20

1973 Words
Tumigil ako sa tabi ng highway at binaba ang mga paningin sa hawak na cellphone upang i-text si Nanay. Pagkatapos ng ginawa ko ay nag-U turn ako. Noon ko naman naramdaman ang pagbaling sa akin ni Clea. Pihadong dahil nagtataka ito ngayon. "Naiwan ko ang card no'ng flower shop. Balikan lang natin sandali." "O-okay po." Sagot nito at muling tumitig sa labas. Panaka-nakang sinusulyapan ko naman siya, at hindi ko talaga gusto itong pagtulo ng tubig mula sa kanyang basang buhok. Tila ba iniinis pa akong lalo dahil bumabakat na yung panloob niya. "Magbihis ka ulit ha..." Naisatinig ko. "Bakit po?" Takang tanong nito na agad yumuko para tingnan ang damit. Napangisi na lang ako nang ginapangan na naman kaagas siya ng pamumula. Parang naging habit niya na yata ito. Siguro ay dahil iyon sa mala-labanos ang kulay ng kanyang balat. Di na siguro nakakapagtaka iyon. "A-ahm, okay po. Mamaya po pagbalik natin." Nakaawang labing wika nito, halos di na magdampi ang mga labi niya sa bawat isa. Alam mong kinakabahan. Inekis niya naman ang kanyang mga braso sa harap upang matakpan ang dapat. Nasa kanto na kami nang may mapansin akong tatlong taong naglalakad. Nasa tabi lamang sila ng daan, at sa tindig pa lang alam ko nang sina Rina at Venice iyon. Kasama si Genie na apat na taong gulang na. Itinigil ko ang sasakyan sa tabi ng tatlong aking nabanggit. Napalingon kaagad ang mga 'to, kilala ni Rina ang sasakyan ni Tatay. Maliban doon manipis lang ang tint ng sasakyan na 'to kaya nakikita kami sa loob. Inabot ko ang pintuan na nasa dako ni Clea at binuksan ang bintana. Nakatitig din doon si Clea. "Fred..." Mahinang tawag ni Venice. "S-sir..." Ganoon din si Rin. Parehong dumapo ang kanilang mga paningin sa kasama ko na walang imik. Si Genie lang yata itong walang kaalam-alam na kaharap niya ang tito niya ngayon. Bata pa kaya ganoon, at hindi naman kami madalas magkausap. Baka nga hindi na ako nakikilala nito. "Fred?" Gaya nito sa sinabi ng ina. Napangiti si Venice at hinaplos ang mukha ng batang walang kamuwang-muwang. "Sabay na kayo, ah, babalik pa kami ng bahay." "Ah, sige po Sir." Wika ni Reyna, si Venice naman ay binuhat si Genie na panay ang tingin sa amin. Lalo na kay Clea. Inabot ko naman ang lock sa likod ng sasakyan nang hindi ito mabuksan ni Rina. Agad silang pumasok, si Rin sa likuran ko at si Venice na nasa likuran lang ni Clea. Kandong nito ang kanyang anak. "Say hi to Tito Fred, sweetheart." Utos ni Venice at tinuro ako. "Hi po Tito Fred. Ah!" Malakas na sigaw nito na parang may naalala. "Ikaw po yung kapatid ni Papa." Kompirmasyon nito. Napangiti ako at napatango. "Naging mabait ka ba, pamangkin?" Tanong ko habang sinisilip sila sa pamamagitan ng rearview mirror. Tumango-tango ito ng ilang beses. "Good, may ireregalo ako mamaya pagkauwi namin ni Tita Clea mo." Sabi ko. Napa'yey' ang bata sa sobrang galak. Umalis ito sa kandungan ng kanhang ina at kumapit sa likod ng upuan ni Clea na parang ayaw na yata kumilos. Nakatulala lang ito sa harap na noon ko lang napansin. Para bang... Mabigat ang mga iniisip niya. Kung hindi lang dahil sa pagdantay ng maliit na kamay ni Genie ay hindi pa ito magigising. Kumislot siyang bahagya bago lumingon. Lumawak ang ngiti niya ng salubungin ng ngiti ni Genie. "Tita po kita?" Inosenteng tanong ng bata. "A-ahh." Maang na baling nito sa akin. Ngumiti lang ako at binalik niya ang mga mata sa pamangkin ko. "Oo, tita mo na rin ako." Sumilip muli ako at pareho na silang malapad ang ngiti. Parang nagngingisihan na lamang. Ngunit ikinabigla ko ang sumunod na nangyari. Mabuti na lang at ako lang ang nakapansin. Pagkat itinigil ko na ang sasakyan sa likod ng aking Acadia. Lumabas kaagad si Venice hila-hila ang kanyang anak na basta niya na lang hinila mula sa pagkakangitian nito kay Clea. Napabuntong-hininga ako dahil pakiramdam ko umaakto na namang parang bata si Venice. Sumunod si Rina na walang emosyong pumasok sa bakuran namin. Nilingon ko naman si Clea na kunot noong nakatitig sa akin. Kinabahan ako pagkat para itong lawin na pinagmamasdan lamang ako at anumang maling galaw ay pwede niya akong gawan ng krimen. "B-bakit?" Garalgal ang boses ko nang tinanong ko yun sa kanya. "Ex mo po ba yun?" Mariing tanong niya. Halos panglaglagan ako ng panga ng lalong nanunusok ang mga titig nito. "H-ha?" "Iba makatingin... Para bang... Para bang selos na selos sa akin. K-kagabi... Dapat sa kanya ka naman uupo, di'ba? Ipinaghila ka pa nga niya ng upuan. Ikaw lang itong..." Napabuntong hininga siya, at hindi ko mawari kung bakit sa halip na matakot dahil mukha itong galit ay parang kiniliti ang puso ko. "...p-pinili na sa tabi ko." Nagbago ang reaksyon nito, mula sa parang nanunuklaw ay biglang lumambot iyon. Ngumuso ang labi niya at napaiwas ng tingin. Hindi ko mapigilang mapangisi. Ramdam ko... Parang may kakaiba na, hindi lang ito tulad ng haka-haka ko no'ng una. "Nagseselos ka ba, Cley?" Tanong ko sa mas mababang boses. Inabot ko ang kanyang pisngi at hinaplos. Napatalon ito sa bigla at napatingin sa akin. Tuloy pa rin ang haplos ng aking daliri sa kanyang makinis, maputi at namumulang pisngi. Ginapangan na naman ng pamumula. Hindi na siguro magbabago iyan. "Hindi namn sagot yan..." Nagpipigil na wika nito. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Kinabahan ako pagkat bumaba ang aking mga paningin doon. Ilang segundo lang at ibinalik ko ang aking mga mata sa kanyang mga mata. "Ex ko... Pero..." Sagot ko sa tanong niya. Mas lalong dumiin ang kagat nito sa pang-ibabang labi. Bumilis ang paghinga ko, na-miss ko... Na-miss ko ang labi niya ngunit hindi pa ito ang takdang panahong. Dumaosdos ang aking daliri at napunta sa tapat ng kanyang labing nakakagat. Ang hinlalaki ko ang humaplos sa malambot niyang labi. "Pero... Hindi ko na mahal. Ikaw na Cley, panghabang buhay na 'to." Naramdaman ko kung paano siyang dinalaw ng kilabot, napangiti ako. Saktong kumatok si Nanay na malisyosang nakatanaw dito sa loob. Nabitawan ko si Clea pinagbuksan si Nanay na nasa tabi lamang niya. Inabot nito ang card ng flowershop na dadaanan namin mamaya. Nakangisi ito at pabalik-balik ang titig sa amin ni Clea. "Hanggang alas sinco lang kayo... Uwi kaagad. Wag nang dumaan sa kung saan-saan." May kahulugang paalala nito. Parang sumisingaw yata ang init sa aking braso dahil sa katabi ko. Ibinaba ko naman ang paningin at binungad ng kanyang medyo natutuyo ng damit. Di ko na yata kailangang pagbihisin 'to. Nagpaalam na kaagad ako kay Nanay pagkatapos kong tumango. Si Clea pa rin ang inaalala ko habang sinusulyapan siya. Naging mabilis ang byahe patungong sentro. Ipinarke ko ang sasakyan sa tabi ng isang cake shop... Iba na ang pangalan nito noong unang punta ko rito kasama si Berlin. Sana magustuhan niya pagkat nagustuhan din ito ng kapatid ko noon. "You like sweets?" Tanong ko bago kami bumaba. "Hmm!" Tumatango-tango nitong sagot habang pinapasadahan ang mga tanawin sa labas. Napangiti ako roon dahil tila sumang-ayon naman ang pagkakataon. Klarong nakikita ko ang katuwaan sa kanyang mga mata. "Ibibili natin si Genie, pagkatapos nating kumain diyan." Wika ko bago tuluyang bumaba at umikot upang pagbuksan siya. "S-sino pong Genie?" Alangang tanong nito. Napangiti ako sapagkat iba ang dating nito sa aking pandinig. Tila ba may ibang kahulugan, o ako lang ang nagbibigay ng kahulugan. "Pamangkin ko, yung kausap mong bata kanina." Napangiti ito ng malapad. Hinawakan ko ang kanyang kamay, nang walang malalim na dahilan. Bumaba ang kanyang mga mata patungo roon kaya napangiti ako at sinabing... "Can I?" Napanguso ito at bahagyang namumula, "H-hinawakan niyo na po, e." Napahalakhak ako sa sinabi niya kaya mas lalong pumungay ang kanyang mga mata gayun din ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Hawak ko ang kanyang malambot na kamay, ramdam ko rin kung paanong kumapit ang maninipis at mahahaba niyang mga daliri sa kamay ko. Di ko mapigilang mapangisi, natutuwa ako. Parang... Pakiramdam ko abot ko na ang aking pangarap. Mas maaabot ko pa ito kung maisagawa ko na ang plano para sa kanya. Habang kumakain, nag-uusap naman kami ni Clea. Mga bagay lang na tungkol sa libro, libro'ng nabasa ko o libro'ng nabasa na niya. Natutuwa ako dahil hindi ko maramdaman ang ilang niya habang kinakausap ako. Siguro ay dahil iyon sa kadahilanang hindi naman intimate, at hindi naman kami ang sakop ng boung topiko. Pagkatapos kumain ay inaya ko siyang mamili roon sa mga maliliit na cake na nakadisplay sa salamin. Lahat naman yata magaganda, halos pangbabae ang kulay. At wala namang kakaiba roon, pareho namang cake. Ngunit magkaiba naman kami ng panlasa, ano bang panlasa ng mga babae sa panlasa ng lalaki? "Ito po." Turo niya sa isang kulay pink na cake. Na may dalawang maliliit na strawberry sa gitna. Mukhang maganda naman kaya binili ko na. "Saan po talaga ang punta natin, Si---- Fred?" Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa pagpipigil na hindi mapangiti. Sinasanay niya na yata ang kanyang sarili na tawagin akong Frederico o Fred. Iba ang dating sa akin. Iba kesa sa mga taong nakapalibot sa akin na tumatawag ng pangalan ko. Siguro dahil itong babaeng kasama ko... Mahal ko. "May bibilhin ako..." Sabi ko na lang at pinasadahan ng aking daliri ang binili ko noong clip sa kanya. Hawak niya ito, mukhang iipitin niya sa kanyang buhok. Napangiti ako. Tuluyan nang natuyo ang kanyang buhok kaya siguro sosoutin niya na iyon. Napangiti rin siya at pinasadahan ang clip. Gustong-gusto niya... Kaya... "F-fred, nagustuhan ko po talaga 'to." Sabay taas niya sa hawak na clip. Napangiti ako, masarap sa pakiramdam na nagustuhan niya iyon. Inipit niya ng clip sa ilang hibla ng kanyang buhok, bago kami nagdesisyong pumihit upang lumabas na sa lugar na yun. Bitbit ko naman ang lalagyan ng cake na para kay Genie. Papalabas na kami sa Cake shop nang ng biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na mga kabataang nakauniporme. Dalawang babae at isang lalaking kasingtangkad lamang ni Clea, muntik pa silang nagkabanggaan kaya hinila ko si Clea. Nabigla si Clea, at ang lalaki nama'y natulala sa mukha niya. Hindi na bago... Ngunit... "Clea! Oy! Nandito ka lang pala!" Nabibiglang wika ng lalaking titig na titig kay Clea. Bumigat ang dibdib ko, hindi man kasing bigat noong umiyak siya, ngunit mabigat pa rin. Napapahinga ako ng malalim lalo na noong ngumiti rin si Clea. "Hanz, napadpad ka rito..." Pasalaysay na wika ni Clea. Nabitawan ko siya sa braso pagkat hindi ko natanggap na ngumiti siya dahil sa ibang lalaki. Napalunok pa ako ng ilang beses. "N-nawalan kami ng balita tungkol sa'yo... Sampung buwan din, Cley. Na-miss ka namin." Nahihiyang wika ng lalaki habang kakamot-kamot sa kanyang batok. Naikuyom ko ang aking kamao. Mas bata kesa sa akin 'to, pihadong kaedaran lang din ni Clea. Kakilala pa niya. "A-ah, nagtrabaho kasi ako sa ibang lugar." Sagot ni Clea. Napangiti ang lalaki at nilahad ang dalawang babaeng kasama niya, mas pandak kesa kay Clea. Ngumingiti sila kay Clea, sino bang hindi mapapangiti kung ganito kaganda ang nasa harapan nila. "Jocel, Hannah... Si Clea, kaklasi ko noong highschool. Clea... Sina Jocel at Hannah, ka-blockmate ko." Nagkamayan ang tatlo... Okay lang kahit magngitian sila. Ngunit hindi ko kailanman magugustuhan ang pagngiti ng lalaking kakilala ni Clea. "Sinong kasama mo, Cley?" Tanong ng lalaki. Napapahinga ako ng malalim dahil mas matangkad naman ko kesa kay Clea at bakit tila hindi ako napapansin ng lalaking ayaw ng mabura ang ngiti sa labi. Para bang si Clea lang ang nakikita niya. Hindi ko gusto yun pagkat isa lang ang ibig sabihin nito, interesado siya kay Clea at sa kanya lang nakatoun ang kanyang pansin. Kung pwede lang buwagin at hilahin si Clea mula rito. Baka... Baka... Hindi ako kakabahan ng ganito na may kasamang... Selos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD