"Tito, wala namang ganyanan." Matigas na ani ko. Umismid ito at muling tumalikod sa amin para uminom ng tubig. Ikinabahala ko ang paglapit ni Clea sa sink kaya hinila ko siya pabalik sa akin. Tumalim ang titig nito sa akin, nanghina ako... Dahil kahit kailan hindi pa ako binigyan ng ganitong kasamang titig ni Clea. Masama bang protektahan ang taong mahalaga sa akin? "Mag-uusap po tayo mamaya..." Wika nito. Bago tuluyang lumapit sa sink at tinakpan ang hawak niyang tootbrush bago nilagay sa lalagyan. "Oh, mag-uusap daw kayo... Ano pang ikinababahala mo, iho?" Ngising lingon sa akin ni Tito Vin. Nagtagis ang bagang ko at hindi ko alam kung sa paanong paraan sasabihin sa kanila ang niloloob ng damdamin ko. Ngunit naisip ko rin namang, si Clea lang... Okay na. "Relax, iho. Wala akong aag

