15

1964 Words
Kung may oras pa, at kung hahayaan niya ako, hihilingin kong boung araw na lang kaming magkasama at makokontento na ako sa paninitig sa kanya. Para siyang tanawin, na masarap panoorin habang papalubog ang araw... binibigyan ka pa ng karagdagang gaan sa loob. And yet, she doesn't know that. Wala siyang alam... at gusto kong malaman niya iyon. Mahaba pa ang byahe kaya malaya kong sinusulyapan ang mukha niya sa tuwing may pagkakataon. Naririnig ko ang pagha-hum niya sa kantang hindi ako pamilyar. At napapangiti na lang ako roon. "So..." putol niya sa pagsulyap-sulyap ko sa kanya. Nasa kanto na kami para lumiko patungong hillside. May madadaanan kaming tindahan mamaya kay doon ako bibili ng mga kailangan. "Mahilig ka po magbasa?" Tanong nito. Nang hindi nakalingon sa akin. Napangisi ako pagkat parang ito lang din yung una na siya ang nagbubukas ng usapin. "Historical books. Why?" "Hmmm... wala lang po. Nakakabingi na po kasi ang katahimikan." Hindi talaga pumapalya ang isang 'to sa pagpapatawa sa akin. "Ikaw ba?" "Hmm. Kahit ano po." "Romance?" Tanong ko. Saktong pagkakalingon ko ay siyang paggapang ng pamumula sa kanyang pisngi. Pati pagkagat niya sa kanyang pang-ibabang labi ay nahuli ko pa. Napangisi ako, napapakagat din ako ng labi. Natutuwa talaga ako. Nakakabakla na ngang pakinggan ngunit ganoong-ganoon ang aking nararamdaman sa kasalukuyan. "M-medyo." Amin nito at napalingon sa labas. Tumango ako at tinantanan na muna siya dahil malapit na kami sa tindahang tinutukoy ko. Maliit na tindahan lamang iyon, ngunit sa tingin ko ay nandoon ang mga kailangan ko. "Dito ka lang... may bibilhin lang ako." Wika ko at nilingon siyang kagat pa rin ang kanyang pang-ibabang labi. Baka... dahil diyan sa ginagawa niya maiwala ko na naman ang sarili ko. Kaya bago pa man yun at bumaba na ako. "Magandang hapon po! Ano pong sa inyo?" Tanong ng batang sumalubong sa akin sa bulwagan ng tindahang tinutukoy ko. "Picnic blanket. At ilang pagkain." Napatango ito at iminuwestro ako sa loob. Patinging-tingin din ako sa iba pang gamit na nandoon. Stripe blue ang kinuha kong picnic blanket, kumuha rin ako ng basket. At ilang junkfoods. Kumuha rin naman ako ng matitinong pagkain. Pagkatapos bottled mineral at softdrinks in can. Babayaran ko na lang ngunit natigilan ako sa isang stands na may mga clip---- hairclip na may iba't ibang desinyo. Medyo natagalan ako sa pagpili, at sa huli kinuha ko na lang iyong clip na may kulay silver at maliliit na bato sa katawan ng desinyong butterfly. Mura lang naman... kaya balak kong ibili siya noon sa susunod na totoo talaga at mahal. Bagay sa kanya ang mga mamahaling gamit. Pagkatapos bayaran lahat ng kinuha ko ay lumabas din naman kaagad ako at nahuli kong bukas ang bintana ng passenger's at nakadungaw doon si Clea na patingin-tingin sa kaliwang bahagi kung saan naroon ang tuktok ng bundok. Kinuha ko ang aking cellphone at mula sa malayo ay kinunan ko siyang nakaganoon. Napakagat labi na lamang ako nang tumunog ang shutter pati flash. Lalo na dahil nahuli niya akong kinukunan siya. Napangisi na lang ako sa nakakunot-noo niyang reaksyon. "Kinunan niyo po ako?" Tanong niya pagkalapit ko sa bahagi niya. "Pasensya na." Ngiti ko at kinuha ang kaninang binili kong clip. Napatingin siya sa aking nakakuyom na kamay. "Hindi kayo----" napaawang ang kanyang labi sa pagkakabuklat ng aking kamay. Hindi ko alam kung magugustuhan niya iyon. Hindi ko naman alam kung mas maganda ba iyon sa ibang nakadisplay kanina. Ito lang ang napili ko pagkat siya ang naaalala ko. Pinasadahan ng hintuturo ko ang buhok niyang malapit sa sentido. Tsaka ko inayos ang mga yun at pinungkos ng hairclip. Bagay sa kanya. Kaya tumibok na parang naaabnormal na naman ang puso ko. Hindi ko akalaing... liliwanag siya ng ganito dahil sa binili ko. Noon ko naklaro ang magandang hugis ng kanyang mga mata, hugis pusa. Nakakaakit. Hindi man gaanong mahahaba ang kanyang pilik-mata, bawing-bawi naman sa mga mata niya. Napangiti ako. Baliktad sa nawindang niyang itsura. Hindi pa rin yata makapaniwala. "Bagay sa'yo..."sabi ki habang hinahagod ang kanyang mahaba at kulot na buhok. Napahawak siya roon, pinapakiramdaman niya ang bagay na nilagay ko. Napangisi rin siya kalaunan at nawala ang ngiti ko. Sapagkat nabigla ako sa naging reaksyon niya. Napapakagat na nga lang ako ng labi dahil sa pagpipigil. "Salamat!" Tuwa nitong turan. Tinanguan ko siya at walang pag-aalinlangan na pumihit at umikot para maisakay ko sa likod ng sasakyan ang mga binili ko bago umakyat at umupo sa driver's seat. "Thank you po talaga..." ngiti nito, kagat-kagat ang labi. Talaga namang kahit anong pagpipigil ko, may limitasyon din. Alam ko naman na maling umaktong ganoon lalo na ilang oras pa lang ang nakakalipas. Ngunit, sa lahat ng nangyari sa buhay ko at sa lahat ng relasyong napasukan ko, noon lang ako nawalan ng kontrol. Mali pagkat ako ang mas matanda sa aming dalawa. Ako ang maraming karanasan. Ngunit sa sitwasyon ngayon, iisipin ko pa ba iyon? "I love you..." Nagulantang ito at napaawang ang labi. Nagseseryoso naman ako at kagat ang loob ng aking labi. Napakabilis. Sobrang bilis. Na tipong natauhan na lang ako noong sumalpok ako sa dulo. Ngunit alam ko naman na totoo 'to. Hindi na ako bata, at wala sa hinagap ko ang makipaglaro. Sadyang napakabilis lang. Bakit kaya ganoon? Gusto ko lang siya noong mga nakalipas na oras. Ngunit ngayon? Hindi pa isang oras o linggo ang lumipas, at ito nabihag niya na ang puso ko. "Na-na-nabibigla lang po yata kayo, Sir." Kinakabahang turan nito. Alangan ang ngiti ko. Dahil na rin sa nagkahalo-halong emosyon. Hindi ko na alam kung alin ang uunahin. Pagkat ito nga, sarili ko na mismo ang nagtratraidor sa akin. "Hindi Cley... hindi pa ako nabibigla. At totoo 'to." At parang sigarilyo itong nauupos ng dahan-dahan. Nasa akto na itong parang hihiga dahil sa hindi ko naman malamang dahilan. Hiya? Takot? O kilig? "S-sir..." nanginginig nitong sabi, "Dahan-dahan naman." Namumulang wika niya. Dahan-dahan? Gustuhin ko man, Cley. Sadyang tadhana na ang nakikipaglaro sa aking damdamin. Naging tahimik pa ang byahe. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi dahil sinabi ko pa iyon. Alam ko, nararamdaman ko, ang pagkakailang niya. Ayaw niyang ng magtanong-tanong. Ayaw niya na ring magsimula ng usapin. Kaya sa halip, tumahimik na lang din ako. At nag-iisip kung tama ba iyong ginawa ko. Wala pang isang linggo mula ng magkakilala kami ngunit bumigay na kaagad ako. Gusto kong humingi ng pasensya. Ngunit kapag ginawa ko naman yun, siguradong iisipin niyang nagbibiro lang ako. Pero ano bang pinagkaibahan no'n sa maaaring iniisip niya kanina? Pihadong ganoon din naman. Higit isang oras ang pananahimik, ganoon din katagal ang byahe hanggang sa nakarating kami sa paanan ng burol. "Tayo na..." Wika ko sa mas mababang boses. Napabuntong-hininga na lamang ako ng bumaba ito. Dapat kinimkim ko na lang muna iyon. Marami pa namang pagkakataon para ipakita ko na lang. Kaya... Ito ang resulta. Dala ko ang basket na naglalaman ng aming mga gagamitin. Nasa paanan na siya ng burol, papaakyat kaya nagmamadali akong lumapit para masamahan siya. Napalingon pa ito sa akin ng isang beses kaya di ko alam kung anong dapat na magiging reaksyon kaya nagmukha akong seryoso. Panigurado. "Tayo na..." Bali ko sa tensyon at hinawakan siya sa kamay kaya lumagapak ang tingin nito roon. Napalunok ako. Hindi ko kailanman naranasang kabahan at mag-alangan sa pagkakahawak sa isang babae noon. Sa kanya pa lang. Ngayon pa lang. "Baka madulas ka..." Sabi ko na lang. Kahit na hindi ko makuha kung bakit ginawa kong rason iyon. Ilang ulit na rin akong napapalunok dahil sa pagkabahala. "O-okay po." Pagsang-ayon nito sa mas mababang boses. I sighed. Naging panatag naman ang pagkakaakyat namin sa itaas. Walang nadapa... Masyado lang tahimik. "Upo ka muna dito, Cley." Turo ko sa isang pwesto na malapit sa silong ng isang puno sa tuktok. Tumango ito at naupo roon. Inumpisahan ko namang ayusin at ilatag ang kumot at ang mga pagkain naman ay hinayaan ko na lang sa basket. Katamtaman lang ang laki ng kumot, tama lang para mapagkasya namin ang mga sarili na hindi nagkakaumpugan. Inaya ko na siyang maupo roon at pinaunlakan naman niya. Medyo nagtabi kami, sanay naman ako na madalas na tahimik lang talaga kami, pero ngayon parang nakakabingi? Kumuha ako ng toasted bread sa basket at inabot sa kanya. Na medyo ikinabigla niya. Talaga bang lahat ng gagawin ko ikakabigla o ikakakislot niya? Sa totoo lang hindi ko na alam kung anong dapat na ikilos pagkat hindi ko naman alam kung anong itinatakbo ng isipan niya. Gusto ko siyang tanungin kaso inuunahan naman ako ng takot. Takot na baka maulit na naman ang mga nangyari. Tinanggap niya ang inabot ko. Mabuti naman. "Do you have phone?" Hindi ko alam kung saan ko nahugot iyon, pero yun lang ang tanging naiisip ko sa panahong puro alanganin ang nasa isip ko. "P-po? Uhm... Wala po. Bakit po?" Tanong niyang habang binabalatan ang toasted bread na binigay ko. "May ekstra ako sa bahay. Uhm, ibibigay ko sa'yo----" "Di ko naman po kailangan iyon." Wika niya habang yumuyuko at nakatingin sa toasted bread. "---- para naman nakakamusta kita kung kailan ko gugustuhin." Napatingala siya, seryoso ang mukha. Nakagat ko naman ang aking dila dahil sa pagkamaang. Wala naman akong intensyong iba. Gusto ko lang... Gusto ko lang na lagi ko siyang nakakausap. Siguro kahit ang napakahabang katahimikan, makokontento na ako. Maramdaman ko lang siya. "Sir..." Tawag niyang may kalakip na kaseryosohan sa mukha. "I'm a straightforward person, and..." Napabuntong-hininga ito. Mas lalo namang nagwawala ang kalooban ko sa paghihintay sa maaari niyang dugtong doon. Gusto kong malaman kahit na... Masakit na ang tinatakbo ng isipan ko. "Bilang respeto po... Gusto ko sanang dahan-dahanin niyo lahat. Kasi pakiramdam ko minamadali niyo ako... O kaya'y minamadali niyo po iyang sarili niyo. Ayaw ko naman po na umabot sa puntong mare-realize niyong hindi niyo naman ako talagang m-mahal. Wag naman po sanang ganoon. At pasensya na rin po kung sinasabi ko ang mga 'to, pero..." Napalunok ito tulad ng paglunok ko. Parang nasuntok ang dibdib ko ng isang beses. Ngunit ang isang beses na yun, talagang napuruhan ako. "... Bata pa po ako. May mga pangarap pa. Ayaw ko namang umabot pa po sa puntong m-maiwala ko ang sarili dahil sa mga assumptions niyo. A-ako... Po kasi ang... Lugi 'pag nagkataon." Nakita ko kung paano itong lumunok ng ilang beses. Napapikit ako dahil sa mga naiisip. Ayaw niya pa... Kahit na kuha ko ng may g-gusto rin siya sa akin... Ayaw niya dahil baka ako pa ang dahilan ng pagkakasira niya. All along, I thought she changed her mind because her feelings weren't enough for me. Ito ang dahilan... At kuha ko. "Hindi naman kita minamadali, Cley. Sinabi ko lang kung anong totoo kong nararamdaman." Napangiti ito ng hilaw, "Sana nga totoo... O kung totoo man iyan Sir, wag po sana ngayon. Ayaw ko pa po. Magulo pa ang mundo ko. Madami pa akong problema. At ayaw kong madamay ka." Ganoon ba? Paano kung gusto ko ring madamay? "Clea... Damay na ako simula pa lang. Simula nang magkagusto ako sa'yo." Namumula ang kanyang mga mata... Hudyat na papaiyak na naman ito. Masyado siyang marupok. Ito ang dahilan kung bakit hirap na hirap akong sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. "S-sir... Wag na po." Iling nito. "Clea... You might find this odd but I am really falling for you... Does it make you sad? Huh, Clea?" Malungkot na tanong ko habang hinahaplos ang pisngi niya. Mahal ko siya. Mahal ko talaga. Hindi ko naman hinihiling na sagutin niya kaagad ako. Ang sa akin lang, gusto kong tanggapin niya iyon. Marami pang pagkakataon na mapapatunayan ko sa kanya na totoo 'tong nararamdaman ko. Mabilis nga talaga ngunit kailan pa naging basihan ang haba ng panahon sa totoong nararamdaman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD