Chapter 15.

1165 Words
PINAGPATULOY na lamang nila ang pag- aasikaso sa mga taong nakikiramay. Buong araw na abala ang magkakaibigan sa burol ng mga magulang ni Nene. Lumapit si Nene sa kanila. " Salamat sa inyo at hindi nyo ako pinabayaan.." pasasalamat nya sa kanyang mga kaibigan. Kaya nilapitan sya ng kanyang mga kaibigan at niyakap. Nang lumapit ang mag- amang Mayor sa kanila. " Iha.. mauuna na kami.. at wag kang mag- aalala at sisiguruhin kong mananagot ang salarin.. " Sabi nito na tinatapik pa sa balikat si Nene. " Ne.. mauuna na kami ni Papa!" Paalam ni Damian sa kanya. " Jhon, ikaw muna ang bahala Kay Nene!" Sabi pa nito na tumango- tango Lang si Jhon na sa loob nito ay naiinis sya o natatawa si Jhon dahil kung iisipin ay dapat alam na nitong hindi- hindi nya pababayaan si Nene. Umalis ang mag- ama at naiwan ang magkakaibigan. Umupo sila sa harapan ng kabaon ng mga magulang ni Nene. " Anong plano mo Ne?" Nag- alalang tanong ni Angel sa kaibigan. " Di ko parin alam.. Gel!" Wala sa loob nitong sagot sa tanong ng kaibigan dahil puno ang utakn nya sa sigaw ng katarungan ng pagoatay ng kanyang mga magulang. Pumasok si Aling Mary at ang mga magulang ng mga kaibigan nya at lumapit Ito sa kanya. " Ne.. wag kang mag- alala at pagtutulungan ka namin pag- aralin sa kolehiyo!" Sabi ni Aling Mary na biglang napatingin si Nene sa mga magulang ng kanyang mga kaibigan. " Nandito lang kami.... Alam mo naman na kahit hindi ka pa pinanganak ay magkakaibigan na kami ng mga magulang mo!" Naiiyak na sabi ni Aling Angelina na Ina ni Angel. " Matalino kang bata at mabait.. Nandito Lang kami para sa'yo" dagdag pa ni Mang Long na ama ni Lorenzo. " Salamat po sa inyo... Napakabait nyo sa akin..." Naiiyak na pasalamat ni Nene sa mga magulang ng kanyang mga kaibigan. Matapos ang Tatlong araw ay nasa huling himlayan na sila ng mga magulang ni Nene. " Na- nay.... Ta- tatay .... " Napapaos na sigaw ni Nene habang binababa na sa lupa ang kanyang mga magulang. Maraming nakiramay sa kanya at nakasuot na puti. " Nay... Tay!" Sigaw ng dalaga habang nagwawala. Napuno ng iyakan ang sandaling iyun nang biglang mahimatay si Nene at nataranta ang mga taong nanduon buti nalang at marami ang nakasalo sa kanya. Pinapaypayan ito hanggang sa nagkamalay muli. Nakita na lamang nya na puno na Ito ng Lupa ang hukay ng libingan ng kanyang mga magulang. Napadapa Ito at umiiyak habang hinahawakan ang lupa na nakatabong na sa hukay. " Tay.... Nay.... " Nasabi na lamang nya. " Ne,.....wag kang mawalan ng pag- asa... Nandito lang kami sa likod mo..." Naiiyak na sambit ni Angel sa kaibigan habang hinahagod sa likod. Unti-unti naman lumiliit na ang mga taong naroon at umaalis na para bumalik sa bahay ni Nene. Naiwan ang magkakaibigan at mga magulang na hinihintay si Nene na kumalma. Nauna rin umalis si Mayor at si Damian. Nang mahismasan na si Nene ay pumayag na rin itong umuwi at kahit na ayaw nyang makipag- usap sa tao dahil wala syang gana ay pinilit nyang makipag-usap at magpasalamat sa pakikramay sa kanya. Naging abala silang lahat sa pag- aasikaso para maidaos ng maayos ang libing. Nang gumabi na ay kaunti na lamang ang mga tao na naroroon sa bahay at tanging mga kaibigan at mga magulang na lamang ang nanduon. Isa- Isa ng nagpaalam ang mga magulang