"Alam mo namang isang hamak na opisyal lamang ako ng Philippine Army, wala akong hawak sa mga pag-iimbestiga. Matutulungan kitang hanapin lahat ng mga sangkot. Pero sa imbestigasyon? Medyo mahihirapan tayo diyan... Pero pwede naman akong tumulong." Napahinga ako ng malalim at inisip ang mga bigating negosyante at isang senator na kilala ko. Pwede namang humingi ng tulong mula sa kanila. Ngunit napaisip ako, sino naman ang kakampi ko sa tatlong yun? Baka... Isa pala sa kanila ay galamay din ng Gobernador na yun. Natahimik pa kami ng ilang minuto dahil sa pag-iisip ko ng mga plano. Ngayong nasa kritikal na kondisyon na ako'y napagtanto kong wala nga pala akong konkretong plano. Lahat inasa ko sa mga tulong... Mahirap, lalo na't dalawang mahahalagang tao sa aking buhay ang sangkot. Nakaila

