Nang malaman nila ang totoo ay binigyan sila ng oras kung ano ang kanilang desisyon.
Kaya ng umalis na ang attorney ay naroon parin sila sa sala at nag- iisip kung ano ang gagawin ni Nene.
"Sana po ay nandito si Tatay para masabihan nya ako kung ano ang gagawin ko!" Malungkot nyang Sabi.
" Iha... Ne... Paraan na Ito siguro ng maykapal na makilala ang mga angkan mo." Sabi naman ni Tita.
Tumingin din ako sa mga kaibigan ko na tumango-tango rin.
" Natatakot ako Tita.. dahil hindi ko alam ang gagawin sa pera na pinamana ni Tatay.
At kahit anong yaman ang darating sa akin ay hindi na ako magiging masaya dahil sa pera na iyan ay nawala ang mga magulang ko!" Naiiyak nyang sabi dahil nga sa pera ay pinatay ang mga magulang nya.
" Sana ay magpakita si Lolo sa akin... Sana ay gabayan nya ako sa bagong yugto ng buhay ko!" Nasabi na lamang nya at umiiyak.
Nang magsiuwian na ang mga magulang ni Angel ay naiwan ang mga kaibigan nya at dumating si Lorenzo.
Pati rin sya ay nabigla sa nalaman kay Nene.
" Wow.. tagapagmana ka pala Ne.. kaya Lang ay aaanhin mo nga naman ang pera... Wala naman ang mga magulang mo." Sabi pa nito.
Kaya hinampas ni Angel si Lorenzo sa balikat kaya napa- aray Ito.
" Teka, saan ka galing?" Tanong ni Lovely.
" Sa kabilang isla.. " Sabi nito at napatitig sila.
" Bakit?" Tanong nila.
" Enrollment na kasi!" Sabi nito.
Na agad na napatingin ang Tatlong babae.
Nakalimutan na nila na malapit na ang pasukan at di pa sila naka enrolled sa kahit anong school.
" Patay... Saan nga ba ako papasok? Tanong ni Lovely.
" Ne.. ngayon may pera ka.. makapag- aral kana kahit saan mo gusto!" Sabi sa kanya ni Angel.
" Tama" lahat sila ay nagsang- ayon sa sinabi ni Angel.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni Nene.
Nasa sala si Nene kasama nya ang mga kaibigan.
Napag-isipin na nya na tatanggapin ang mga pinamana sa kanya ng kanyang Lolo.
Bago umalis ang attorney ay binigyan si Nene ng calling card kaya ngayon ay nakikipag-usap na si Nene sa attorney sa cellphone.
Handa na syang harapin ang mga tungkulin na ibibigay sa kanya.
Ang huling sabi sa kanya ng Attorney ay kailangan ng Hacienda Carlota si Nene dahil wala na si Venian at ang anak nito.
Ang Hacienda Carlota na galing sa kanyang Lola Carlota.
Si Nene ang tagapagmana ng hacienda at dahil wala na si Venian at si Bryan ay kailangan nila ng maymamahala sa kanila.
Dahil napakalawak ng taniman ng niyog at ang pangunahin production ng kanilang hacienda ay copra na ginagawang oil.
Natapos ang usapn nila ni Attorney at sinabihan syang maghanda na at uuwi sya ng Davao.
"Buo na ba ang desisyon mo na doon kana titira sa Davao.. " Malungkot na tanong ni Angel.
" Oo, gel.. " Sabi nito na yumakap kay Angel at Lovely.
" At doon na lang ako mag- aaral ng college." Sabi pa nito.
" Teka... Diba di pa kayo enrolled?.." Sabay ngiti ni Nene.
" Eh, kung sumama kaya kayo sa akin at sa Davao na lang tayo mag- aral ng college!" Masaya nyang sabi.
" Para may kasama ako na pumunta sa Davao at ako ang bahala sa inyo!" Sabi pa nito na ngumingiti at tumataas pa ang kilay.
Nagkatinginan ang dalawang babae at tumingin sa kanya na di makapaniwala sa idea nya.
" Teka...tanungin muna namin sina Papa at Mama.. " Sabi ni Angel at tumanggo tango lang si lovely.
" Hip, hip... Sila lang ba ang pwedeng sumama sa'yo Ne? Tanong ni Lorenzo na kanina pa tumitingin sa kanilang tatlo na nag- uusap.
" Ako rin..." Na nagsasamo pa Kay Nene.
" Hoy!... Lorenzo.. di pa final ang pinag-usapan namin ha.. at baka di kami payagan ni Mama at Papa." Sabi ni Angel na nilagay pa ang mga kamay sa baywang.
" Naiintindihan mo ba?" Sabi nito.
" Kahit na di kayo sumama ay sasama ako kay Nene!" Sabi pa nito na ngumingiti pa.
" At pano naman ako?" Tanong ni Angel kay Lorenzo na nakasimangot na sa kanya.
" Bakit ka anu-ano ba kita?" Tanong ni Lorenzo kay Angel.
" Aba!, Baka nakalimutan mong umamin ka sa aking noon nakaraan?" Pagbabantang Sabi ni Angel.
" Nakalimutan ko na po iyun!' Sabi pa nito na agad naman nilapitan ni Angel si Lorenzo at hinablot ang buhok dahil sa subrang inis nito.
" Aray.. arayy.. ang sakit.. ang sakit..iyan ang mapapala ng isang makalilimutin tao!" Sabi pa nito at lumabas.
Nakapamaywang lang sina Nene at lovely habang nanonood sa dalawa hanggang lumabas na si Angel ng bahay dahil sa subrang inis nito kay Lorenzo.
" Eh.. ano pa hinihintay mo Lorenzo?" Tanong ni Nene na nakapamaywang pa at ganoong din si Lovely.
Kaya napatingin si Lorenzo sa dalawang babae na tila may hinihintay.
" Di mo ba susundan si Angel?" Tanong ni Lovely na agad naman nakuha ni Lorenzo.
" Susundan..." Sabi pa nito at itinaas ang isang daliri na para bang may bagong idea na naiisip.
Lumabas na Ito at sinundan si Angel.
" Hai!" Napabuntong hininga si Nene sa mga kaibigan nya ang kukulit kasi.
Ngayon nya lang naisip na napakalaki ng utang na loob nya sa mga kaibigan dahil sila ang ginawa nyang sandalang sa mga sandaling nahihirapan sya sa pagkawala ng kanyang mga magulang.
Kaya gagawin nya ang lahat para manatili ang kanilang pagkakaibigan.
Inaya na ni Nene si Lovely na maghanda na para sa kanilang kakainin.
Nakaluto na sila ng kanin at iinitin Lang nila ang ulam na galing kila Angel.
Bumalik naman ang dalawa na nag- aakbayan at tumatawa.
" Halina kayo at kumain na!" Aya nya sa dalawa.
Lumapit naman ang dalawa at kumuha ng pinggan at umupo sa tabi nina Lovely at Nene.
Masayang silang kumakain ng hapunan ng napag-usapan si Jhon.
" Ne.. tumawag na ba si Jhon sa'yo?" Tanong ni Angel.
" Di pa nga eh.. hinihintay ko nga ang tawag nya!' Sabi pa nito at nalungkot sa nangyari sa kanyang papa.
At hindi man lang sila nag-usap bago Ito umalis sa Isla.
" Lorenzo.. tumawag na ba sa'yo si Jhon?" Tanong nito kay Lorenzo na sarap na sarap sa kinakain nyang adobong baboy.
" Di nga sya tumatwag sa'yo sa akin pa kaya!" Sabay kamot ng ulo.
" Wala tayong balita sa kanya!" Malungkot na sabi ni Nene.
" Wala tayo sa tabi at damayan sa pinagdadaanan nya!" Sabi pa nya.
Tumango lahat ng kanyang mga kaibigan na tila lahat sila ay ganoon din ang pakiramdam.
Natapos ang kainan nila ng naghuhugas ng pinggan sina Angel at Nene.
" Ne.. ipapaalam mo ba kay Jhon na titira ka na sa Davao?" Tanong ni Angel.
" Oo, naman baka pagbalik nya dito sa isla mabigla sya at wala ako dito!" Sabi pa nya.
Natapos na ang kanilang paghuhugas ng pinggan at naka- uwi na si Lorenzo sa kanila.
Naiwan ang dalawang kaibigan at sinamahan si Nene sa pagtulog nito.
Kinubukasan ay pumunta ang lahat ng mga magulang nina Lovely, Angel at Lorenzo sa bahay ni Nene.
Pinag- usapan ang kanilang desisyon kung payag sila na sumama ang mga kaibigan kay Nene sa Davao.
At pinangako ni Nene na sya ang bahala sa mga kaibigan doon kung sakaling sumama sila sa kanya.
Mag- aaral sila ng college sa Davao.
Di maka desisyon ang mga magulang nina Lovely, Angel at Lorenzo.
At nag- alala sila sa mga anak nila.
Kaya nagbigay ng bagong idea si Nene sa mga magulang kung sasama ang mga ito sa Davao para samahan ang mga anak nila.
Di makapaniwala ang mga magulang nina Lovely, Angel at Lorenzo.
Dahil sa mga idea ni Nene sa kanila.
Kailangan lang ni Nene ng gabay na galing sa kanila at supporta ng mga kaibigan.
Kaya napapayag ang mga magulang na sumama ang mga bata sa kanya.
Kaya lang ay di sila makakasama dahil meron pa silang mga anak at trabaho kaya di madali sa kanila na aalis lang ng basta- basta.
Kaya naglungdagan ang mga kaibigan ni Nene ng marinig nila na pinapayagan silang sumama kay Nene na pumunta ng Davao at doon mag- aral ng College.
Natapos ang pag-uusap ng may pangaral na galing sa mga magulang na kapag di sila nakapagtapos ng pag-aaral at nabigo ay hindi sila babalik ng isla.
Kaya pinangako sa kanila na dapat maka- graduate silang apat ng kolehiyo.
Kaya nangako sila sa kanilang mga magulang.
Mga ilang araw din na naghanda sila ng mga kailangan nilang dalhin.
Mga documents na kailangan nila para sa kanilang paglipat at para makapag enrolled ng kolehiyo sa Davao.
Dalawang araw na lang at aalis na sila ng isla.