ng kanyang mga kaibigan.Kaya pinagpatuloy na lamang nila ang pag- aasikaso sa mga taong nakikiramay. Naunang umuwi si Lorenzo at naiwan sina Jhon, lovely at si Angel sa tabi nya. Ngunit sinabi nina Angel at Lovely na sila na lamang ang bahala kay Nene at umuwi na rin si Jhon sa kanyang bahay. Kaya umuwi na lamang si Jhon kahit na napilitan lang sa mga kaibigan. Ngunit mas gusto sana nyang sya nalang ang kasama ni Nene sa bahay nito. Umuwi si Jhon sa bahay nya at ng dumating ito ay nakita nya ang Tita Julie na sa kusina at hinihintay sya. " Buti at nandito ka na Jhon!" Sabi ng kanyang Tita Julie. " Tita?" Nabigla sya ng makita nya ang Tita nya sa kanilang bahay. " Tita, bakit kayo nandito?" Tanong nito. Umiiyak ang Tita nya pati ang Nanay nya. " Anak!" Wag kang mabibigla ha!" Naiiyak na sabi ng kanyang ina at bago itong nagsalita ay isang malakas na buga ng hangin ang binuga nito at ang pagdaloy ng kanyang luha. " Ang Tatay mo anak.. namatay sa aksidenti sa Saudi..." Naiiyak nitong sabi sa anak na nagpatulala kay Jhon. "Nag-nagbibiro lang po ka- kayo di ba..?" Naiiyak nyang tanong. Niyakap lamang sya ng kanyang ina at Tita Julie. Parang nayanig ang buong mundo ni Jhon sa mga nalaman nya ngayon Gabi. Buong gabi na nag- iiyakan ang pamilya ni Jhon sa pagkamatay ng kanyang ama. KINUBUKASAN... ( Paano na ako nito, wala na ang mga magulang ko... Miss na miss ko na si Mama... Papa!) Umiiyak habang iniisip ni Nene ang mga magulang nya papaano na ang buhay nya dahil wala na ang mga magulang nya habang nakayakap sa unan. Nagising sa tabi nya si Lovely at bigla syang niyakap. " Ne.. nandito lang kami na mga kaibigan mo," habang niyayakap sya nito at hinahagod sa likod. Nakatalikod kasi si Nene sa mga kaibigan nya. Doon na matulog ang dalawa sa bahay ni Nene. Tatlo silang magkakatabi sa higaan kaya nararamdaman nila ang pag-iyak ni Nene. Nang biglang may narinig silang katok sa pinto. Kaya bumaba si Lovely at binuksan iyun. " Guys... May sasabihin ako sa inyo..!" Sabi ni Lorenzo na hinihingal. " Ano yun?" Tanong ni Angel habang bumababa sa hagdan kasama si Nene na pulang- pula ang mga mata. " Si Jhon.. kasi... !" Sabi nito na di alam kung paano sasabihin sa mga kaibigan na wala na si Jhon sa Isla. " Oh, anong nangyari kay Jhon?" Nag-alalang tanong ni Angel. " Guys.. umalis na sya..!" Sabi nito. " Ha..anong umalis..?" Kinakabahan tanong ni Angel. " Kasi umalis na si Jhon sa Isla at hindi na nagpaalam sa inyo dahil kailangan nilang agad pumunta ng Maynila!" Paliwanang nito sa mga babae. " Bakit nga umalis si Jhon na hindi man Lang nagpapaalam sa atin?" Tanong ni Lovely. " Namatay kasi ang tatay nya, sa Saudi..na aksidenting nasabugan sa trabaho!" Sabi nito at umiyak na. Kaya di na napigilan ni Nene ang umiyak dahil magkasunod na nawala ang kanilang mga mahal sa buhay ni Jhon. Di nila akalain na ang kanilang summer break ay puno ng mga pangyayaring masaya at nakakalungkot. Masaya dahil nagkita- kita sila magkakaibigan dahil sa tagal na di nagsasama at napalitang ng lungkot dahil namatay ang mga magulang ni Nene at ang ama ni Jhon sa Saudi. Lumipas ang ilang araw ay may dumating na isang panauhin sa bahay ni Nene. Isang attorney ang naghihintay sa kanya sa labas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD