Lilo "Simula ng umalis ka lumala ang sakit ng lola mo. Hindi ko ito sinasabi sa iyo para sisihin ka. Matanda na rin siya. Tapos nangulila sa iyo." Bakas sa pananalita ni Tita Esmeralda ang lungkot habang nagkukuwento sa akin tungkol sa nangyari kay Lola. Muling nanikip ang dibdib ko. Mabuti na lang at tulog na ang mga bata kun'di makikita na naman ako ni Lulu habang umiiyak. "P-patawad po. . .hindi ko sinasadya. . .kasalanan ko ang lahat. Hindi ako nakikinig kaya naging ganito ang buhay ko." Ginanap ni Tita Esmeralda ang mga palad ko at mababaw iyong pinisil. Nang ipagtabuyan ako ni papa noon ay kusa rin akong lumayo at hindi na nagpakita. Nagkamali ako ng daan na tinahak kaya ngayon ay nagsisisi na ako. "Hindi mo kasalanan ang pagkawala niya, Lilo. Lahat naman tayo nagkakamali. W

