3

2076 Words
Maaga akong nagising ngayong araw, hindi pa man sumisinag ang araw sa labas. Una kong ginawa ay nagtimpla ng kape at tumambay sa labas ng aking bahay. May dumadaan ng mga sasakyan sa tapat---- sa kalsada---- ngunit madilim pa rin at tanging mga ilaw lamang ang nagpapalinaw sa mga imaheng nasa paligid. Lumipas pa ang tatlong minutos, unti-unti na ring umaakyat ang haring araw. Noon naman ako pumasok at dumiretso sa CR na nasa kusina. Naghubad ako't naligo bago tuluyang nagpunas ng tuwalya. Ibinalabal ko ito sa aking pang-ibaba at umakyat sa itaas para magdamit. Tulad ng mga nakasanayan---- gula-gulanit na pantalon at itim na t-shirt---- at nagdesisyong magluto para sa aking pang-umagahan. Lumipas pa ang isang oras, ilang minuto na lang ay magbubukas na ang aking talyer. Sina Aldo, Joseff at Lotti ang inaatasan ko roon. Pwede akong magpakatanghali dahil ako naman ang may-ari no'n. Mabilis akong natapos sa pagkain at paghugas ng mga pinagkainan. Umakyat muli ako at binuksan ang bolt na nasa ibaba ng altar. Byernes ngayon, at ito ang araw sa isang linggo na nagdedeposit ako ng pera sa bangko. Iniiwan ko lamang ang mga pinapasweldo ko sa mga tauhan. At kung nagkukulang man, nagwiwithdraw naman ako sa Bangko. Depende sa kita sa loob ng isang linggo. Pagkakuha sa passbook ay kinuha ko ang susi ng sasakyan at lumabas ng bahay. Noon ko naman nalingunan sina Lotti na nagbubukas na nang talyer. Natigilan ako. Bahagyang natulala sa kasama ni Lotti noon. Si Clea... Na nakapantalong hapit na hapit sa kanyang hubog at humuhulma ng mabuti ang kanyang pang-upo. Nakat-shirt itong puti at sa pwesto ko ngayon at sa posisyon niyang nakatagilid. Klarong tinitingnan ko ang kanyang hinaharap na parang nagmamalaki sa tapat. Walang ibang nag-aagaw pansin roon maliban sa kanyang hinaharap. Sa medyo kapayatang katawan, ni wala man lang akong nasilip na bilbil at talaga namang impis na impis ang kanyang tiyan. At para akong kriminal na nahuli sa isang entrapment. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa pagkakalingon nila sa akin. Gayun din sa ngisi ni Lotti na parang alam niyang kanina pa akong nanonood doon. Si Clea lamang itong inosenteng wala man lang kaalam-alam. "Good morning po Sir!" Nakangiting bati nito. Medyo nawawala ang kanyang mga kasingkitang mata. Maliban doon, namumula rin ang kanyang pisngi sa pagkakangiti. Mestisahin na mala-labanos ang kutis niya, parang umiilaw siya sa umagang yun. "Good morning..." Napangiti ako't lumabas sa tarangkahan bago lumipat sa kabilang building. Hindi iilang segundo at dumating na sina Aldo at Joseff. Tumulong sila sa pagpapa-akyat ng roll. "Kuya, di po kayo papasok?" Takang tanong ni Lotti. Umiling ako bago sinulyapan si Clea na higit na mas matangkad kesa kay Lotti. Hanggang panga ko naman ito. "Aalis ako ngayon, magdedeposit. Sinong sasama?" Anong ko. Akala ko nga si Lotti ang sasama dahil nagtaas ito ng kamay. Ngunit iba naman ang namutawi sa kanyang bibig. "Si Clea po! Magiging busy po kasi ako ngayon. Tsaka okay din yun, para naman magkaroon siya ng training ground kung paano niyo po ginagawa yun." Nahuli kong kumindat pa sa akin si Lotti. Nagpipigil naman ako ng ngiti. "Okay lang ba?" "Ah. O-opo." Medyo nanginginig nitong sabi. "O siya. Halika na." Nagtawanan sina Lotti at ang dalawang chief mechanics ko. Parang alam nilang ma-eenjoy ko itong byahe. Napailing na lang ako. Muli akong pumasok sa loob ng aking bakuran, ngayon na kasama ko si Clea. Pinatunog ko naman agad ang aking SUV 2017 GMC ACADIA. "Pasok..." Wika ko pagkatapos ko siyang pagbuksan sa passenger's seat. Tumalima naman ito. Kaya ako na naman ang pumasok sa driver's seat. Naging tahimik ang ilang minutong nasa kalsada ang aking mga paningin. Hindi ko alam kung anong magiging unang sasabihin ko sa kanya. Gayun din sa gitna ng traffic. Mas lalong nakakailang. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa babaeng kasama ko noon. Humahalimuyak ang kanyang bango sa loob ng aking sasakyan. Parang amoy pambatang cologne. Napalunok ako't mas lalo pang pinagpapawisan. "S-sir..." Narinig kong tawag niya, parang hangin sa aking pandinig. At hindi ko na naman nakontrol ang lumalakbay na diwa ko. Iba ang dating... Parang ungol. Tangina! "Bakit?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya. "Naiihi po ako..." Sabi nito. Humigpit ang kapit ko sa steering wheel. Tangina! Manyak na manyak na ako sa sariling isip! "Sandali lang, may madadaanan tayong gasoline station diyan sa unahan." Wika ko, halos manginig na. Natahimik naman siya, at mabuti na lang din umusad na ang traffic at nakarating kami ng matiwasay sa isang gasoline station. Nagpagasolina muna ako at hinayaan siyang maglakad doon sa restroom. Mabilis natapos ang pagkakarga ngunit hindi pa rin siya lumalabas noon. Iginarahe ko nang maayos ang sasakyan malapit sa isang nakasarang silid, katabi ng restroom at naghintay malapit sa restroom. Lumabas naman ito, medyo nabigla sa pagkakatayo ko roon. May isang lalaki pang papasok na naman at natigilan para titigan lamang siya. Iba nga talaga ang hatak ng batang 'to. Agaw pansin. Pinagbuksan ko siya ulit ng pinto. "Salamat Sir." Hindi makatingin-tinging pasasalamat nito. Napalunok ako't umikot para makaalis na kami sa lugar na yun. "Nasabi ni Lotti na mag-aaral ka raw ulit." Basag ko sa katahimikan. Naramdaman kong lumingon siya sa akin. Hindi ko maiwasang lingunin siya sandali, nadistract na naman ako sa labi niyang medyo basa at namumula. Kinakabahan na naman ako kaya sa halip na makipagtitigan sa kanya, mas pinili ko na lang na pagtuunan ng pansin ang kalsada. "Kapag nakapag-ipon na po. Medyo matagal pa naman Sir." Sagot nito kaya't napatango ako. Ano pa bang pwedeng pag-usapan? "Kayo Sir, nakapagCollege po ba kayo? Don't get me wrong po sana." Tingin ko'y hindi ko na kailangang mag-isip pa. Siya na mismo---- ang nagkakainteres. "Oo, mechanical engineering." "Natapos niyo po?" Napangiti ako ng matipid. "Oo, pero hindi na ako kumuha ng board exam. Masyadong mahirap ang buhay noon. Halos igapang na nga ako nina Nanay at Tatay sa pag-aaral." "Ganoon po ba? E ngayon po? May pera naman po yata kayo para kumuha ng board exan. Sayang naman po." "Matanda na ako para diyan, at sa tingin ko hindi ko na kailangan yan ngayon. Malaki naman ang kita ng Talyer. Okay na nga yun para bumuhay ng pamilya." Napangiti ako sa sinabi ko. Ramdam ko ring napangiti siya. "Mukha nga po... So balak niyo na pong mag-asawa?" Tanong niya. Medyo natigilan ako roon. Balak? May balak naman talaga, kaya lang hindi ko pa rin nahahanap ang babaeng dapat na ihaharap ko sa altar. Kung siya... Mahirap. Lalo na't ang bata pa niya. "Sa ngayon, pokus muna ako sa pagpapaaral sa bunso namin. At sa pagpapalago pa lalo ng Talyer. Saka na 'pag nahanap ko na ang babaeng dapat ay sa akin." Natahimik siya. Akala ko ay naapektuhan sa sinabi ko. Di naman. Pagkat pagkalipas ng limang minuto muli itong nagsalita. "Nasaan po ba ang pamilya niyo? Bakit di ko yata nakita sa talyer o sa labas man lang ng bahay niyo." "Nasa Baguio. Doon naman talaga kami nakatira, kaya lang nandito ang buhay ko." Natigil ang pag-uusap namin dahil lumiko ako patungong BPI at pumarke sa isang bakanteng space. Umikot ako't pinagbuksan siya. "Isasama niyo po ako sa loob?" Bakas ang kabiglaan sa kanyang mata. Napatango ako kaya bumaba rin siya roon. Bago pa man kami nabati ng guard, at tuluyang makapasok sa loob ng bangko. Natulala ako sa repleksyon naming dalawa sa salamin. Ako at siya na nakatayo ng matuwid. Ang kanyang balingkinitan at mahabang pangangatawan ay bumagay sa aking medyo mamuscles na katawan. Ito ba ang sinasabi nila noon? Ngunit hindi ko pa rin ipagkakaila na bata lang itong si Clea. "Good morning Sir Fred." Bati ni Kael, isa sa mga guard sa bangko, na siya ring nagpagising sa akin. "Magandang umaga rin Kael. Marami bang tao sa loob?" Umiling ito at nabaling sa kasama ko ang mga mata. Hindi na bago, ngunit hindi ko yata makakasanayan ang isang 'to. "Girlfriend niyo Sir? Maganda, a! Bagay kayo!" Nakangiting sabi nito. Nalingunan kong namula si Clea sa maling akala ni Kael. Hindi ko nga lang alam kung na-offend o nahiya. Kung iisipin, medyo nakakaoffend nga naman kung mapagkamalan siyang girlfriend ko dahil sa klarong layo ng mga edad namin. "Hindi... Tauhan ko." "Ah..." Nahihiyang napayuko ito ng bahagya. Naglakad kami papasok ng Bangko, may humila ng pinto mula sa loob kaya iminuwestra ko si Clea papasok. At ako naman ang sumunod, bago pa man tuluyang nakapasok nahuli ko pa ang makahulugang ngiti ni Kael. Kumuha ako ng priority number na kasama si Clea. Limang tao ang nasa loob, kadalasan ay mga businessmen na ngayon lang nagkakaoras. Ang tatlong nandoon ay siguradong ordinaryong empleyado. At hindi na rin lingid sa kaalaman ko ang pagsulyap ng mga kalalakihan sa maganda at matangkad na kasama ko noon. Hindi pa rin talaga ako nasasanay. Naupo kami sa unahan, at naghintay sa aking turn. Malamig na sa loob. At dahil doon nararamdaman ko ang dulo ng mga daliri ni Clea na tumatama sa braso ko sa tuwing hinahagod niya ang kanyang braso. Hindi ko napigilang lingunin siya, sa pag-aakalang namumutla na ito sa lamig. Ngunit iba nga lang ang bumungad sa akin. Namumula ang kanyang dalawang pisngi, gayun din ang dulo ng ilong niya. Alam mong nilalamig talaga. Masyado yatang malakas ang volume ng aircon. At wala akong kahit anong dala na pwedeng itakip sa nilalamig niyang katawan. "Masyado bang malamig?" Hindi ko napigilang itanong. Noon naman siya lumingon. Tumango ito ng isang beses, na para bang nahihiya. "Dumikit ka sa akin... Kung... Okay lang sa'yo." Napatango ito ng ilang beses. Kitang-kita ang kainosentehan sa mukha. Na para bang walang halong malisya yun. Idinikit niya sa aking braso ang kanyang brasong nilalamig. Medyo napasinghap ako roon. Ramdam ko ang lamig sa balat niya, pero hindi sasapat kung ganitong may ibang epekto iyon sa akin. Parang pusporong ikiniskis sa palito ngunit hindi tuluyang nagliyab. Kaya lang, nag-iinit. Tumahimik ako gayun din siya. Ngunit ang kanyang braso ay kumikiskis sa aking braso. Ramdam ko kaagad ang lambot noon, hindi ko ramdam ang mapipinong balahibo niya. Napalunok ako at napatingin sa itaas ng screen---- kung saan nakalagay ang priority number at number ng counter. Ilang minuto lang ay dumami na ang mga tao sa loob, noon naman tinawag ang numero ko. Pansin kong hindi na kumikiskis sa aking braso ang kanyang braso. Tiningnan ko siya at nagpaalam. "S-sige po.... Sir." Namumulang sabi nito. Dala siguro ng lamig. "Good morning Sir, you number please!" Magiliw na bati ng teller. Napangiti na lang din ako at nilingon-lingon si Clea na mukhang nilalamig na naman. Nakatingin siya sa kabila at nakahagod na naman ang mga kamay sa nilalamig niyang braso. At kahit sa kaliit-liitang galaw, kita ko kung paanong nanginginig ang kanyang kalamnan. Hindi yata sanay sa lamig ang batang 'to. "I receive a total of 50,678 pesos subject for deposit, Sir. May I have your passbook, Sir?" Napilitan akong lubayan ng tingin si Clea, at mas pinagtuunan na lang ng pansin ang babaeng teller. Naging mabilis din ang pag-punch nito sa passbook ko. "Thank you, Sir. Have a nice day." Hindi ako mapakali kaya mabibilis ang mga kilos ko patungo kay Clea na namumula na naman ang pisngi at ilong sa lamig. "Tara..." Tawag ko sa pansin niya. Agad itong tumayo, halos nanginginig. Hindi ko lang alam kung talaga bang sobrang lamig ng aircon. Mukhang hindi naman, o hindi lang talaga siya sanay? Ganoon din naman no'ng una si Lotti. "S... Sir." Bulong nito, na abot hanggang sa aking pandinig. Ikinabigla ko ang pagkapit niya sa aking braso. Mas lalo na noong naramdaman ang malambot niyang kamay, ngunit talagang malamig. Kung hindi ko lang na-kontrol ang sarili, baka nanlaki na ang aking mga mata. Lumingon ako sa paligid, medyo nasasanay na rin akong pinagtitinginan ang babaeng kasama ko. Talaga namang mala-Beauty Queen at artistahin ang dating. Napakainosente pa. "S-sorry po. Pero talagang nilalamig na po ako. Kahit sa humupa na lang po." Bulong nito. Napatango ako at hinawakan siya sa balikat upang itulak patungong katawan ko. Nabigla siya, kahit ako. Pero yun lang ang naiisip kong paraan para mas mapabilis ang pagbalik ng normal niyang temperatura. Maliban doon, hindi ko naman sinasadya, tumama ang hinaharap niya sa ilalim ng aking kilikili. Alam kong makasalanan akong tao, at inaamin ko rin na sa mga nakalipas na araw iba't ibang imahe niya ang tumatakbo sa aking utak---- puro kamanyakan. At hindi ako santo para hindi makaramdam ng pag-iinit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD