Chapter 44

1803 Words

Lilo Madiing lumapat ang mga labi ko sa kaniya. Hinagod ng matagal ang mga labi niya bago ko iyon pinakawalan. Kinulong niya ang mga panga ko sa malalaking palad niya. "Paano mo kami magagawang iwanan ng mga anak natin ha?" Namumula pa rin ang kaniyang mga mata hanggang ngayon. Nag-iwas ako ng tingin. "Huwag kang magsalita pakiusap.." hiling ko sa mababaw na tono. Pati ako ay nagulat sa aking ginawa. Hindi ko lubos maisip na nagawa kong ihakbang ang mga paa palabas ng bahay namin. Ngayon pa ako nagkaroon ng lakas ng loob. Ngayon pa ako naging matapang. Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga. Pinikit ko ang mga mata sabay dikit ng noo ko sa kaniyang matipong dibdib. "Huwag mo na ulit gagawin ito Lilo. Mangako ka sa akin," bulong niya. Dinikit ang labi sa tuktok ng ulo ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD