Nagising na lang ako kinabukasan na medyo nahihilo pa marahil dahil sa alak kagabi. Talagang hindi na ako sanay, iba na nga talaga pag iba na ang priority sa buhay at hindi tulad no'ng mga kabataan ko, parang ekspert sa inuman.
Kinapa ko ang aking katabi at napahinga na langng malalim ng wala namang kakaiba roon. Tulog pa siguro iyon, sa kadahilanang madaling araw na kaming nakatulog kagabi. Tumuka kaming bantayan si Gerard dahil mahaba-haba rin naman ang itinulog namin kahapon.
Pag naaalala ko ang nangyari kagabi, di ko mapigilang mapangisi. Boung gabing namumula si Clea at sa tuwing nagkakadikit lang kami, agad itong kumikislot at lumalayo ng kaonti. No'ng una nag-alala ako sapagkat may nakaraan ito tungkol sa mga manyakis na mga lalaki at baka dahil sa sinabi ko natakot na naman ito.
Ngunit, laking tuwa ko nang wala naman akong nakitang takot sa kanyang mukha. Bagkus naiilang pa nga at panay ang sulyap sa akin.
Napapikit pa ako sandali bago muling iminulat ang aking mga mata at tuluyan ng bumangon. Sinilip ko ang orasan, mag-aalas diez na ng umaga... Hindi ko alam kung sa mga oras na 'to gising na sina Nanay.
Bumaba na ako sa kama at kinapa ang tsinelas sa ibaba bago lumakad patungong cabinet para kumuha ng tuwalya. Pagkatapos ay pumanaog na ako, saktong naabutan ko sina Nanay, mga kapatid ko at si Tatay na nasa kusina.
Si Nanay na nakikipagtawanan sa tabi ng Kawali kung saan nakatalikod sa akin si Clea at nakapusod ng maayos ang kanyang mahabang buhok. Nakapajama itong de terno at napangisi ako habang pinagmamasdan siya. Bagay sa kanya, at least walang masyadong balat na nakalabas.
Parang nagluluto yata ito?
"Good morning Kuya!" Bati ni Berlin pagkalingon niha rito sa hagdan.
Napangiti ako, at pumanaog na ng tuluyan.
"Good morning din... Tay, Nay, Albin, Berlin saka... Clea." Baling ko sa katabi ni Nanay na nakangiti rin. Lalo na si Nanay na ang lawak ng pagkakangiti.
Tumabi ako kay Albin na nasa harap ng hapag kasama si Tatay. Si Berlin naman, nasa tabi ng ref.
"Frederico... Madalas ka bang ipagluto nitong si Clea? Mukhang sanay na sanay magluto. Ipinagluto na nga tayo, o!" Sabay turo niya sa kawali na naaamoy ko na ang adobo'ng manok.
Teka! Hindi ko alam kung sanay dahil... Ito pa lang ang pangalawang nakita kong nagluto siya, puro adobong manok.
"Hindi naman Nay, pangalawa pa lang 'to." Sagot ko.
"Oh! O siya, kaunti na lang 'to. Matatapos na! Nga pala..." Tawag ni Nanay sa atensyon ko, o naming lahat.
"Ipinasama ko si Rina kay Venice kaninang madaling araw para naman may kasama iyon sa sentro. Kawawa naman at nag-iisa lang... Nasa mga lolo't lola pa naman ang apo ko." Wika ni Nanay.
Walang nagsalita, tila sumang-ayon na lang sa sinabi ni Nanay. Muli na naman itong nakipagtawanan at nakipagkwentuhan kay Clea na sa pangalawang beses nakita kong tumawa dahil sa ibang tao. Mukhang nagkakasundo na ang dalawa.
Maya-maya'y may tumabi sa akin, si Berlin. Nakangisi ito at nakatingin sa akin. Alam ko na agad na may naglalaro sa kanyang malikot na pag-iisip.
"So... May I ask bakit pinatabi mo sa akin kagabi si Clea, Kuya? Hm?" Napangisi ko sa tanong niya. Walang nakarinig, dahil abala rin naman ang bawat isa. Si Tatay na kausap si Albin, si Nanay na kausap si Clea.
"Malaki naman ang kama mo----"
"Suus! If I know! Baka kasi gapangin... Hirap na talaga pag tumatanda na 'no?"
Humalakhak ako kaya sandaling napalingon ang iba at kumalma naman ako kalaunan. Mabuti nakuha niya ang punto. Baka nga... Medyo nakainom ako kagabi... At baka nagawa ko nga iyon kung hindi ko lang napakiusapan si Berlin.
"Pero kuya... Grabi! Nakakaintimidate katabi iyan. Parang may katabi akong Dyosa, o beauty queen. Pagkatapos ang hinhin pa rin kahit tulog." Umakting pa itong naiiyak kunwari.
Napangisi na ako at hinayaan siyang magkwento tungkol kay Clea. Kung paano ito kaayos matulog, at talaga namang ayaw niyang gumalaw baka raw magising ang katabi niya. Mukbang intimidated ang isang 'to.
"---- and Kuya, mayaman ba iyan? Bakit kutis mayaman, at kilos mayaman? Ang hinhin, e! Swerte mo diyan Kuya."
Napangiti lang ako at umiling, hindi pa rin ito matigil-tigil sa kakakwento tungkol kay Clea. Lahat na yata ng mga pangyayari sinabi niya na sa akin. Mula noong mga kaganapan kagabi hanggang sa kaninang nagising sila. Natutuwa naman ako pagkat si Clea ang pinag-uusapan dito.
Natigil lang noong sumigaw si Nanay na tapos na ang niluluto. Pinagtulungan ng mga babae sa aming pamilya ang paghahanda. Nang matapos nang ilapag lahat, saka naman tumabi sa akin si Clea.
Nagpipigil na lang ako ng ngiti. At nilagyan siya ng tamang sukat ng kanin at ulam sa kanyang pinggan.
"Di ka man lang nagkape Frederico?" Nagtatakang tanong ni Nanay.
Umiling ako at nilagyan ng kutsara't tinidor ang pinggan ni Clea.
"S-sir, gusto niyo po ipagtimpla ko kayo?" Alok nito.
Naramdaman ko kaagad ng pagbaling ng mga kapamilya ko sa akin. Naghihintay yata sa reaksyon at sagot ko. Kaso umiling na'ko.
"Clea..." Tawag ko sa pansin niya ng hinawakan niya na ang kutsara't tinidor.
"P-po?" Baling nito sa akin. Wala akong marinig na ingay ng mga nag-uumpugang kasangkapan sa hapag, pihadong nakikinig ang mga 'to.
"Just call me Frederico or Fred..." Wika ko na agad na ikina-react ng isa sa kanila. Umuubo ang kung sino. Hindi ko alam kung sino.
Agad na gumapang ang pamumula sa kanyang pisngi't tenga. Parang sasabog. Naitikom niya rin ng mahigpit ang kanyang mga labi.
"Suus! Bakit hindi Kuya, ha Kuya?" Singit ni Berlin.
Binalingan ko siya sandali, na ikinahagalpak niya ng tawa. Sina Nanay, Albin at Tatay naman, halatang nagpipigil lang ng ngiti.
Nilingon ko muli si Clea na kasing pula na yata ng kamatis. Bumaba ng kaonti ang aking mga paningin pagkat hindi lang ang kanyang pisngi't tenga ang nmumula ngayon. Pati leeg at kaunti sa dibdib. Mukhang... Kinakabahan at gumagapangang intensidad ng kanyang
pamumula.
Tinitigan ko siyang muli sa mukha, at noon naman ito tumango at hindi na nagsalita. Napangiti naman ako.
"Kinikilig ang panganay ko!" Tukso ni Nanay.
Humalakhak na lamang ako. Hindi tulad kagabi, maingay ang hapag ngayon. Tuloy pa rin ang kwentuhan samantalang kami lang yata ni Clea ang talagang tahimik. Sumasagot lang pag kinakausap.
Pagkatapos kumain, si Berlin ang naghugas ng mga pinggan kaya umakyat ako sandali at iniwan si Clea sa tabi ni Nanay.
Kumuha lang ako ng boxer at muling bumaba para maligo. Nasa balikat ko na ang tuwalya.
"Maliligo ka?" Tanong ni Nanay. Tumango ako pagkatapos ay nilingon si Clea na nakatitig sa akin. Sa hindi ko naman malamang dahilan.
"Cley, ligo ka na rin..." Narinig ko ang pagkakalaglag ng kung ano mula sa sink.
"Yuck Kuya! Yuck! Give us some respect, please! Pati rin si Clea 'no! Ano? Magsasabay kayong maliligo?!"
Bago ko binalingan si Berlin, nakita kong namula na naman si Clea at napatakip ng mukha.
Umasim naman ang mukha ko pagkat kung ano-ano itong sinasabi ni Berlin. Walang ganoon sa isipan ko. Hindi pwede...
"Berlin! Sa labas ako maliligo, diyan sa bathroom si Clea. Kung ano-anong iniisip mo."
Medyo matigas na wika ko. Napangiwi naman si Berlin at ngumiti ng hilaw.
"Sorry Kuya... Sorry Cley." Baling niya kay Clea na ngayon ay namumula pa rin at tumango naman.
Napahinga ako ng malalim at nilingon si Nanay.
"Nay, aalis po muna kami. Tutungo lang sa sentro. May ipag-uutos po ba kayo?"
"Oh! Tamang-tama! Ngayon kasi yung dating ng mga bulaklak. Pakikuha na lang 'nak. Ibibigay ko mamaya yung card ng Flower shop."
Tumango ako at nag-excuse sandali para makaligo na sa banyo doon sa tabi ng dirty kitchen.
Pagkatatapos kong maligo at pagkapasok ko sa kusina'y wala ng mga tao, marahil binabantayan na naman si Gerard. Umakyat ako sa itaas at saktong pagkakabukas ko ng pintuan ay siyang bungad ni Clea na may dalang damit.
Napanganga ako, ganoon din naman siya. Paniguradong dahil iyon sa pagkakabigla.
"A-ah, maliligo na po ako." Napayuko ito at kumilos pa-gilid.
Napalunok ako, para yatang natuyuan ako dahil sa tagpong 'to.
"Padaan po..." Wika nito nang hindi ako umaalis doon.
Kumilos naman ako para makadaan siya, ngunit bago pa man tuluyang makaalis siya roon. Hinawakan ko ang kanyang braso. Naramdaman ko ang pagkakabigla niya. Napalingon kaagad ito sa akin.
"Wala kang tuwalya... Ito, hiramin mo." Sabay abot ko nang tuwalayang nakasampay sa aking balikat.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paglunok niya. Pati ako ay napapalunok na rin. Mali pa yatang inalok ko siya nito?
"A-ano, ikukuha na lang kita ng bago." Bawi ko ngunit bago pa tuluyang pumantay iyon sa hita ko ay kinuha niya na.
"Mukhang bago pa naman po... A-ano, pahiram na lang po..." Napahinga ito ng malalim bago dinugtungan ang sinabi na sobrang ikinatuwa ng puso ko, "... Fred." Sabay lunok nito ng ilang beses.
Napatango ako at binitawan sa kanyang kamay ang aking tuwalya.
"M-mabilis lang po ako."
Hinayaan ko siyang umalis bago ako pumasok at halos di ko na napigilan ang pagngisi. Kumuha na rin ako ng polo shirt at pantalon sa aking travelling bag. Noon ko naman napansin ang kanyang bukas na bag kaya hindi... Hindi ko naman sinasadya na makita iyong panty niyang hindi nakatupi. Cute. Teddy bear ang desinyo sa tapat.
At hayop! Dahil hindi ko napigilang malibugan sa nakita. Napalunok pa ako ng ilang beses bago napagdesisyunang sarhan ang zipper nito.
Nagbihis na rin ako bago pa siya tuluyang makaakyat. Swerteng nakaboxer na ako kanina... Ngunit nagtataka ako kung bakit tulad ko ay kinabahan din siya kanina.
Hindi naman kaya... Napalunok ako. Imposible dahil hindi naman bumaba ang kanyang mga mata, kaya imposible.
Kinuha ko na lang ang wallet sa bedside table pati susi ng aking sasakyan.
Bumaba na ako at umikot mula sa kusina patungong tapat na binungad ng kakaonting mga tao. Siguradong mamayang gabi pa ang dami nito.
Wala sina Nanay at Tatay sa labas kaya pumasok ako sa loob at nandoon nga ang boung mag-anak ko. Nakabantay malapit sa kabaong ni Gerard. Medyo tanggap ko nang ganoon ang kapalaran ni Gerard.
"Nay... Alam niyo na po ba kung sino?" Naitanong ko kay Nanay pagkatabi ko sa upuan.
Napalingon sa akin si Nanay, gayun din si Tatay.
"May kapit, 'nak. Hindi pa namin alam kung sino. Y-yung witness, parang bulang naglaho. Hindi na mahagilap." Naiiyak na wika ni Nanay, naalala na naman ang nangyari.
Napabuntong-hininga ako at hinawakan sa kamay si Nanay. Alam kong nahihirapan pa rin siya tungkol dito. Kahit sino... Hindi lang nila sinasabi sa akin pagkat alam nilang tulad nila ay mahihirapan din ako sa kaso ni Gerard.
"Nay, aalis po ako next week. Bago po ang birthday ko. Ano... May aasikasuhim akong napakaimportante."
Napatango si Nanay at ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng aking nakakulob na kamay.
"Alam ko 'nak, nasabi na ng tatay mo sa akin. Wag kang mag-alala, aalagaan namin si Clea habang wala ka."
Napanatag ang loob ko sa sinabi niya. Kahit papa'no bou na ang loob kong gawin kung anumang nakaplano.
Naging tahimik pa kami hanggang sa sumilip si Clea mula sa labas. Tumayo ako at binalingan si Tatay para manghiram ng susi ng kanyang pick up.
"Tay, pahiram ng sasakyan." Sabay lahad ko sa kanya ng susi ng aking sasakyan. Dinukot naman niya ang kanya at inabot sa akin bago niya tinanggap ang aking susi.
"Mag-ingat kayo..."
"Sige po, Nay."
Lumabas na ako at sinamahan si Clea mula roon. Ngumiti pa ito kina Nanay bago sumunod sa akin.
Wala namang kakaiba sa kanyang amoy ngunit humahalimuyak ang kanyang naturalesang amoy. Marahil galing sa ginamit na sabon at shampoo.
Nasa labas ang pick up ni Tatay, malapit sa aking sasakyan. Mukhang bago pa rin mula noong binili ko para sa kanya.
Nilingon ko si Clea nang pagbuksan ko siya ng pinto. Basa pa ang kanyang buhok kaya may tumutulong tubig mula roon. Wala man lang kaarte-arte ang batang 'to. Simple lahat, ngunit umaapaw pa rin at hindi ko mapigilang ngitian siya. Na tinugunan niya rin ng ngiti bago siya tuluyang umakyat at naupo sa loob.
Ako naman ay umikot para makaalis na sa lugar.