16

2040 Words
Sa huli hinalikan ko na lang ang kanyang noo at binitawan siya. Naiintindihan ko, kaya... Didistansya muna ako. "Don't be scared, okay? Itong nangyaring pag-amin ko... Wag mo nang isiping masyado. Please, Cley?" Ngiti ko. Totoong ngiti, ayaw ko namang umabot sa puntong matakot siya dahil lang sa ipipilit ko pa rin ang bagay na ayaw niya. "S-sorry." Nakayukong paumanhin nito. "Don't be..." Sabi ko na lang at naghalungkat ng mga pagkain at inumin na binili ko kanina. Saktong nadampot ko kaagad ang softdrinks in can tsaka ko inabot sa kanya. "So... Should I call this one a friendly date?" Tanong ko sa pagitan ng pag-inom niya. Nagkanda-ubo ubo naman ito kaya tinapik ko sa likod. Pakiramdam ko, bumalik ako sa pagkabata dahil sa mahinang tawa. Totoong tinatanong ko siya ng ganoon... Gusto ko lang may malaman. At mukhang kuha ko na ang sagot. "Dahan-dahanin ko Cley para sa'yo. Kaya uumpisahan ko sa pakikipagkaibigan ko sa'yo." Ngisi ko. Ngumuso ito at dahil tama lang ang aming layo, kita kong nagsitindigan ang mga balahibo sa kanyang mga braso. Lumalawak lalo ang ngisi ko. Kahit kaibigan lang muna? Kahit doon lang muna... Lahat naman ay may takdang panahon. Ayaw ko naman siyang biglain, kahit yun din naman ang ginawa ko. Kahit ganoon hindi pa naman huli ang lahat. "Cley?" Tawag ko sa pansin niya. Tumingin ito sa akin kaya lalong lumawak ang ngisi ko. Lalo na naaagaw din ng pansin ko ang clip sa kanyang buhok. Talaga namang kaygandang bata. "Sir! Parang may sapi kayo!" Nanlalaking matang akusasyon nito. May kasama pang panlalaki ng mga mata at paghagod sa kanyang braso. Halatang kinikilabutan kaya mas lalo akong napangisi. Kanda ngiwi naman siya. Hanggang sa umalpas na tawa ko. "Sir naman..." Nahihiyang sabi nito bago medyo lumayo sa akin. Nakakagaan pala sa loob na kahit papaano hinahayaan ko ang sariling biruin siya ng ganito. Hindi nakakatanda bagkos pakiramdam ko ay bumalik ako sa edad na 20s. "Clea, eat." Sabay abot ko ng panibagong pagkain. Cupcake na nasa transparent cellophane. Hindi pa nga niya natitikman iyong toasted bread ay inabutan ko na naman siya ng bago. Nakangiwi itong nakatitig sa pagkaing hawak ko pa rin. Napangisi ako lalo. Halatang takot. Pero hindi naman ito tulad ng takot na lagi niyang nararamdaman noon. "H-hindi mo naman----" putol nito sa sariling sinabi. "Ang ano?" Nakangising tanong ko. "Sir naman! Sa totoo lang po ha! Nakakailang na kayo!" Sigaw nito na ikinabigla ko. At sa huli tinawanan ko rin naman. Talaga namang bata... "O bakit?" Natatawang tanong ko pa. "E kayo... Sobrang gentleman niyo po. Hinay-hinay din sa ganyan." Wika nitong hindi man lang akong matingnan. "Anong ibig sabihin niyan, Cley? Gentleman naman talaga ako a! Nakita mo ba akong naging bastos sa Ate Lotti mo?" Hindi nakaligtas sa aking paninitig ang pagkakataranta niya. Nandiyang iiba siya ng upo at kakagatin ang kanyang ibabang labi. Halatang hindi na komportable ngunit natutuwa ako roon. "Sige na... Kainin mo na iyan." Sabay lapag ko ng cupcake sa tabi ng toasted bread na nakapatong sa pinagbalatan nito na nasa kanyang kandungan. Naramdaman kong dumampi ang dulo ng aking daliri sa kanyang balat. Na naging dulot ng pagkislot niya at panlalaki ng aking mga mata. Agad itong tumayo at nahulog lahat ng pagkain. Napatingala naman ako sa kanya na ngayon nga ay namumula na naman. Hindi ko naman sinasadya iyon. "Ikaw Sir ha... Matagal ko na 'tong napapansin pero tuwina'y nagkakadikit lang tayo hinihipuan mo na ako kaagad!" Akusasyon nito na ikinalaki ng mga mata ko. Tumayo ako tulad niya. Matangkad siyang bata ngunit higit na mas matangkad ako sa kanya. Walang panama iyan. "H-hindi Cley----" "Ows?" Naniningkit nitong tanong. Sa halip na ipagtanggol ang sarili ay humagalpak na lang ako ng tawa. Hindi ko akalain na ang naging usapan namin kanina ay siyang magiging daan para mas lalong maging vocal ito sa akin. At natutuwa ako roon pagkat sa pamamagitan nito alam ko na kung anong itinatakbo ng kanyang isipan. Marahil ito na rin ang hinahanap kong daan para mas mapalapit pa sa kanya. At nang sa ganoon, sa tamang panahon, makuha ko na ang matamis niyang oo. "Grabi ka naman po." Nguso nito at muling naupo. Napangiti na lang ako dahil pihadong naasar ito sa tawa ko. Tumabi ako sa kanya, hindi naman sobrang tabi, ngunit umusog ito papalayo kaya tinigilan ko na lang at nagbukas ng makakain. Binigay ko sa kanya ang isa. Yung mga natapon ay itinabi ko naman sa akin at hinayaang ganoon lamang para isang tapunan na lang mamaya. Naging tahimik kami, marahil dahil sa magandang tanawin sa aming harapan. Lalo na't gusto kong damhin at panoorin niya iyon. Lumipas pa ang ilang oras at hindi ko na namalayang alas singko na pala. "Uwi na tayo..." Aya ko habang inaayos ang mga gamit at kalat sa basket. Pagkatapos ay tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa kanyang harapan. Napangiti ito at mabuti na lang din na tinanggap niya ang aking kamay upang makatayo na siya ng tuluyan. Muli na naman akong nag-squat at tinupi ang kumot. Saka inilapag sa takip ng basket ang kumot. "Alis na tayo bago pa tayo gabihin sa daan." Wika ko habang nilalahad ang aking kamay. Tinitigan niya ito ng ilang segundo bago nito napagdesisyunang ibigay sa akin ang kanyang palad. Dahan-dahan ang pagbaba namin dahil medyo mahirap lalo na at may kasama akong mahinhin. Baka kasi madulas, kaya dobleng ingat ako. "Salamat po Sir..." Sabi nito pagkababa namin ng tuluyan. Binitawan ko na siya... Bago ko inilagay sa likod ang basket at tinakbo ang distansya sa pagitan ng likura at passenger's para mapagbuksan siya ng pintuan doon. Ngumuso ito kaya di ko napigilang ngitian siya ng hindi niya nakikita. Umikot naman ako sa driver's at agad na binuhay ang makina. Isang oras at higit pa ang byahe. Gagabihin kami sa daan pagnagkataon kaya kailangan kong magmaneho ng mabilis. Ngunit tamang bilis lamang, dahil syempre may kasama ako. Madilim na nang makalabas kami roon at may mga ilaw na sa kalsada. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko. Siguradong galing sa trabaho o sa personal na buhay. Atat din naman akong mabasa iyon dahil baka importante, pero sa ngayon wag muna. Mas importante si Clea. Niliko ko sa isang restobar ang sasakyan at iginarahe malapit sa maliit na fountain. "Kain muna tayo bago umuwi." Tumango ito at siya na rin mismo ang nagbukas sa kanyang pintuan. Mabilis din akong bumaba upang maabutan siya. Habang papalapit sa kanya'y sinisilip ko naman ang mga nagtext o nagmiscalls. Nireplyan ko si Aldo na nagtatanong kung iiwan ba nila ang susi sa bahay o doon na muna sa kanila. Sinagot ko iyon gamit ang huling pinagpilian. At ang huli at natatanging text na labas sa trabaho ay galing kay Venice. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Ano na namang ginawang kalokohan ni Gerard ngayon? Wala na talagang pinagbago yun. Itinago ko na lang muna ang cellphone at sinabayan si Clea na noon ko lang narealize na nakamaiksing shorts nga pala ito at off shoulder na damit! Tangina! Nakalimutan ko! Kung hindi lang dahil sa paninitig ng mga kalalakihang naninigarilyo sa kasama ko ay talagang nakalimutan ko na! Dagling hinawakan ko siya sa braso at mahinang hinila pabalik sa sasakyan. May madadaanan naman akong kainan diyan sa kanto, pwedeng doon naman akong magtake out mula roon. "B-bakit po Sir?" Takang tanong niya ng binitawan ko siya sa tapat ng mismong passenger's. Binuksan ko naman ang pintuan sa passenger's upang makapasok na siya. "Sa bahay tayo kakain. Bibili nga lang tayo ng take out diyan sa kabila." Wika ko habang tinititigan siya. "A-ah. Okay po." Sagot nito na ikakangiti ko sana kung hindi lang tumunog ulit ang aking cellphone. Nilabas ko iyon at kumunot ang noo dahil tumatawag si Nanay na hindi naman niya madalas gawin. Sinagot ko ito sa mismong harapan ni Clea. At binayo ng kaba ang puso ko dahil sa iyak ni Nanay. Doon pa lang... Alam ko nang may mali. Lalo na dahil minamadali ako sa pag-uwi ni Nanay. "Nay----" "Umuwi ka muna, please! Nak, kahit ngayon lang. Ngayon lang... Kailangan ka namin. Kailangan ka ni Venice. Bumyahe ka na kaagad. Hindi namin kaya, Frederico... Umuwi ka na." Atungal nito. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil talagang sa mga sinabi pa lang ni Nanay halatang importante ito. "Bakit po Nay? Ano ba talagang nangyari?" Kinakabahang tanong ko kahit na inuunahan na ako ng mga naiisip. Mas lalong lumakas ang iyak nito. Nahuli ko rin ang pagtataka sa mukha ni Clea. "Y-yung kapatid mo... Si Gerard. Wala na... Wala na ang anak ko!" Nagulantang ako sa narinig. Alam ko namang barumbado si Gerard. Nagawa niya nga akong agawan ng syota noon, pero hindi naman yun ang dahilan kung bakit naubos ang pasensya ko. Dahil sa mga kalokohan niya... Kaya medyo galit ako kung kausapin siya minsan. At ngayon nga, hindi ko napaghandaan itong balita. Humigpit ang kapit ko sa cellphone at nabingi na sa iyak ni Nanay. Gayun din sa mga iniisip. Humigpit ang kapit ng lubid sa aking puso. Kahit papaano naman kapatid ko iyon! "S-sige po Nay. Babyahe kami ngayong gabi. Baka bukas na kami makakarating." "Salamat anak. Diyos ko... Patnubayan ka nawa." Ilang minuto pa akong nakatayo roon, kung hindi lang dahil sa biglang paglakas ng tugtugin sa loob baka tuluyan na akong inugat doon. Nilingon ko si Clea na matamang nakatingin sa akin. Wari'y binabasa ang nasa isipan ko. Napangiti ako at nanghihinang yumakap sa kanya. Hindi ko na napigilan, sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. "S-s-sir?" Nagtatakang tanong nito habang hinahagod ang likod ko. I felt warm, at least. "Uuwi ako ng Baguio ngayon... Samahan mo'ko." Wika ko sa napapaos na boses. Naramdaman ko ang pagtango niya. Hindi ko akalaing oo na lang ito ng basta at hindi man lang humingi ng paliwanag. "M-mag-aayos lang po ako ng nga gamit. Tsaka tayo babyahe, Sir." Wika nito habang hinahaplos pa rin ang aking likod. Tumango ako. Tatlong minuto lang ay umayos na ako ng tayo at minuwestro siyang pumasok na sa loob. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sitwasyon kaya madali lang para rito ang sumunod sa lahat ng iuutos ko. Dumaan muna kami sa isang kainan malapit lang doon sa restobar at pagkatapos kong magtake out ay bumyahe naman kami pabalik sa talyer. Ang lungkot pala ng buhay ko. Nag-iisa lang ako sa maliit ngunit dalawang palapag na bahay na iyan. Patay pa ang ilaw at madilim. Ipinarke ko na lang ang sasakyan sa tapat ng talyer ko. Bago bumaba at pinagbuksan si Clea. "Kain muna tayo, Cley." Tumango ito at nagpatianod sa hila ko. Naging tahimik ang sanang masaya naming dinner. Nahaluan na ng pamimigat ng dibdib ko iyon at alam naman niyang may malaki akong problema. Kaya ito. Kahit anong gustuhin ko ay sinusunod niya. Siya na rin naghugas ng mga pinagkainan namin kahit pinipilit kong ako na ang gagawa. Sinabi niyang, "Alam ko po na may pinagdadaanan kayo ngayon. Kaya hayaan niyo na po ako rito, Sir. Magpahinga po muna kayo roon at mahaba-haba ang byahe natin. Walang papalit sa'yo sa pagdadrive. Hindi po kasi ako marunong." Ngiti nito. Sa nangyari tanging ngiti lang ni Clea ang nakikita kong liwanag sa ngayon. Dahil sa ginawa niya'y medyo gumaan ang loob ko at nag-ayos na lang ng mga gamit. Tinext ko na rin si Aldo na ang lahat ng perang papasok sa talyer ay ideretso niya na lang sa bangko. Pwede namang ipa-update ko na lang pagkauwi. Alam na rin naman nito na uuwi ako sa amin. At alam niyang isasama ko si Clea... Na hindi na bago kung may pabaon pa itong tukso. Nilimas ko ang pera sa bolt. Medyo malaki rin at sa tingin ko tama lang iyon para sa gagastusing burol ng kapatid ko. Dala ko na ang travelling bag ng bumaba ako. "Kukuha tayo ng gamit sa inyo sa, Cley. Tsaka wag kang magdadala ng seksi roon." Wika ko pagkatapos mapansin ulit ang damit niya. Ngumiwi ito at sinabing, "May problema na nga kayo at lahat. Ako pa rin iniisip mo----" namumulang natigilan ito. At sa loob lang ng ilang segundo, napangiti ako. "---- I mean yung sout ko pa po ang iniisip niyo? Hmp!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD