Pero tuloy-tuloy lang ito kay cedrick at ng makalapit ito kay cedrick ay... ay... Hinalikan niya ito sa labi.
'Ang sakit naman.'
Kaagad naman niyang tinulak si Zandra saka palihim na tumingin sa akin.
Kitang-kita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi ni zandra at dahan dahang inilapit ang bibig sa tenga ni Cedrick at bumulong.
Hindi ko marinig kung ano man ang binulong ni zandra pero isa lang ang napansin ko. Bigla na lang namutla si cedrick at iniiwas ang mata saka umatras.
Kitang kita kong bumuka ang bibig ni cedrick tanda na may sinabi ito kay zandra.
" Ang sweet nila o."
"Sana sa akin napunta si cedi."
"Halatang in love sila sa isa't isa."
"Support ko po kayo hanggang dulo."
Marami na akong naririnig na kung ano-ano pero nabingi-bingihan ako dahil ayokong marinig ang sasabihin nila.
Pinanood ko lang silang nag-uusap ng seryoso. At nang feeling ko ay hindi ako kasama sa pinag-uusapan nila ay nauna na ako.
Nang makarating ako sa room namin ay walang guro kaya naisipan kong pumunta muna sa garden.
Habang papunta ako sa garden ay Hindi maiwasan ng isip ko na isipin ang mga problema namin ngayon.
'Paano nga ba nagsimula 'to?'
Inalala ko kung bakit nga ba natagalan kami na sabihin ang relasyon namin.
4 years ago...
"Syarannnn! Hihihi siguradong masaya si cedrick nito pagnakita niya 'to"
"Hmm, parang may kulang... Kanin, adobong manok, kaldareta, at mumurahing wine na grapes... Hmm... Ano nga bang kulang?... Aha! Iyung cake!"
Masaya kong hinubad ang apron ko at kinuha ang wallet na nasa kawayang upuan na mahaba.
Pagkatapos kong kunin ito ay lumabas na ako at pumunta sa malapit na bake ship kung saan ako nagpagawa ng cake.
***
"Hmm... there. Completo na," masayang wika ko at lumayo unti sa lamesa.
Binasa ko ang nakasulat sa cake.
"Happy Anniversary Babe
From: Your Queen"
"Antagal naman magreply ni cedrick."
Itetext ko na sana siya ng makarinig ako ng katok, kaya excited akong pumunta sa pinto at binuksan ito.
Sumalubong sa akin ang isang matanda pero matikas parin ang dating.
"May maitutulong po ba ako lolo?" Nakangiting tanong ko dahil nakatingin lang siya sa akin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligot pa. Layuan mo ang apo ko..." Seryosong wika nito.
Napamaang ako sa sinabi nito 'a-apo?'
"B-bakit naman po?" Nauutal na wika ko kahit na pilit kong pinapaayos ang boses ko.
Tumaas ang isang kilay nito. "Hindi ikaw ang gusto ko para sa apo ko. Walang mararating ang apo ko kung ikaw mapapangasawa niya."
Nanghina ako sa sinabi nito. Nanlalambot na ang tuhod ko,
"Mahal ko po si cedrick." Matigas na wika ko.
Bigla naman itong tumawa ng mahina sapat para marinig ko.
"Mahal? Anong magagawa niyan kung magugutom kayo? Mapapakain ba kayo ng pagmamahal? Yayaman ba kayo diyan? PWES HINDI! kaya layuan mo na ang apo." Hindi kumukurap na wika nito.
"P-per--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng unahan na ako nito.
"Aalis ako at pagbalik ko... Layuan mo na ang apo ko kaya sulitin mo na ang panahon na wala ako." Walang kangiti-ngiting wika nito saka tumalikod at isinara ang pinto, narinig ko naman ang pagtama ng sapatos nito sa sahig.
Tuluyan ng bumagsak ang tuhod ko na kanina pa nanlalambot dahil sa sinabi nito.
"H-hindi maaari... Hindi ako gusto ng lolo niya." Mahinang wika ko saka ko naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mata ko.
Bigla na lang may kumatok kaya marahan akong tumayo at pinunasan ang gilid ng mata ko.
"Baka si cedrick na 'to." Mahinang wika ko at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni cedrick. Tinitigan ko ito at kinabisado ang mukha niya.
'Kung dumating man ang araw na 'yun at least ready ako.'
Biglang nabura ang ngiti nito at nagsalubong ang kilay. "May nangyari ba? Umiyak ka ba?"
"Ano ka ba. Syempre hindi atsaka pikit ka." Nangiting wika ko at maingat kong hinawakan ang magkabilang pisngi nito saka siya kinintalan ng magaang halik.
Smack lang iyon kaya nakita kong bumusangot ang mukha nito ng maghuwalay ang labi namin.
"Happy anniversary, babe." Nakangiting bati ko saka ko hinawakan ang gilid ng mata nito.
"Pikit ka na." Mahina kong wika.
Nakangiting tumango ito at sinunod ang sinabi ko. Sinara ko muna ang pinto bago bumaba ang dalawa kong kamay sa dalawa niyang kamay at ginabayan siya sa paglalakad papunta sa kusina.
Nang makarating kami sa kusina ay huminto na ako, ganun din naman siya.
"Buksan mo na ang mata mo." Nakangiting wika ko.
Tumango naman ito at dahan dahan nitong binuksan ang mata.
Bumaba ang tingin nito sa gilid ko, nanlaki ang mata nito at bigla na lang akong niyakap.
Niyakap ko rin naman siya pabalik at siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.
"Mahal na mahal kita cedrick." Mahinang wika ko.
"Mahal na mahal din kita. At Happy Anniversary, mahal." Bulong rin nito at dahan dahang hinagod ang buhok ko.
Pinikit ko ang mata ko at ninamnam ang sandaling ito.
"Ikaw ang naghanda nito?" Tanong nito habang nakayakap pa rin sa akin.
"Oo." Maiksing sagot ko at nilayo ko unti ang mukha ko sa leeg niya at tumingin sa mukha niya saka ngumiti.
"Kain na tayo? O gusto mo munang magsayaw tayo?"
"Pwedeng both?" Natatawang sagot nito.
"Ano ka ba! Ano 'yun? Kakain tayo habang nagsasayaw?" Natatawa ring wika ko sakaniya
"Pwede rin... Kung gusto mo sa kwarto muna tayo?" Pilyong tanong nito.
"Ano ka ba! Ang pilyo mo." Tumatawang wika ko.
"Sige na nga, ako na lang ang mamimili. Hmm... Kumain muna tayo? Bago at ang huli cuddle sa kama?" Nakangising wika ko.
"Ikaw a, pinagnanasaan mo rin pala ako." Nakangiting wika nito.
"Bala ka nga." Nakabusangot na wika ko at tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
Nang matanggal ko ay tumalikod ako, kukuha na sana ako ng plato ng maramdaman ko ang mga brasong yumakap sa maliit kong baywang.
Bigla nalang tumambol ng malakas ang t***k ng puso ko sa sinabi nito.
"Mahal na mahal kita." Madamdaming wika nito.
Napalunok ako ng maramdaman ko na naman na parang may nagliliparang paro-paro sa loob ng tiyan ko.
"Mahal na mahal rin kita."
"Miss, panyo o."
Nakatingin ako sa lalaking nasa harap ko at nilibot ko ang tingin ko.
'Nasa garden na pala ako.'
Binalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko at sa panyong nakalahad sa akin.
"Anong gagawin ko diyan?" Nakataas kilay na tanong ko.
"Ano bang ginagawa sa panyo? Kinakain?" Pamimilosopo nito.
Tatalikod na sana ako ng marahan niya akong iharap.
"Bakit ba!?" Seryosong tanong ko.
"Iyang mukha mo... Umiiyak ka." Mahinahong wika nito.
Kinapa ko ang mukha ko.
'Basa nga. Nakakahiya..'
Nahihiyang kinuha ko ang panyo niya at pinunas ko sa mukha ko at binalik ko rin sakaniya.
"Salamat." Nakangiting wika ko saka ako tumalikod at umalis na ng garden, dahil baka hinahanap na ako ni cedrick.
Pero tuloy-tuloy lang ito kay cedrick at ng makalapit ito kay cedrick ay... ay... Hinalikan niya ito sa labi.
'Ang sakit naman.'
Kaagad naman niyang tinulak si Zandra saka palihim na tumingin sa akin.
Kitang-kita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi ni zandra at dahan dahang inilapit ang bibig sa tenga ni Cedrick at bumulong.
Hindi ko marinig kung ano man ang binulong ni zandra pero isa lang ang napansin ko. Bigla na lang namutla si cedrick at iniiwas ang mata saka umatras.
Kitang kita kong bumuka ang bibig ni cedrick tanda na may sinabi ito kay zandra.
" Ang sweet nila o."
"Sana sa akin napunta si cedi."
"Halatang in love sila sa isa't isa."
"Support ko po kayo hanggang dulo."
Marami na akong naririnig na kung ano-ano pero nabingi-bingihan ako dahil ayokong marinig ang sasabihin nila.
Pinanood ko lang silang nag-uusap ng seryoso. At nang feeling ko ay hindi ako kasama sa pinag-uusapan nila ay nauna na ako.
Nang makarating ako sa room namin ay walang guro kaya naisipan kong pumunta muna sa garden.
Habang papunta ako sa garden ay hindi ko maiwasang isipin ang mga problema namin ngayon.
'Paano nga ba nagsimula 'to?'
Inalala ko kung bakit nga ba natagalan kami na sabihin ang relasyon namin.
4 years ago...
"Syarannnn! Hihihi siguradong masaya si cedrick nito pagnakita niya 'to"
"Hmm, parang may kulang... Kanin, adobong manok, kaldareta, at mumurahing wine na grapes... Hmm... Ano nga bang kulang?... Aha! Iyung cake!"
Masaya kong hinubad ang apron ko at kinuha ang wallet na nasa kawayang upuan na mahaba.
Pagkatapos kong kunin ito ay lumabas na ako at pumunta sa malapit na bake shop kung saan ako nagpagawa ng cake.
***
"Hmm... there. Completo na," masayang wika ko at lumayo kaunti sa lamesa.
Binasa ko ang nakasulat sa cake.
"Happy Anniversary Babe
From: Your Queen"
"Antagal naman magreply ni cedrick."
Itetext ko na sana siya ng makarinig ako ng katok, kaya excited akong pumunta sa pinto at binuksan ito.
Sumalubong sa akin ang isang matanda pero matikas parin ang dating.
"May maitutulong po ba ako lolo?" Nakangiting tanong ko dahil nakatingin lang siya sa akin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligot pa. Layuan mo ang apo ko..." Seryosong wika nito.
Napamaang ako sa sinabi nito 'a-apo?'
"B-bakit naman po?" Nauutal na wika ko kahit na pilit kong pinapaayos ang boses ko.
Tumaas ang isang kilay nito. "Hindi ikaw ang gusto ko para sa apo ko. Walang mararating ang apo ko kung ikaw mapapangasawa niya."
Nanghina ako sa sinabi nito. Nanlalambot na ang tuhod ko,
"Mahal ko po si cedrick." Matigas na wika ko.
Bigla naman itong tumawa ng mahina sapat para marinig ko.
"Mahal? Anong magagawa niyan kung magugutom kayo? Mapapakain ba kayo ng pagmamahal? Yayaman ba kayo diyan? PWES HINDI! kaya layuan mo na ang apo." Hindi kumukurap na wika nito.
"P-per--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng unahan na ako nito.
"Aalis ako at pagbalik ko... Layuan mo na ang apo ko kaya sulitin mo na ang panahon na wala ako." Walang kangiti-ngiting wika nito saka tumalikod at isinara ang pinto, narinig ko naman ang pagtama ng sapatos nito sa sahig.
Tuluyan ng bumagsak ang tuhod ko na kanina pa nanlalambot dahil sa sinabi nito.
"H-hindi maaari... Hindi ako gusto ng lolo niya." Mahinang wika ko saka ko naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mata ko.
Bigla na lang may kumatok kaya marahan akong tumayo at pinunasan ang gilid ng mata ko.
"Baka si cedrick na 'to." Mahinang wika ko at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni cedrick. Tinitigan ko ito at kinabisado ang mukha niya.
'Kung dumating man ang araw na 'yun at least ready ako.'
Biglang nabura ang ngiti nito at nagsalubong ang kilay. "May nangyari ba? Umiyak ka ba?"
"Ano ka ba. Syempre hindi atsaka pikit ka." Nangiting wika ko at maingat kong hinawakan ang magkabilang piangi nito saka siya kinintalan ng halik.
Smack lang iyon kaya nakita kong bumusangot ang mukha nito ng maghuwalay ang labi namin.
"Happy anniversary, babe." Nakangiting bati ko saka ko hinawakan ang gilid ng mata nito.
"Pikit ka na." Mahina kong wika.
Nakangiting tumango ito at sinunod ang sinabi ko. Sinara ko muna ang pinto bago bumaba ang dalawa jong kamay sa dalawa niyang kamay at ginbayan siya sa paglalakad papunta sa kusina.
Nang makarating kami sa kusina ay huminto na ako, ganun din naman siya.
"Buksan mo na ang mata mo." Nakangiting wika ko.
Tumango naman ito at dahan dahan nitong binuksan ang mata.
Bumaba ang tingin nito sa gilid ko, nanlaki ang mata nito at bigla na lang akong niyakap.
Niyakap ko rin naman siya pabalik at siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya.
"Mahal na mahal kita cedrick." Mahinang wika ko.
"Mahal na mahal din kita. A Happy Anniversary, mahal." Bulong rin nito at dahan dahang hinagod ang buhok ko.
Pinikit ko ang mata ko at ninamnam ang sandaling ito.
"Ikaw ang naghanda nito?" Tanong nito habang nakayakap pa rin sa akin.
"Oo." Maiksing sagot ko at nilayo ko unti ang mukha ko sa leeg niya at tumingin sa mukha niya saka ngumiti.
"Kain na tayo? O gusto mo munang magsayaw tayo?"
"Pwedeng both?" Natatawang sagot nito.
"Ano ka ba! Ano 'yun? Kakain tayo habang nagsasayaw?" Natatawa ring wika ko sakaniya
"Pwede rin... Kung gusto mo sa kwarto muna tayo?" Pilyong tanong nito.
"Ano ka ba! Ang pilyo mo." Tumatawang wika ko.
"Sige na nga, ako na lang ang mamimili. Hmm... Kumain muna tayo? Bago at ang huli cuddle sa kama?" Nakangising wika ko.
"Ikaw a, pinagnanasaan mo rin pala ako." Nakangiting wika nito.
"Bala ka nga." Nakabusangot na wika ko at tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
Nang matanggal ko ay tumalikod ako, kukuha na sana ako ng plato ng maramdaman ko ang mga brasong yumakap sa maliit kong baywang.
Bigla nalang tumambol ng malakas ang puso ko sa sinabi nito.
"Mahal na mahal kita." Madamdaming wika nito.
Napalunok ako at maramdaman ko naman na parang may nagliliparang paro-paro sa loob ng tiyan ko.
"Mahal na mahal rin kita."
"Miss, panyo o."
Nakatingin ako sa lalaking nasa harap ko at nilibot ko ang tingin ko.
'Nasa garden na pala ako.'
Binalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko at sa panyong nakalahad sa akin.
"Anong gagawin ko diyan?" Nakataas kilay na tanong ko.
"Ano bang ginagawa sa panyo? Kinakain?" Pamimilosopo nito.
Tatalikod na sana ako ng marahan niya akong iharap.
"Bakit ba!?" Seryosong tanong ko.
"Iyang mukha mo... Umiiyak ka." Mahinahong wika nito.
Kinapa ko ang mukha ko.
'Basa nga. Nakakahiya..'
Nahihiyang kinuha ko ang panyo niya at pinunas ko sa mukha ko at binalik ko rin sakaniya.
"Salamat." Nakangiting wika ko saka ako tumalikod at umalis na ng garden, dahil baka hinahanap na ako ni cedrick.
Naisipan ko munang dumaan sa girl restroom at naghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay tumingin ako sa salamin.
"Well.. Nandidito lang pala ang soon to be Mistress." Rinig kong wika at pinagdiinan pa ang salitang 'Mistress'
Nilinga ko ang pinanggalingan ng boses at huminto ang tingin ko sa pinto. Nakasandal si zandra sa pinto habang nakacross arm.
'Soon to be Mistress? M-may alam na ba siya?' Kinakabahang tanong ko sa sarili ko.
"Nagulat ka ba sa sinabi ko?" Nakataas kilay na tanong nito.
"Anong pinagsasabi mo? Ha, zandra?" Kinakabahang tanong ko saka ako umayos ng tayo.
"Bakit? 'Wag mong sabihin na hindi mo alam ang ibig kong sabihin?" Nakangising wika nito.
Napaseryoso ako sa sinabi niya at nagcross arm na rin.
"Can you straight to the point?" Deretsyong tanong ko.
"Woh! Hindi ko alam na may ganito ka palang side... Serious mode ba 'yan?... Okey, straight to the point. STAY. AWAY. FROM. HIM!" pinagdiinan pa nito ang apat na letra pero masakit ang dating sa akin.
"What if... Hindi ko gawin?" Seryosong sagot ko.
"Akala mo hindi ko alam na may relasyon kayo ni Cedrick? Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang Girlfriend niya?"
"When?... Kailan mo nalaman?" Deretayong tanong ko saka ako naglakad palapit sakaniya.
"Simula ng magtransfer ako dito... Kitang kita ng dalawang mata ko ang paghahalikan ninyo sa garden... Nagtataka nga ako nuong una kung bakit ninyo tinatago ang relasyon niyo... Pero okey na sa akin iyun. Alam mo kung bakit? Dahil kapag hindi nila alam na may relasyon kayo, pwede kong ipagkalat na may relasyon kami... Simple as that." Nakakalokong ngumiti ito at lumapit sa akin.
"You know what? Wala namang maganda sayo pero bakit ka niya gusto? Mahirap ka lang naman... Nakikisipsip ka lang naman sa pamilya nila 'di ba?" Natatawang wika nito.
"Bakit mo na 'to ginagawa? Magkaibigan tayo hindi ba?" Tanong ko at pinagdiinan ko ang salitang 'Magkaibigan'.
"Tsk! Slow ka ba? Hindi ka ba nagtataka nuong una kung bakit ikaw kaagad ang nilapitan ko? Ang isang magandang tulad ko nilalapitan ka."
"So we're not really friend?"
"Exactly! I just used you." Simpleng wika nito at seryosong tiningnan ang mata ko.
Hindi ko alam kung bakit parang napipi ako at hindi ko maigalaw ang katawan ko na para bang naparalisa ako.
"Pag hindi mo pa siya nilayuan... Sisiguraduhin kong hindi ka makakapagtapos dito sa eskwelahang ito. At sisiguraduhin kong magiging impyerno ang araw mo dito sa paaralang ito." Nakakatakot na wika nito.
'Magsalita ka... Gumalaw ka...'
"Hindi mangyayari ang gusto mo..." Matapang na sagot ko.
"Hahaha. Basta may pera ka, magagawa mo lahat. Tandaan mo 'yan." Saka ito lumabas ng banyo.
Ng tuluyan na itong maka-alis ay unti unti akong napa-upo sa sahig na tiles at hindi ko na mapigilan ang mapahagulgul.