Unang Halik
Mga ilang araw din na naghanda sila ng mga kailangan nilang dalhin.
Mga documents para sa kanilang paglipat at para makapag enrolled ng kolehiyo sa Davao.
Dalawang araw na lang at aalis na sila.
Jhon ( pov )
Nang nalamam kong wala na si papa ay bigla akong nanghina at hindi ko maisip na ganoon na lamang ang buhay ni papa.
Kinausap nya ako kagabi para tanungin kung anong petsa ako babalik ng maynila.
Para makapag enroll na ako ng criminology.
Kaya di ako makapaniwala na wala na si papa marami syang pangarap sa amin pamilya.
Umaga palang ay umalis na kami ng isla at nagpaalam lang ako kay lorenzo dahil magkapit bahay lang kami.
Kaya ng umalis ako ay di ko maisip na iiwanan ko si Nene na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya.
Dumating kami ng Maynila at marami nga kaming isinaasikasong mga papeles para sa pagpapauwi ng bangkay ni papa.
Ilang araw ng nasa Maynila ako at hindi na naasikaso ang pagpapaenroll ko dahil abala kami sa pagpapauwi kay papa.
Mahigit isang linggo din ng dumating ang bangkay ni papa.
Nasa airport kami at naghihintay na lumapag ang eroplano na maghahatid ng bangkay ni papa.
Subrang sakit na makita ang taong buong buhay nya. Isinakripesyo ang kalahati ng buhay nya sa ibang bansa para maigapang ang pamilya namin.
Ang gusto nya lang ay mapabuti ang lahat para bago sya umuwi ay nasa maayos na ang lahat.
Dumating na ang eroplano ngunit di ko na masyadong makita dahil sa basang-basa na ang mga mata.
Niyayakap ko na lamang si mama na kanina pa umiiyak at nakita na namin na nilalabas na ng eroplano ang parihabang kahon kung saan nanduon ang katawan ni papa ay bigla na lang nahimatay si Mama.
Sa Maynila na namin sya inilibing dahil nandoon ang mga magulang nya. Tanging si mama lang ang ipinanganak sa isla kaya nais ni Tita Julie na makasama ni Papa ang mga magulang nya.
Kapag dumating ang panahon ay pwede naman nila itong kunin at dadalhin kung saan namin gustong ilibing sabi ni Tita Julie.
Tatlong araw lang ang itinagal ng burol ni papa at inilibing kaagad.
Kaya ngayon nandito ako sa kama at nakahiga habang umiiyak dahil wala na si papa.
Nang may kumatok sa pinto ko.
" Anak, Umalis na si Nene sa isla!" Sabi nito sa akin.
" Bakit po, saan sya pupunta?"Pagtataka kong tanong kay Mama.
" Pumunta sya ng Davao at doon na mag- aaral!" Sagot nito.
" Bakit po sa Davao sya mag- aaral ma?" Tanong ko.
" Nasa Davao ang mga kamag-anak ni Nene sa Tatay nya!" Sagot ni Mama.
" Ganoon po ba!" Sagot ko na lamang.
" Napakalayo na ng Davao sa Maynila nay!" Nasabi ko na lang.
"Anak... Wag mo muna iyan isipin at may mga bagay pa tayong iniisip. Teka nakapag-enrolled ka na ba?" Tanong ni Mama.
" Wala pa Ma." Matamlay kong sagot.
" Sana ay hindi ka mawalang ng gana sa pag-aaral dahil gusto ng papa mo ay makapag-tapos ka ng pag- aaral." Sabi nito na nag-alala na.
" Alam kung di tayo dapat magsaya dahil malaki ang nakuha natin pera sa kumpanya kung saan namatay ang papa mo!" Sagot nito na kinakapa ang anak dahil kapag naiisip na nakakuha sila ng malaking pera ay kapalit naman ang buhay ng kanyang papa.
" Ma... Naiintindihan ko po!" Sabi nito na kahit masakit ay pilit nyang tinatanggap.
" Oh, sige at aalis na ako" sabi nito at bumababa na.
Naiwan ako sa kwarto at nakahiga kaya
inilabas ko ang dalawang picture namin ni Nene nun mag Sta. Cruzan kami. Napakaganda nyang ngumiti kaya napapangiti ako habang tumitingin sa picture namin.
Tanging picture lang ang nagpapasaya sa akin.
At haharapin ko na ang buhay ko at kailangan kung makapag-tapos ng pag-aaral para kay mama at ang pangako ko kay papa.
Bilang nag- iisang anak ay kailangan kong tuparin ang mga pangarap ni Papa sa amin pamilya.
Kailangan kong maging matatag para kay Mama at kay tita Julie. Dahil ako na ang kanilang magiging sandalan.
Naiiyak lang ako dahil kailangan na namin maghiwalay ng landas ni Nene.
Nene POV
Bago kami umalis ng isla ay maraming luha ang lumandas sa aming mga mukha.
Maraming pangaral ang aming nakuha galing sa mga nakakatanda at mas lalo akong umiiyak dahil itong isla ang syang naging tahanan ko sa loob ng 16 years.
