Napapangiti na lang ako pagkat nakyu-cutan ako sa kakulitan ni Clea. Kanina pa ito busangot at hindi ko alam kung dapat ko bang lambingan---- baka mabigla ko na naman.
Pagbaba sa mismong kusina ng bahay, doon ko nakita sina Nanay, Tatay, mga kapatid ko at si Venice na yumuyugyug ang mga balikat at humahagulhol pihadong dahil iyon sa walang katapusang iyak.
Napalingon dito si Berlin at may sinabi siya sa katabing si Venice na nakatalikod sa amin. Agad ding lumingon ito at tumunog ang inuupuan niyang silya.
Napagalaw ako ng kaonti dahil sa marahas na pagyakap sa akin ni Venice. Mas lalong lumakas ang hagulhol nito at naiintindihan ko... Namatayan siya ng asawa.
"Wala na... W-wala na si Gerard! Bakit siya pa?!" Reklamo nito.
Nakatingin ang mga kapamilya ko sa akin, pinapanood kaming dalawa ni Venice. Hinagod ko ang kanyang likod dala ng awa.
"Bakit g-ganoon?" Tanong nito. Hindi ko malaman kung sa akin ba niya tinatanong iyon o sa sitwasyon.
"B-bakit kapatid mo pa?" Tanong nito pagkaraa'y humiwalay sa akin.
Namumula ito, malalaki ang mga eyebags at talagang mukha ng taong naghihinagpis.
"Oras niya na, V-ven." Wika ko.
Mas lalo itong umiyak at umaawang ang labi, tuloy-tuloy na naman ang pagtulo ng mga luha. Awang-awa ako at nahahabag dahil asawa pa rin naman ito ng kapatid ko.
"Ate Venice..." Siyang lapit ni Berlin. Hinawakan niya sa balikat si Venice at inaayang maupo roon sa hapag. Kaso umaayaw ito...
"Sige na Ven... Upo ka muna ron. Magpahinga ka kahit sa pamamagitan lang no'n."
Napatango ito at sumunod sa utos ko. Inaalalayan naman siya ni Berlin, nagpapatianod ito ngunit panay pa rin ang lingon dito.
"'Nak, halina kayo. Kakain pa tayo. Paupuin mo ang bisita mo rito."
"P-po?" Garalgal na tanong ni Venice at muling lumingon dito.
Pinaunlakan ko naman si Nanay at hinawakan sa kamay si Clea na naging dahilan kung bakit napalingon ako sa kanya. Bakit nilalamig 'to? Kinakabahan?
"Cley, relax..." Marahan kong wika, tumango ito at nagpatianod sa akin. Sa kabilang bahagi ng mesa kami umupo, nasa tapat namin sina Venice, Berlin at Albin. Sina Tatay at Nanay ang nasa magkabilaan.
Ipinaghila ko ng upuan si Clea, at napayukyok ito ng kaonti marahil sa hiya. Napangiti ako. Kaso napalitan ng ngisi ng nilingon ko ang aking ngisi.
"Tay, Ven... Si Clea nga pala..." Lahad ko kay Clea na talagang napatingala sa akin.
"Taga-saan ka, hija?" Maya'y tanong ni Tatay na seryosong nakatingin sa amin.
"P-po... Uhm... Taga-Tarlac City po."
Naramdaman ko ang panlalamig niya kaya't hinawakan ko ang kanyang kamay mula sa ilalim ng mesa. Medyo nanigas ito ngunit sa huli pinili niya na lang na umaktong normal.
Napatango naman si Tatay at tinawag si Rina... Katulong namin.
"Maligayang pagbabalik po Sir." Wika nitong namumula bago tumalikod at lumabas sa dirty kitchen.
Humalakhak si Tatay, ang iba nama'y napapatikhim. Iiling na lang ako pagkat wala lang naman iyon sa akin. At medyo naramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Clea mula sa ilalim.
Napangisi ako... Mukhang may nagseselos?
Palihim ko siyang sinulyapan at nakatoun pala sa akin at no'ng nahuli ko ay namula na lang bigla.
"Iba ang kamandag ng mga Galvez, iha. Kaya ngayon pa lang sagutin mo na iyang panganay ko at hindi na bumabata iyan. Nasabi sa akin ng aking maybahay na... Magkaibigan lang daw kayo? Tama ba Frederico?"
Humalakhak ako dahil sa madiing pagpisil ni Clea sa kamay ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba. O sa ideyang na-ooffend siya sa sinabi kong magkaibigan lang kami.
Di'ba yun naman ang gusto niya sa ngayon?
"Tay, wag niyo naman pong i-pressure 'tong kasama ko. Nilalamig na, e." Sabay hila ko sa kanyang kamay paitaas. Sinilip ko siya at nanlalaki ang kanyang mga mata.
Si Tatay naman magkanda-ubo-ubo kakatawa. Napangiti lang ako.
"U-uhm. Fred..." Tawag ni Venice.
Lahat kami'y napalingon sa kanya. Nandoong namumula ang mga mata nito at iyak ng iyak.
Walang katapusan yon.
"H-humihingi po sana ako ng respeto..." Iyak nito.
Natahimik kami, humigpit ang kapit ko sa kamay ni Clea. Si Tatay, umasim ang mukha at naputol lamang ang tensyon ng dumating na si Rina at nilapag ang kanin at ulam sa sentro ng mesa.
Natahimik at naging pormal ang hapag dahil sa nangyari. Alam kong naiilang na rin si Clea. At pihadong marami na itong tanong sa isipan.
Maya't maya ang alalay ko sa kanya sa mga pagkaing nakalagay sa kanyang pinggan. Gayun din sa pagtatapos ng hapunan.
"Sa tapat lang kami, Frederico. Uhm, kakausapin ka raw ng itay mo. Clea..." Tawag niya sa pansin ng katabi ko.
Natatarantang napatayo ito. Halatang naiilang pa rin at hindi sanay. Ramdam ko pa rin ang kaba niya.
Napangiti si Nanay at nilingon sina Berlin, Albin at si Venice na wala pa ring tigil ang iyak.
"Sama ka sa amin... Wag kang mahiya anak." Malumanay na wika ni Nanay. Napangiti ako pagkat alam kong natutuwa at tanggap na nina Nanay si Clea. At natutuwa rin ako dahil kumalat ang pamumula ni Clea sa boung mukha.
"Sama ka muna. Don't worry, mababait ang mga yan." Napatango ito at naglakad palapit kay nanay na malawak ang pagkakangiti.
Halatang interesado at galak sa bagong panauhin. Mabuti kung ganoon.
Nasa labas na sina Nanay nang dumating si Tatay galing sa pagyoyosi mula sa labas. May dala na rin itong inumin. Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin ngayon.
"Mabuti naman Frederico at pumili ka na ng matino ngayon."
Humalakhak ako at binuksan ang alak. Pareho na kaming magkatapatan ni Tatay sa hapag. May dinala na ring pulutan si Rina mula kanina. At talagang mapapasubo ako kahit hindi naman ako madalas uminom.
"Sana yun na ang huli... Alam mo namang di ka na bumabata." Sang-ayon ako sa sinabi ni Tatay.
"Gustuhin ko man Tay, masyado pang bata iyon. Pagpapaaralin ko muna at ayaw ko namang balang araw magsisi yun." Wika ko pagkatapos lumagok ng isa.
Napangisi naman si Tatay.
"Yung Venice..." Seryosong singit ni Papa sa pangalan ng babaeng ayaw niya pa ring tanggapin sa tahanan na 'to.
"Tay, matagal----"
"Alam ko... Pero kung ganyan siya ng ganyan talagang hindi ko na matatanggap iyan sa pamilya. Naturingang anak ng General, umaaktong parang bata." Buntong hininga ni Tatay.
Napapikit ako. Kasalanan ko pa yata na dinala ko sa pamamahay na 'to si Venice.
"Tay... Wala na tayong magagawa riyan. Alam niyo na----"
"Yun na nga. Nakakalungkot lang na namatay si Gerard na dala ang sama ng loob diyan sa Ex mo..."
Naitikom ko ang aking labi. Dahil hindi naman ako sanay na napupunta ang usapan sa akin gamit ang pangalan ni Venice.
"Tay, no'ng huling tawag ni Venice... Mukhang... Nagugustuhan niya naman ang kapatid ko."
Ngumiti ng malungkot si Tatay. Napalunok ako ng dalawang beses pagkatapos kong tunggain ang aking parte sa alak.
"Sana nga totoo, 'nak. Kung hindi lang..."
"Tay." Pigil ko sa kanya.
Napahinga ng malalim si Tatay.
"Alam naman nating inagaw ni Gerard iyong syota mo noon... Pero, naniniwala ka ba talagang pinilit ni Gerard ang sarili niya kay Venice? Noon pa lang ayaw ko na diyan, masyadong ligalig at ayaw makontento sa isa."
Naging seryoso ang sitwasyon, natahimik. Wala naman na akong nararamdaman kay Venice. Maliban sa awa. At itong pinag-uusapan namin, parang wala namang patutunguhan.
"Hayaan niyo na po iyon, Tay. Nagluluksa pa iyon. Wag na nating dagdagan." Sabi ko para matapos na.
Tinapik ako sa balikat ni Tatay. Alam kong umoo na 'to ngayon. Alam naming pareho na walang kakwenta-kwenta itong pinag-uusapan namin.
"Mana ka sa Nanay mo, masyadong mabait."
Napangiti na lang ako at tumungga ulit ng alak. Sumubo rin ako ng pulutan.
"Si Clea po, 'Tay." Tawag ko sa pansin niya.
Ngumisi itong parang naka-jackpot.
"Swerte mo do'n! Pang-beauty queen at nahihinuha kong mabait na bata iyon." Proud na proud na pagbibigay tibay niya sa mga iniisip.
Napatango ako dahil totoo naman talaga.
"May gagawin po ako... Gusto ko po ng tulong mula sa tatay ni Venice. Sana po... Wag niyo namang higpitan si Venice."
Nabulunan si Tatay kaya nagkanda-ubo-ubo ito. Tinapik ko naman sa likod.
"Kakasabi ko lang ng mga masasamang konklusyon ko do'n kay Venice, ngayon ka pa nagpaalam?!" Nawiwindang na sabi ni Tatay.
Tumawa ako ng kaonti. Kalog talaga 'tong si Tatay.
"May aasikasuhin akong kaso sa susunod na Linggo, ngayong Linggo naman po yung libing ni Gerard, di'ba? Tama po ba? Baka iwan ko muna rito si Clea... At baka magkaconflict sa kaarawan ko. Kaya'y pwede po bang pakialagaan niyo nina Nanay si Clea?"
Ngumiti si Tatay at inabot ako para tapikin sa balikat.
"Makakaasa ka..."
Madalas basketball at boxing na lang ang pinag-uusapan namin ni Tatay. Napaparami na rin ang inom ko dahil pinabili pa ng isang bote ni Tatay si Rina.
"Tara na..." Medyo namumungay na aya ni Tatay pagkatayo niya sa upuan. Tinawag niya naman si Rina para linisin ang kalat. Tumango ako. At medyo tipsy na rin nang tumayo.
Umikot kami patungong harapan mula sa likod. At nandoon sina Nanay nakikipagkuwentuhan sa mga kumpadre at kumare niya sa isang mahabang mesa.
Nakikita ko rin ang pagngiti at pagtawa ni Clea. Napatitig na naman ako pagkat kahit gabi ay nagliliwanag pa rin ito. Hindi na yata mababago iyon.
Sa totoo lang, sa lahat ng taong sakop ng aking paningin ngayon. Tanging siya lamang ang umaangat. Sadyang sobra-sobra ang kanyang ganda para sa lahat. Para siyang artista, o sobra pa, na mala-beauty queen na napadpad dito.
"Swerte mo sa batang yan, Nak." Mahinang sabi ni Tatay.
Buti sana kung sa akin ang huling bagsak nito. Napakaswerte ko nga.
Lumapit kami sa mga nag-uumpukan naming mga kapamilya. Nagsilingunan silang lahat.
"O! Fred... Hm... Di na nakakapagtaka kung may something sa bisita niyo at sa anak mo Anita, bagay na bagay naman."
Tumawa ako at medyo nanlalabo na ang paningin dahil sa alak. Sinulyapan ko si Clea na para umaatras at kumakalat na naman ang pamumula sa pisngi. Sarap niyang pagmasda.
Umikot ako patungo doon kaso natigilan ako ng may humawak sa aking palapulsuhan. Yumuko ako saglit para lang salubungin ng nakakaawang mukha ni Venice.
"U-upo ka..." Wika nito at inatras ang monoblock na nasa kanyang tabi.
Hindi ko alam kung dala lang ba iyon ng kalasingan kaya natahimik ang paligid.
Tumikhim ako at nilingon si Clea na nakaawang ang bibig at nakatingin kay Venice. Lumunok ako ng isang beses.
Maginoong hinawakan ko ang kamay ni Venice na mahinang inalis ang pagkakapit niya sa akin.
"Pasensya na Ven, pero kay..." Lumingon ako kay Clea na nakatitig na naman sa akin at napaiwas na lang noong nagkatagpo ang aming mga mata.
"... Kay Clea ako tatabi."
Hindi ito umimik kaya tinuloy ko na ang lakad upang sa tabi ni Clea maupo.
Nabibingi yata ako. Pagkat abnormal yatang naririnig ko ang lakas ng t***k ng puso ni Clea. Sa sobrang lapit namin, rinig na rinig ko iyon. Malakas ang loob kong hawakan siya sa bewang ng walang nakakapansin. Hindi naman kita, marahil dala ng mataas na mesa.
Noon ko naman napansin ang mga kasama namin sa mesa na nakatoon sa amin. Napangisi ako at tumayo.
"Cley, pasok muna tayo sa loob." Aya ko.
"P-po?" Gulantang tanong nito. Halatang nagulat sa sinabi ko. At sa madalas naming pagkakasama at sa bilis ng pagkakabasa ko sa mga iniisip niya. Alam ko na kung anong itinatakbo ng isipan niya.
Nilahad ko ang aking kamay na isang minuto niya yatang ikinatulala. At sa huli tinanggap naman niya.
"Nay, titingnan lang po namin si Gerard." Paalam ko kay Nanay na nakangiting tumango.
Naglalakad na kami patungong teresa ng bahay ng medyo binagalan ko ang paglalakad. Hawak ko ang kamay ni Clea, ang lambot at masarap sa pakiramdam ang init no'n.
"Clea..."
"P-po?"
"Wag ka namang masyadong mag-isip ng kung ano..." Nahihirapang wika ko.
"H-ho? Bakit po?"
"M-medyo nahihirapan na ako..." Singhap ko.
"A-ano po?"
Napangiti ako, "Matagal na kasi, Cley. Yung alam mo na... Pagkatapos nag-iisip ka pa ng ibang bagay."
Nalaglag ang panga niya kaya hinila ko siya papasok. Mukhang nakuha naman niya.