“What the hell, Miss Huizon? It’s almost time, at ngayon ka lang darating?” galit na tanong ng science teacher namin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang director at ang dalawang department head sa bandang likod. s**t! Observation pala ng klase ni Ma’am ngayon kaya dito kami sa science lab!
“Ah… I am very, very sorry, Ma’am. May nasalubong po kasi akong Grade 7 habang papunta ako rito. She was crying and very frightened. She said a group of guys was following her and so–”
“Let’s just talk about that in my office. You stay there until my time is over and tomorrow you need to get an admission slip before you can enter my class,” putol niya sa akin.
Nabigla ako kasi hindi man lang pinakinggan ng buo ang paliwanag ko. Kaya hindi na ako nakipagtalo pa at umatras na lamang. Lumakad na ako pabalik sa classroom namin kasi doon naman iyong susunod na subject namin.
“Saan ka ba kasi nanggaling? Alam mo na ngang class observation ni Ma’am ngayon at ikaw ang isa sa inaasahan niyang magre-recite para sa lesson!” curious na tanong sa akin ni Arianna.
Sumimangot naman ako. “Eh, iyon nga… may Grade 7 na nanginginig sa takot. Umiiyak kasi may sumusunod daw sa kaniya at gusto siyang gawan ng masama. Eh, tutulungan ko sanang makasakay ng taxi pauwi kaso naharang kami ni Sir Turibio. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari doon.”
“Grade 7? Baka na-culture shock, pero sabi mo naman, may sumusunod sa kaniya? Sino na naman kaya ang mga ‘yon. Siguradong mga bully!” komento naman niya.
“Kaya nga… naku, makita mo lang talaga iyong hitsura niya kanina, talagang maaawa ka!” kuwento ko pa.
“Talaga? Eh, kumusta naman? Sobrang pinagalitan ka ba ni Ma’am?” tukoy niya sa science teacher namin.
Umiling naman ako. “Hindi naman siya nagalit. Patapos na rin naman daw talaga iyong lesson kaya hindi na niya ako pinapasok pa.”
“Mabuti naman. Akala ko ay mapapagalitan ka na. Ibig sabihin ay naintindihan din niya iyong naging sitwasyon mo.”
Hindi na ako nakasagot pa dahil dumating na iyong teacher namin. Gaya ng nakagawian tuwing hapon ay pupunta ako sa building nina Llander para hintaying matapos ang klase niya. Mas nahuhuli kasi silang umuuwi kaysa sa amin.
“Llander, iyong girlfriend mo, nandito na!” nang-aasar na sigaw ng isang classmate ni Llander kaya agad akong namula. Bumilis ang t***k ng puso ko lalo na noong umugong na ang kantyawan.
Natatawa namang lumabas si Llander mula sa classroom nila at nilapitan ako. “Huwag ni’yo ngang masyadong inaasar itong kababata ko! Mamaya niyan ay isipin niya talagang may gusto ako sa kaniya, eh!”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Llander kaya inalis ko ang pagkakaakbay ng kamay niya sa balikat ko. “Kapal mo, ah! Hindi kita type!” asik ko naman sa kaniya.
“Naku, kunwari pa kayong dalawa, eh! Pasasaan ba at doon din kayo tutuloy!” pagpapatuloy pa ng classmates niya saka sila nagtawanan nang malakas.
“Aalis na nga lang ako! Bahala ka diyan!” inis na saad ko at nagmartsa na palayo.
“Hey, hintayin mo ako, ah!” narinig ko ang pahabol na sigaw ni Llander pero hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa mabilis na paglakad palayo. Uuwi na ako at hindi ko na hihintayin ang mokong na iyon kasi–
Nahinto ako sa pag-iisip nang bumangga ako sa isang bulto at muntik ko nang mabitiwan ang iPad at cellphone na dala ko.
“You again? Mahilig ka talagang mangbangga ng tao kahit saan, ha?” natatawang komento ng lalaking nabangga ko.
Kumunot naman agad ang mukha ko at napatitig sa mukha niya. Parang nakita ko na siya dati? “Kilala ba kita?”
Lalo itong natawa na akala mo ay may clown sa harap niya. Kaya agad ko siyang inirapan kasi nakadagdag pa siya sa inis na nararamdaman ko ngayon.
“Alright, sorry, sorry! I am Leighton, remember? We met in the national bookstore the other day?” paalala nito sa akin.
Saglit akong nag-isip at pilit na inalala ang araw na iyon. “Ah, yeah… yeah. I remember! Naku, sorry, ha? Nagmamadali lang kasi ako,” pagdadahilan ko.
“It’s alright! Baka naman puwede mo nang sabihin sa akin ang pangalan mo?” nakangiting tanong niya.
Nahihiyang tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. “Avery Zynia! Avez for short!” tugon ko.
“I guess your name rings a bell. I think I heard it somewhere already and–”
“Ah, siguro narinig mo na nga. Ako iyong endorser ng Hiraya kids’ shampoo, bodywash, lotion at iba pa. Ako din iyong nasa commercial ng Twix chocolate!” pakilala ko pa sa sarili.
“Oh, so I heard. So, ikaw ang panganay na anak ni Miss Raven Ledesma, iyong international super model?” tanong pa niya.
Tumango ako at binawi ang kamay ko. Hindi ko namalayang kanina pa pala niya hawak iyon. “Yeah. Ako nga! Nice meeting you, Leighton!”
“The pleasure is mine, too! But can you help me get to the director’s office? I need to talk to him about my admission to this school,” pakiusap niya.
“Mag-aaral ka rito?” gulat na tanong ko.
Tumango naman siya. “Yup! This school pleaded me to transfer because they want me to represent the school in the international swimming competitions.”
“Wow!” namamanghang bulalas ko. “Swimmer ka? Eh, teka, college ka na ba?” magkasunod na tanong ko.
“Nope! Senior high school. Graduating na nga rin ako kaya ayaw ko na sanang lumipat pa, kaya lang magkaibigan kasi ang Mommy ko at ang director nitong school kaya iyon…” paliwanag niya.
“Gano’n ba? Halika, sasamahan na lang kita. Tutal hindi pa naman ako uuwi kasi may hinihintay pa akong ungas!” nakairap na saad ko.
“Ungas?” ulit niya, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Naku, wala iyon! Tara,” yakag ko sa kaniya at nauna na akong naglakad. Nasa dulo pa ang admin building at nasa fourth floor ang opisina ng director. Mabuti na lang at may elevator naman ang school namin kaya hindi na kami mahihirapang umakyat pa roon nang mabilis.
“Iyon, oh! Diretsuhin mo lang iyon at nandoon ang office niya,” turo ko sa dulong bahagi ng pasilyo nang marating na namin ang fourth floor.
“Please, Avez, don’t leave yet. Magmiryenda naman tayo pagkatapos. Magpapakita lang naman ako tapos aalis na rin ako agad!” pigil niya sa akin na puno ng pakiusap.
Hindi naman ako nakasagot agad kasi iniisip ko si Llander. Baka kasi biglang mag-alala iyon sa akin kapag hindi niya ako makita sa pinaghihintayan ko sa kaniya sa may school park. Pero dahil naiinis ako sa pang-aasar niya kanina, naisip kong gumanti.
“Sige. Gusto mo sasamahan na lang kaya kita?” presinta ko pa.
Sunod-sunod naman siyang tumango kasabay nang pagliwanag ng mukha niya. “That would be great! Let’s go!”
Literal na sandali lang nga silang nag-usap ng taong sadya niya kasi ginamit niya akong dahilan para mabilis siyang makaalis. Gusto ko na lang talagang matawa kanina.
“Leighton, ano nga pala ang apelyido mo? Nakalimutan kong tanungin,” tiningnan ko siya dahil ipinagbukas niya ako ng pintuan ng kotse niya. Gaya ni Llander ay may sarili na rin itong sasakyan at sportscar pa nga. Kaya sigurado ako, galing din sa mayamang pamilya itong si Leighton.
“Abellama. I am Leighton Abellama. But you can call me Leigh, kung nahahabaan ka sa pangalan ko,” nakangiting sagot niya. Inilagay pa niya ang kamay sa ibabaw ng ulo ko habang pasakay ako.
Napangiti ako kasi napaka-gentleman din niya gaya ni Llander. “Thank you!”
Mabilis din siyang sumakay sa kabila para naman maupo sa driver’s seat. “Starbucks na lang tayo?” tanong niya sa akin.
“Ikaw. I’m okay with anything,” sabi ko naman.
“Alright!” pinatakbo na niya ang sasakyan niya at kulang na lang ay mapatili ako sa pagkagulat.
“Hey, dahan-dahan lang! Nagmamadali ka?” saway ko sa kaniya. Natawa naman ito sa akin kaya kumunot ang noo ko. I’m sure wala akong sinabing nakakatawa.
“Sorry… nasanay lang ako,” hinging paumanhin naman niya. Sasagutin ko pa lang sana siya kaya lang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay si Llander ang tumatawag.
“Boyfriend mo?” pansin agad ni Leighton noong sasagutin ko na ang tawag.
“Naku, hindi. Bestfriend ko. Excuse me lang, ha?” tugon ko at dumiretso ng upo saka sinagot ang tawag ni Llander.
“Nasaan ka na?” bungad nitong tanong agad.
“Pauwi na,” tipid kong tugon.
“What? Bakit hindi mo ako hinintay? Alam mo naman ang oras ng labas ko, hindi ba? Galit ka ba? Joke lang iyong kanina!” tila nag-aalalang saad niya. Napangiti naman ako.
“Wala iyon. Sige na, ingat ka na lang pauwi. Kita tayo bukas!” sabi ko at papatayin na sana ang tawag kaya lang muli itong nagsalita.
“Wait! Akala ko ba sasamahan mo akong bumili ng sapatos ngayon?” tanong nito, may himig na yatang pagtatampo.
Habang ako naman ay natahimik at nanlaki ang mga mata. s**t! Oo nga pala. Bibili pala kami ng bagong sapatos niya para sa finals ng inter-high basketball tournament.
“Ha? Sa isang araw pa naman iyong laban, ‘di ba? Bukas na lang, puwede?” alanganing saad ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong inatake ng konsensiya ko.
“Okay… sige.” Bigla na nitong pinatay ang tawag, pero hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa boses niya. Lalo tuloy akong nakokonsensiya kasi nakalimutan ko ang tungkol doon.
“May problema ba?” basag ni Leighton sa katahimikan. Napalingon naman ako sa kaniya at tipid na ngumiti.
“Ah, wala naman. Nagtatampo ang bestfriend ko. Nangako kasi akong sasamahan ko siyang bumili ng sapatos ngayon, kaya lang nakalimutan ko. Hindi bale, babawi na lang ako sa kaniya bukas,” pagtatapat ko.
Naging alanganin naman ang ngiti niya. “Oh, sorry… I felt like it was my fault.”
Pero mabilis akong umiling. “Naku, hindi. Ako ang may kasalanan kasi nawala sa isip ko. Hayaan mo na, mabait naman iyon kaya siguradong maiintindihan niya. Babawi na lang talaga ako sa kaniya bukas, ililibre ko siya ng lunch.”
“You seemed really close,” komento niya. “I hope I have a best friend, too.”
Muling kumunot ang noo ko nang lingunin ko siya. “Bakit naman? Wala ka bang matalik na kaibigan?” gulat kong tanong. Mukha naman siyang mabait kaya imposible na wala siyang closest friends.
“Well, I do have a lot of friends. But I don’t really think I have a bestfriend,” pag-amin naman niya. Hindi na ako sumagot pa at tumango na lang. Narating na namin ang pinakamalapit na Starbucks at nag-park na siya. Iniisip ko pa rin si Llander. Bakit nga ba biglang nawala sa isip ko ang lakad namin ngayon?
Napangiti ako nang malanghap ang mabangong sanghaya ng kape at ang napaka-cozy na ambiance. Mabuti na lang at walang gaanong tao ngayon.
“Ako na lang mag-oorder for us. Do you have any specifics that you want?” presinta niya.
Umiling ako. “I’m okay with anything here. Ikaw na ang bahala,” sagot ko.
Tumango ito at lumakad na papunta sa counter. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahanga sa kaguwapuhan at charm ni Leighton. Ang ganda-ganda ng mga mata niya, tapos manipis lang din iyong matangos niyang ilong. Iyong mga labi niya, medyo makapal at parang may lipstick.
Nakahanap ako ng puwesto malapit sa may salamin na dingding. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Leighton dahil mabilis lang din siyang nakapag-order.
“Here… I hope you like it,” iniabot niya sa akin ang caramel macchiato at inilapag ang almond croissant.
“Thanks! I like this. Wow, gusto mo rin iyang cinnamon roll? Favorite ko rin iyan,” pansin ko sa inorder niya. Pareho kami ng inumin.
“I’m glad to know at least about you. So, tell me more about yourself,” sabi niya sa kalmadong boses. Halatang interesado siyang makilala ako.
“There’s not much to know about me. I’m just a simple girl. Mahilig akong magbasa at manood ng mga tungkol sa batas o kaya iyong mga police crime and thriller gano’n. Ikaw?” baling ko naman sa kaniya at humigop sa inumin ko.
“Aside from my love of swimming, I also love to travel and explore the world…” saad niya. Nagkuwento rin siya ng mga recent experience niya at naging masaya naman ang kuwentuhan namin. Paminsan-minsan ay nagkakatawanan kami, at aaminin kong ang gaan-gaan talaga ng loob ko sa kaniya.
Maya-maya ay mas lumapit siya sa akin na para bang may sasabihing sikreto. “You know,” panimula niyang may kakaibang ngiti sa mga labi, “I’m actually the youngest professional racer in the world right now.”
Napasinghap ako at napanganga sa sinabi niya. “What? Sabi mo 18 ka pa lang, ah?” namamanghang tanong ko.
Mahina naman siyang tumawa at halatang very proud sa sarili niya. “I’ve been obsessed with racing since I was 12. My dad used to take me to the tracks, and I was hooked from the very first time I saw those cars speed by. There’s just something about the adrenaline, the sound of the engines, the feeling of being in control, yet, so close to the edge.”
“Oh… kaya naman pala ang bilis mong magpatakbo kanina. Wow! Just wow!” hindi ko mapigilang humanga. Ang guwapo niyang racer, ha? Bigla ko tuloy nai-imagine iyong hitsura niya kapag naka race uniform siya at may dalang racecar.
Humigop din siya sa inumin niya at tumingin sa labas. Para bang mayroon siyang inaalala. “I started with go-karts, then worked my way up to bigger things. Kaya noong 15 na ako, nakiki-compete na ako sa mga junior leagues. It’s been a crazy journey, but I wouldn’t trade it for anything.”
Nagsalubong ang mga mata namin at kitang-kita ko talaga ang bakas ng katuwaan doon. Hindi ko rin alam kung bakit pinagkatiwalaan na niya ako agad sa personal niyang buhay, pero nakaka-proud siya, sa totoo lang.
“Kung gano’n, paano mo napagsasabay iyong swimming tapos racing? Hindi lang iyon, kasi nag-aaral ka pa?” nahihiwagaang tanong ko.
Lumapad ang ngiti niya kaya lumitaw na naman ang mga dimples niya. “Maybe that is why I don’t have super close friends. I didn’t have enough time because I was busy. Pero, time management lang talaga, plus very supportive ang parents ko, lalo na ang Mommy ko!” buong pagmamalaking sagot niya.
“Yeah! Ako din, super supportive ang parents ko. Kahit gustong-gusto ng mga tao na maging model din ako gaya ng Mommy ko, hinahayaan pa rin nila akong mag-decide para sa sarili ko,” kuwento ko rin. “Alam mo, gusto ko rin ang maging racer.”
Umawang ang mga labi niya at halatang natuwa sa narinig. “Really? You know what, racing isn’t just a hobby for me, it’s everything. It’s where I feel most alive, where I can really be myself. Pero alam mo, mahirap din lalo na ngayon?”
“Bakit naman mahirap?” natanong ko.
“Well, the pressure, the expectations… sometimes it feels like there’s no room to breathe. Kaya kailangan dapat ay palagi akong active, araw-araw nagpa-practice.”
Bahagya siyang huminto at iginagalaw ang daliri sa paligid ng cup niya. “But moments like this, just sitting here and getting to know someone new, it’s a nice break from all that. It’s good to have someone to talk to who isn’t just about the racing world, or swimming competitions and stuff.”
“Okay lang iyan. At least, rewarded ka naman sa lahat ng efforts mo,” suporta ko sa kaniya. Ramdam ko kasi iyong passion niya at iyong bigat ng responsibilities na kailangan niyang i-maintain. “Don’t worry, kaibigan mo na rin ako na susuporta sa iyo!”
Napatitig siya sa akin, iyong klase ng titig na bigla na lang nagpapakaba sa akin. Halos dinig ko na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Damn! What is just happening to me?