Sa isla itong ang nagbigay sa akin ng masayang ala- ala nun kabataan ko hanggang sa magdinalaga.
At ang isla rin ito ang nagbigay sa akin ng masamang karanasan ng mawala ang aking mga magulang sa kamay ni Venian at Bryan.
Sinundo kami ni Attorney sa isla at sasamahan kaming umuwi ng Davao.
Nasa eroplano na kami at tanaw na namin isla ang ng Davao.
Napakaganda ng view nang isla habang nasa eroplano kami.
Kinakabahan at excited ang nararamdaman ko.. pero mas nangigibabaw ang lungkot at takot, halong-halo na ang emotions na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
Pero mas masaya sana ako kung kasama ko ang mga magulang ko sa mga sandaling ito ng buhay ko.
Dahil maraming First time akong ginawa tulad ng pagsakay ng eroplano at first time din na lumayo sa isla.
" Guys... Tignan nyo ang ganda.. " sabi ni Lorenzo at tinuturo ang isla.
Kaming apat ay magkakatabi sa upuan kaya medyo maingay kaming apat.
Ngumingiti lang si Attorney Noel habang tinitignan kami.
Nang makalapag na ang eroplano ay masaya kaming lumabas ng eroplano.
Naka labas na kami ng airport ay may sumundo sa amin ng dalawang van.
Ang mga bagahe namin ay nasa isang van na nasa likod at nakasunod sa amin at kaming magkakaibigan ay magkakasama sa naunang van habang nakatingin sa labas at itinuturo ni Attorney ang bawat dinadaanan namin.
Kung anong lugar at anong mga specialty ng lugar ang meron dito.
Mahaba- haba din ang byahe namin papunta sa Hacienda Carlota.
"Mga bata.. malapit ng tayo...!" Sabi ni Attorney sa lahat.
" Tignan nyo ang nasa bandang kilid at madadaanan na natin ang isang welcome sign ng Hacienda!" Sabi nito at itinuro kung nasaan.
Nadaanan at nakita nila ang Hacienda Carlota.
" Ngayon nadadaanan na natin ang sakop ng lupa ng Hacienda at lahat ng inyong makikita ay nasa iyong pangalan Nene." Sabi nito.
" Lahat ng puno, mga bahay ng mga manggagawa ay sa iyo rin.. " Dagdag pa nya.
" Wow!... Ne... Ang daming puno ng niyog!" Namamanghang sabi ni Lorenzo.
" Bakit hindi kaba nakakita ng puno ng niyog sa isla?" Tanong ni Angel na nakataas ang kilay.
" Eh... Bakit.. pagmamay-ari ba yun ni Nene?" Sarkastikong tanong ni Lorenzo kay Angel.
" Hindi" sagot ni Angel na nagsisimula ng mainis kay Lorenzo.
" Iyun nga.. di nya pagmamay-ari ang mga niyog ng isla!" Pagtatama ni Lorenzo na agad naman sumimangot si Angel.
Na agad pinagtawan ng lahat.
" Di lang niyog ang pagmamay-ari ni Nene.. Dahil meron mga Durian, Cacao, Marang, Pomelo, at mangosteen.. " Sabi pa ni Attorney na agad naman tumingin sa kanya ang lahat.
" Talaga po! may Durian po dito?" Tanong ni Lorenzo.
" Oo, naman dahil isa sa pinakapangunahing prutas ng Davao ay Durian at Marang." Sabi nito na ngumingiti pa.
" Wow!.." Napa wow ang lahat habang nakikita na nila ang mga puno na madadaanan nila.
" Attorney Noel... Malapit na ba tayo sa bahay?" Tanong ni Nene Attorney Noel.
" Malayo pa ang bahay.. Nene, at wala pa tayo sa kalahati!" Sabi nito.
" Mga ilang minutes po ba bago makarating ng bahay?" Tanong ni Angel.
" Mga kalahating oras!" Sabi nito na napanganga silang lahat.
" Kalahating oras?" Tanong nilang sabay.
" Oo.." sagot nito na ngumingiti at natutuwa sa mga reaction ng mga bata.
Kaya ginawa na lang nila ay tumingin sa labas at kung ano ang nakikita at itinuro.
Malapit na sila sa Mansion ng Hacienda ng kunin ni Attorney ang kanilang attention.
" Mga bata malapit na tayo sa mansion!" Pagkasabi nito ay itinuro ang malaking mansion.
" Wow... Iyan bang bahay ni Nene?" Tanong ni Lorenzo.
" Oo, iyan ay mansion ng mga Smith at San Pedro.. " Sagot nito.
" At tinatawag ang mansion ng "Caroline Mansion" na iba sa Hacienda Carlota.
" Ang Caroline Mansion ay Bahay na ipinatayo ng lolo mo para sa lola mong si Caroline Smith. " Paliwanang ni Attorney Noel.
" Wow... Iyan na lang ang nasabi ng mga bata.. habang papalapit na sila sa Caroline Mansion.
Nasa harap na sila ng Mansion at isa- isa ng bumaba sa saksakyan.