Relax..." Natatawang sabi nito saka nilagpasan ako.
Ng mawala sa paningin ko ang likod nito ay napahawak ako sa bandang puso ko dahil sobrang bilis ng t***k nito.
'Ano ka ba heart, magtigil ka nga! Hinay hinay lang naman sa pagtibok.' Wika ko sa isip ko.
"Ma'am, may masakit po sa ba sa inyo?"
Gulat na tungin ako sa gilid ko. Si ate merna ang nagtanong, isang katulong dito.
"A-ayos lang po ako ate merna" agad na sagot ko at umalis na.
***
Pagkababa ko ay dumeretsyo ako sa sala naabutan ko si cedrick na nakadekwatro ng upo sa sofa at si tito na nakaupo at nagbabasa.
"Sige po, mauuna na po kami." Magalang kong sabi.
Binaba naman ni tito ang binabasa niya at tumingin sa akin saka tumango't binalik ang tingin sa binabasa.
Tumingin naman ako kay cedrick. Tumayo ito at lumabas, sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa garahe.
Pumasok na ako sa passenger sit at nagsitbelt ng makapasok si cedrick.
***
"Ang tahimik mo yata?" Tanong ko dito habang nagdridrive ito.
"Iniisip ko lang yung picture na kumalat. Sigurado akong nakita na ito ng mga schoolmate natin." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa daan.
Napaisip din ako sa sinabi niya.
'Hindi ko naisip iyong mga picture, bakit nga ba nakalimutan ko ang tungkol du'n? Siguradong dudumugin siya ng mga tanong at ako naman ay... Ano nga bang mangyayari sa akin? Sa amin?'
"Hey," Napatingin ako kay cedrick ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"Ang lalim naman ng iniisip mo." Wika nito.
"Wala, naisip ko lang iyong sinabi mo kanina. Ano na nga kaya ang mangyayari?" wala sa sariling sabi ko.
"Don't think to much, baby." Nag-aalalang sabi nito.
"Hindi ko maiwasan, eh." Nahihiyang wika ko saka ako nag-iwas ng tingin.
Napabuntong hininga ito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt.
Nang makarating kami sa school parking ay lumabas na kaagad ako ng kotse niya. Hindi ko hinayaan na siya ang magbukas ng pinto para sa akin.
Ng makalabas ito ng kotse ay sabay kaming lumisan duon at naglakad. Marami ang napapatingin pero hindi ko alam kung bakit.
malapit na kami sa hallway ng aksidenteng marinig ko iyung sinabi nung babaeng kulot.
"Bakit sila ang magkasama? Hindi ba't si zandra ang girlfriend ni cedrick."
'Kalat na pala?' Bulong ko.
Napailing ako at huminto sa paglalakad saka tumingin kay cedrick na nasa gilid ko. Nakahinto rin ito at nakatingin sakin, marami akong emosyon na nakikita pero isa na roon ang hindi ko mapangalanan.
Magkatitigan lang kami na para bang nag-uusap kami gamit ang mga mata namin.
'Parang... parang gusto ko ng sabihin sakanila ang relasyon na meron tayo. Pero pa'no? E parang huli na tayo, maayos pa nga ba ito? Hanggang kailan nga ba ako magiging mahina? Panahon na ba para ipagsigawan ko sa iba na akin ka? Na sayo ako? Na hindi kita ihahati sa iba dahil akin ka lang?' Hindi ko alam kung nakikita niya ba sa mata ko ang mga sinasabi ko sa isip ko.
Naabot niya ba? Nararamdaman niya ba? Sana naman oo.
"Cedrick!" Sigaw ng taong kinakainisan ko ngayon.
Naiinis na tinanggal ko ang tingin ko kay cedrick at tiningnan si zandra pero...
Pero tuloy-tuloy lang ito kay cedrick at ng makalapit ito kay cedrick ay... ay...
'Ang sakit naman.'