Kasama ni Nene sina Lovely at si Angel galing sila sa bahay ni Angel at may dalang bigas at ulam papauwi na sila sa bahay ni Nene.
Kahit na nakatira si Nene sa bahay nya ay ang kanyang pagkain ay nanggagaling kila Angel at Lovely. Kung minsan naman kay Lorenzo kaya nahihiya na si Nene sa mga Ito.
Kaya lang ay sinusundo sya ng kanyang mga kaibigan para kumain sa kanila at pinapadalhan ng bigas.
Iniisip nya na palamunin na sya ng mga kaibigan. Kaya lang kahit anong gawin nyang pagtatago sa kanila o di lalabas ng bahay ay lahat sila naghihintay sa labas ng bahay hanggang sa mabuksan ni Nene ang pinto.
Di sila umaalis sa tabi ni Nene dahil nag- iisa na lang Ito sa buhay.
HABANG papauwi na sila ay may isang attorney ang naghihintay sa kanya sa labas ng bahay habang sakay ito sa sasakyan.
Nang malapit na sina Nene sa bahay nila ay agad itong lumabas sa sasakyan.
" Magandang araw sa'yo Miss San Pedro.." Nakangiting sabi nito.
" Magandang araw din po." Sagot nya.
" Anong kailangan nyo po?" Tanong nya.
" Ako si Attorney Noel De Jesus, at attorney ng pamilyang Smith." Sabi nito.
" Wala po akong kilalalang Smith, attorney?"
" Smith, ay ang meddle name ng ama mo Ma'am San Pedro!" Magalang nyang sagot.
" Papaano?" Kanino.. Teka!, Kay Papa ba?" Naguguluhan nyang sabi.
" Yes, Ma'am..." Nakangiti nitong sagot.
" Teka nga po, at bubuksan ko ang gate ng bahay!" Sabay labas ng susi ng gate at binuksan nya ang lock.
Simula kasi ng mamatay ang mga magulang nya kahit bibili lang sya ng kahit ano sa tindahan man o kahit saan na malalayo sya sa bahay ay parati na nyang nilolock ito.
Natatakot sya na baka pag-alis nya ng bahay ay may nakapasok na tao ay aabangan sya sa pagbalik.
" Pasok po kayo.. Attorney.." Sabi nya at pumasok na Ito sa gate at kasunod ang mga kaibigan nya na nakatingin lang sa kanila.
" Ne... Gusto mo bang tatawagan ko si Papa dito para may taong matanda na kasama ka?" Tanong ni Angel.
Kaya tumango si Nene na agad naman umalis si Angel at naiwan si lovely.
Binuksan ni Nene ang pinto ng bahay at pumasok sila.
" Upo muna kayo.. Attorney.." Aya ni Nene sa Attorney.
" Salamat.. iha.." Sabi nito at inilapag ang bag na dala nya sa lamesa maliit na nasa harap nya.
" Ano pong gusto nyong inumim.?" Tanong nito.
" Coffee.. Iha... Okay na sa akin." Sabi nito na ngumingiti.
Kaya ang dalawang magkaibigan ay agad na pumunta sa kusina at nagtimpla ng kape.
"Ito na po ang coffee nyo." Sabi ni Nene ng biglang dumating ang mga magulang ni Angel.
" Tita Ann, Tito Manuel.. si Attorney Noel De Jesus po.." Pakilala nya sa mga magulang ni Angel.
" Magandang Umaga po sa inyo!" Magalang na sabi ni Attorney.
" Magandang Umaga din po.. " Sabi ni Tita
" Ano po ang kailangan nyo kau Nene?" Tanong nito na umupo na sa upuan at umupo na rin si Nene sa tabi nya.
" Okay.. una sa lahat ako ang attorney ng pamilyang Smith..." Pauna nyan sabi.
" Si Catherine Smitch San Pedro ang totoong pangalan ni Nene.. Na syang napanganga kay Nene.
" Ano pong sabi nyo?"
" Ikaw si Catherine 'Smitch' San Pedro" Sabi nito.
" Ang Papa mo ay anak ni Doña Caroline Smitch' San Pedro ay isang American at si Don Nikolas San Pedro na isang Pinoy.
Nang mamatay ang mama ni Sir Carlo ay nakapag- asawa muli ang kanyang Papa at pinalayas si Sir Carlo.
Dahil ang Lolo mo ay isang pilipino soldier sa America at ilang taon hindi nakauwi sa kanyang anak na si Carlo.
Pinalayas sya ni Venian na ikalawang asawa ng Lolo mo at hindi nya binigyan ng pera ang bata.
Kaya napadpad ang ama mo dito sa isla hanggang sa napangasawa nya ang Ina mong si Beray at nagkaroon ng anak at ikaw iyun!" Ang mahabang nyang paliwanang sa lahat.
" Bakit naman po ako ninyo hinahanap eh, pinalayas po pala ang tatay ko sa kanila?" Sagot nito.
" Dahil bago pa mamatay ang Lola mo ay ipinamana na nya ang lahat ng ari- arian sa pangalan ng ama mo!" Sabi nito sa kanya.
" Patay na po si Tatay at hindi man lang nila pinuntahan dito sa isla" sagot nya na umiiyak na dahil sa nalaman may pamilya pa pala ang ama.
Ngunit ng mamatay Ito ay wala man lang may dumalaw sa kanya.
" Dahil ngayon lang nalaman ng Lolo mo na wala na ang nag- iisa nyang anak ay agad ka nyang pinapahanap sa akin" Sabi nito.
" Paano nya nalaman na patay si Tatay?" Tanong nito.
" Dahil ang ikalawang asawa ng Lolo mo ay may alam ng lahat... nakita kasi ng Lolo mo ang mga litrato sa lamesa ng kanyang asawa at lahat ng mga dokumento ng pag- aari nang ama mo ay mapupunta sa anak nya na si Bryan.." Sabi nito.
" May kapatid si Tatay?" Tanong nito.
" Oo, sa papel!" Sagot nito na biglang kumunot ang noo ng dalaga.
" Anak sya ni Venian sa pagkadalaga at ng magpakasal ang Lolo mo kay Venian ay nabigyan ng pangalan ang anak n'yang si Bryan." Sagot nito na nagbigay liwanag sa pag- iisip ng dalaga.
" Walang kapatid si Tatay sa kanya?" Tanong nito.
" Walang kapatid ang ama mo sa kanya, tanging sya lamang ang anak ng Lolo mo!" Sagot nito.
" Ano po ang kailangan nyo? Kung alam nyo na patay na ang Tatay ko?" Tanong nito sa attorney.
" Iyun nga ang pinunta ko. Iha!" Sabay bukas ng bag sa harap nila.
Kinuha nya ang mga papel at binasa.
" Kinilala si Catherine Smitch San Pedro na tagapagmana ng kayamanan ng pamilyang San Pedro at Smitch.
" Ang kanilang pagmamay-ari ay Isang bahay sa Davao na tinitirahan ni Venian at ang anak na si Bryan.
" Meron din bahay sa America kung saan nakatira ang Lolo mo na naisalin na nya sa pangalan mo.
" At ang yaman ng Lolo mo ay mapupunta sa'yo liban sa pera ng Lola mo na nakatago sa bangko na syang ipinama ng lola mo sa tatay mo na naisalin na ng Lolo mo sa'yo."
" At mga negosyong tulad ng Copra na syang pagmamay-ari ng Lolo mo!"
" Lahat ng iyun ay nasa iyo" Sabi nito.
" Teka lang po ang dami naman po iyan.. " wala po bang kahati ang ikalawang asawa ni lolo?" Tanong nito.
" Wala ng ugnayan ang Lolo mo sa Babaeng iyun iha.." Sabi nito at ibinigay ang isang papel.
" Kinasuhan ng Lolo mo si Venian dahil sya ang nagpapatay sa ama mo!" Sabi nito na kinabigla ng lahat.
" Matagal na nyang alam kung nasaan ang ama mo at inilihim nya iyun sa iyong Lolo!" Sabi nito.
" At ang nagpapatay sa mga magulang mo ay walang iba ay ang anak n'yang si Bryan." Sabi nito.
" Ano pong sabi nyo?" Pinapatay sila ni Venian na Asawa ni Lolo?" Naiiyak nyang sabi.
" Oo, iha kaya nagsisi ngayon ang Lolo mo at hindi makaharap sa'yo.. Dahil sa kanyang asawa kaya namatay ang nag- iisa nyang anak si Carlo.." sabi nito.
Umiiyak si Nene habang binabasa ang mga nakasulat.
Inaamin ng mag- Ina na sila ang nagpapatay sa kanyang mga magulang.
" Tay.... Ta- Tay... Nay, nanay... Naiiyak nyang sigaw dahil nabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.
Nang malaman nila ang totoo ay binigyan sila ng oras kung ano ang kanilang desisyon.