Lilo Marami siyang bilin sa kasambahay namin pati na rin sa driver bago siya umalis. Tinawagan pa ang mommy niya at sinabing dalawin kami palagi. Nakakaloka siya, ilang araw lang naman siyang nawawala pero kung makapagbilin ay kala mo naman aabutin siya ng taon. Napailing na lang ako. Tanging tango ang nagiging sagot ko sa kaniya. Kinagabihan ay dumating ang mommy niya kasama ang asawa nito. Si Lulu ay muling dumikit sa Lola Claudia niya, halos hindi ko na maawat. Masyadong spoiled itong panganay namin sa kanila. "Ilang araw lang naman mawawala ang Daddy ninyo pero kung makapagbilin sa akin ay parang hindi na babalik," birong sabi ng mommy ni Lyndon sa kaniyang mga apo. Nasa sala kami ngayon. Katatapos lang namin maghapunan. Ngumisi ako. Ang stepdad ni Lyndon ay inayos ang pagkakan

