Kahit papa'no yung bagot, lungkot at pagod ko sa pagdadrive napapalitan ng ngiti sa tuwing kinakausap ako ni Clea. Sa tingin ko nga, siya na lang ang liwanag sa madilim at malungkot kong estado ngayon.
Ngingiti siya, at ngingiti rin ako. Nawawala ang pagod ko dahil doon.
Ala una na nang umaga at nakadalawang stop over na kami, at gising na gising pa rin si Clea. Sinabihan ko na siyang matulog muna dahil talagang mawawalan siya ng pahinga mamaya pagkarating namin sa bahay.
"Matulog ka na... Ilang oras na lang Cley, makakarating na tayo."
Sumimangot ito. Napakakulit talaga. Hindi ko aakalain na matigas ang ulo nito pagkat wala naman iyon sa personalidad niya.
"Kakantahan... K-ko na lang po kayo." Mahinang wika nito.
Lumawak ang ngiti ko, pwede namang pahabain pa ang gising nito. Patutulugin ko naman siya mamaya. Ako na lang kakausap kina Nanay.
"Hm. Parinig nga." Sakay ko sa alok niya.
Nag-isip pa ito ng ilang minuto. Nag-iisip siguro ng kakantahin. Sa huli may kinanta siyang hindi ako pamilyar ngunit nakuha ko ang unang lyric.
"It's turning out just another day..."
Sa dami ng mga hindi ko pa alam tungkol sa kanya, isa ito sa masasabi kong ngayon ko lang nalaman. Maganda ang boses niya, tunog anghel.
At kahit na medyo magaan na ang loob ko, mas gumaan pa lalo dahil sa ginagawa niya. Hindi ko naisip noon na magkakaganito at magkakaroon ako ng mga experiences dahil sa batang 'to.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagkanta nito, napapangiti ako pagkat masarap sa pandinig at masarap sa pakiramdam. Gusto ko na yatang makarating kaagad sa bahay at makasama siya ng mas matagal sa... Kwarto ko.
Malapit nang sumikat ang araw nang nakarating kami sa Baguio, at alas sais nang makarating kami sa aming lugar mismo. Sa malayo pa lang, kita ko ng may mga batang naglalaro sa tapat ng aming bahay. At kahit mas malaki 'to sa bahay ko roon sa talyer, at mas maraming nakatira, ramdam ang lungkot.
Bahagya akong nanghina at nilingon si Clea na ngayo'y nakahilig sa bintana at natutulog. Dahil sa kanya, kahit papa'no bumabalik ang lakas ko. At makokontento na ako sa ganoon na kahit boung araw ko lang siya titigan, okay na ako.
Lumabas si Nanay nang namataan ang sasakyan ko na gumagarahe sa labas. Nagsilingunan ang mga batang naglalaro kanina, ang mga tumatambay naman sa loob ay nagsihaba ang mga leeg at paniguradong inaalam kung sino ang dumating.
Bumaba ako at hinarap si Nanay na biglang bumigay at sunod-sunod na nagsitulo ang mga luha. Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ng isang ina'ng nawalan ng anak.
"N-nay..." Tawag ko sa paos na boses.
Tumakbo ito patungo sa akin at niyakap ako sa bewang. Hanggang dibdib ko lang ito kaya rinig na rinig ng puso ko ang hinagpis niya bilang isang ina.
Hinaplos ko ang buhok ni Nanay at hinalikan siya sa tuktok. Umaatungal ito sa sobrang iyak, na parang binibiyak ang puso ko pagkat kailanman hindi ko pa nakitang umiyak ng ganito si Nanay.
"N-nay, si Tatay po?" Tanong ko nang medyo nahimasmasan na ito.
"May inasikaso lang sa Munisipyo. Halika na, pasok na tayo. Ang mga gamit mo?" Tingala nito sa akin.
Napangiti ako, saktong lumabas sina Berlin at Albin mula sa loob ng bahay. Tulad ni Nanay, namamaga rin ang mga mata ng mga 'to. Nagsitakbuhan sila at nakiyakap din tulad ni Nanay.
"Kuya! Bakit ngayon ka lang?! Miss ka nanamin!" Atungal ni Berlin. Pangatlo sa aming magkakapatid.
"Daming inasikaso..."
Tumango ito at mas lalo pang hinigpitan ang yakap at sabay-sabay na silang nagsiiyakan.
Napabuntong-hininga na lamang ako, papaano pa ba magiging mahina kung mahihina rin sila? Ayaw ko namang mas dagdagan pa ang bigat na nararamdaman nila.
Nang kumalma ang mga 'to ay hinila ako ni Nanay pihadong papasok na ito sa bahay kasama ako kaya medyo napaatras ako.
"O? Bakit, 'nak? Ipakuha mo na lang ang mga gamit kina Albin at Berlin."
"Hindi Nay... May kasama po kasi ako." Lingon ko sa sasakyan na hindi ko naman nakikita ang loob.
Paglingon ko ulit kina Nanay nagtataka na ang kanilang mga ekspresyon habang nakatitig sa sasakyan ko.
"Lin, Bin... Pakisuyo ako sa mga gamit. Nay, mauna na po kayo sa loob."
"Opo Kuya."
"Ha? Hindi, sabay-sabay na tayo."
Tumango ako at naglakad ng ilang hakbang patungo sa passenger's at pinatunog ang sasakyan para mabuksan lahat ng pintuan.
Tinuro ko muna kina Berlin at Albin ang likuran ng sasakyan para makuha na nila ang mga gamit roon. Tsaka ko binuksan ang passenger's at muntik pang nahulog si Clea na sinalo ko naman agad. Gumalaw ito sandali ngunit natulog ulit.
Napangiti ako at tinitigan siya sa mukha. Mas maayos ang damit niya ngayon kaya di ako nag-alangang buhatin siya. Kahit tulog na ito, maganda pa rin.
"Ay por Dios!" Alangan sa pagkakasigaw si Nanay.
Ngumuso ako at nahihiyang napatingin sa ibaba ng tumigil ako sa tapat ni Nanay.
"Sinong babaeng ito?" Tanong ni Nanay. Noon naman tumigil sa tabi ko ang mga kapatid ko at halos malaglag ang panga sa pagkakabigla.
"Future daughter-in-law niyo Nay." Ngisi ko.
"Frederico!" Nanlalaking matang tawag nito sa pangalan ko.
Napatawa ako ng kaunti at naglakad na ng mahihina lamang papasok sa bakuran kaya napapasunod ang mga kapatid ko at si Nanay.
May ilang bumati sa akin pagkapasok doon. Mga kapitbahay namin. At talagang gustong-gusto konang ipasok 'to sa kwarto ko ng sa ganoon wala nang mapapatingin at mapapasilip dito. Naiinis ako.
"Saan mo papatulugin iyang Chics mo Frederico?" Nakataas kilay na wika ni Nanay.
Napangisi pa akong lalo nang umikot kami para doon sa likod dumaan dahil di na sakop ng sala ang hagdang patungo sa ikalawang palapag.
"Sa kwarto ko, Nay."
Nagsiubuhan ang mga kapatid ko. Si Nanay halos mamula na sa panlalaki ng mga mata.
"Nak naman! Bakit sa kwarto mo?! Mukhang disente iyang dala mo tsaka mukhang... Minor? Baka makasuhan ka!" Natatarantang wika ni Nanay.
"Nay... Desi-otso na ito. Saka matutulog lang naman, di ko naman sinabing gagawa kami ng baby."
Nagsiubuhan ang mga tatlo, pagkatapos ay nabulunan pa kaya humalakhak ako.
"Manyak mo, Kuya. Nagagawa ng tigang?" Nakasimangot na pang-aalaska ni Berlin.
Nawala ang ngiti ko at tumigil sa paglalakad para lingunin si Berlin at titigan ng seryoso. Nawala ang simangot nito at napaatras pa ng isang beses. Halatang kinakabahan. Bakit kaya kinakabahan 'to?
"Nay, Berlin. Umamin nga kayo... May boyfriend na ba itong si Berlin?" Naniningkit na tanong ko.
Napaawang ang labi nito. Si Nanay naman ay natawa.
"Kuya! Wala 'no! Tsaka bakit ka ganyan? Excuse me ha! May trabaho na po ako. Karapatan ko naman yatang tumanggap ng manliligaw!" Inis nitong wika.
"Boyfriend ang tanong ko Berlin. Wala akong pakialam kung may mga manliligaw ka. Bastedin mo lahat, para wala kang mapili."
"Nay oh! Si Kuya!" Sumbong niya kay Nanay na naiiyak na sa kakatawa.
"Itong mga batang 'to, oo... Ang ingay niyo, baka magising iyang chics ng kuya niyo."
"Nay, hindi ko naman po girlfriend ito. Ka... Kaibigan ko lang po."
Nalaglag na naman ang mga panga nila. Pagkatapos kinurot ako ni Nanay sa tagiliran!
"Ikaw Frederico ha! Kung kailan magti-thirty six ka na doon ka pa tumatandang paurong! Iuwi mo iyan at baka makasuhan ka ng kidnapping!"
Napangisi pa akong lalo. Nay, akin na po ito. Wala nang balikan, saka sa akin na siya uuwi.
"Nay... Wala na pong mga magulang e." Wika ko.
Naging seryoso ang mukha ni Nanay. Alam niya kasi kung anong pakiramdam ng walang magulang. Lumaki siyang wala noon. At alam niya rin kung anong nangyayari sa mga batang walang mga magulang dahil isa siya sa mga sponsors doon sa ampunan malapit sa munisipyo.
"Kawawa naman pala..." Nalulungkot na wika ni Nanay, pagkatapos sinilip ang buhat kong babae.
Walang kamuwang-muwang ito, napakainosente, sino bang hindi matatakot na pag-isipan ito ng masama. Yung mga gagong matatandang yun lang!
"Napakagandang bata... E kung kayo lang naman ang magkakatuluyan, 'Nak. Iuwi mo na rito. Aalagaan namin habang nagtatrabaho ka roon."
Nawala ang ngisi ko. Wala sa plano ko iyon. Kung nasaan ako, nandoroon din ito dapat.
"Nay, ano pang silbi ng pagkakatuluyan namin kung magkakalayo naman kami?" Naisatinig ko.
Ngumiti lang si Nanay at binawi ang sinabi niya kanina. What makes a man complete is his half.
Umakyat naman kami sa itaas at ipinasuyo ko kay Nanay ang silid ko. Na bago pa man ako makapasok ay sinamaan na ako ng tingin ni Nanay. Ngumiti lang ako at hindi na nagkomento.
Ganoon pa rin naman ang ayos ng silid ko. Nakahanay sa paanan ng aking higaan ang mga librong binabasa ko noon sa kolehiyo. Nandoon pa nga yata yung mga libro sa Mechanical Engineering.
Wala naman masyadong nabago, may bedside table pa rin. At sa tingin ko, yung kurtina at bedsheet lang ang pinalitan ni Nanay. Wala rin naman akong naaamoy na alikabok, pihadong nililinisan ito palagi ni Nanay.
"Frederico, matulog ka muna. Hintayin mong magising ang bisita mo saka ka bababa. Baka nandiyan na si Venice. Alam mo namang siya
ang higit na mas nawalan."
Tumango ako. Mukhang makakapagpahinga na ako taliwas sa mga plano ko kanina.
Malaki ang kama ko sa silid kaya malaki rin ang ispasyo na pwede kaming magtabi. Tatabi lang naman. Wala naman akong gagawing masama sa kanya.
Tumabi ako sa kanya. At hindi ko napigilang titigan ang mukha niyang malumanay at panatag. Hinayaan ko rin ang sariling yakapin siya bago tuluyang hinila ng antok.
Hindi ko alam kung anong oras na nang maalimpungatan ako dahil sa kumakalabit sa akin. Alam ko namang si Clea iyon. Pagkadilat ng mga mata ko ay siyang bungad ng dilim sa labas.
"S-sir... Bakit po magkatabi tayo?" Nagtatakang tanong niya.
Napangisi ako at naupo sa tapat niya.
"Saan mo ba gustong matulog? Wala nang ekstrang silid dito. O saan mo ba ako gustong matulog?" Tanong ko, kunwari'y nakakunot noo.
Madilim na kaya hindi ko makita kung anong naging reaksyon nito. Ngunit isa lang ang sigurado ako, namumula na naman ito.
"H-hm. Nevermind na lang po. A-ano po. Di pa po tayo lalabas?" Tanong niya.
Napangisi akong lalo at tumayo sa kama para buksan ang ilaw at bumaba na rin. Hindi yata kami kinatok ng mga kapatid ko?
Pagkalingon ko sa kanya halos tuyuan ako ng laway ng nakita ang mukha niyang bagong gising. Medyo nagulo ang kanyang mahaba at kulot na buhok, namamaga ng kaonting-kaonti lamang ang kanyang mga mata. At mapupula ang mga labi, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa bagong gising ito.
Napatikhim ako. At naisip na... Bagay nga talaga siya sa kama ko.
"Tara..." Aya ko upang matapos na itong nararamdaman ko.
Sinuklay ng kanyang kamay ang kanyang nagulong buhok kaya panay ang lunok ko. Talaga... Kailangan na naming umalis dito. Mali pa yatang dito ko siya pinatulog.
Bumaba na ito ng kama, sinout niya yung sapatos niya sa ibaba at naglakad papalapit sa akin. Binuksan ko naman ang pintuan saka kami lumabas.
May ilaw sa itaas ng kisame kaya tama lang iyon para makita namin ang hagdan paibaba.
"May second floor pala bahay niyo?" Manghang tanong ni Clea. Ngumiti ako.
"Oo... Gusto mo 'to?" Baling ko sa kanya na sumasabay sa akin paibaba.
"Hm... Medyo, pero mas gusto ko po yung bahay na malapit sa dagat. Yung cottage type po?" Attentive na sagot-tanong nito.
Napatango ako. Noted! Malapit sa dagat, kahit simple. Hm... Yung pinuntahan namin noon, pwede na kaya sa kanya yun?
"Ikaw po Sir? Ano po'ng dreamhouse niyo?"
"Ako? Ah----"
"---- kahit ano basta kasama kita." Hindi banat iyon, yun lang talaga ang naiisip ko sa impromptu niyang tanong.
Napakislot lang ako noong naramdaman ang nakakakuryenteng sapak niya sa braso ko. Nabigla ako nang kaonti pagkat hindi ko inasahan yun.
"Landi..." Bulong nito sa sarili kaya natawa ako.
Hindi Cley... Ganito lang talaga ako. Lalo na sa taong mahal ko. At hindi dahil inuunahan ako ng kalandian.