"Nak..." Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman nang tinawag niya ako sa pangalang yun. Sa mga nangyari, tanging si Fred na lang ang inaalala ko. Napakasinungaling niya, sabi niya safe siya! Safe pa ba 'to?! Nanginginig ako kanina, hindi ko alam kung alin ang uunahin. Nakalimutan kong nasa delikadong sitwasyon pa rin kami! Saktong bumukas ang pintuan at may mga pumasok na mga tao na naka-life vest. May tatak pang pulis sa kani-kanilang uniporme. May mga sundalo rin. Dumating din si T-tito Vin pagkatapos lumapit sa amin at kinapa ang leeg ni Fred. Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko nang naipikit niya na ang mga mata. Hindi ko alam. Pero nagmakaawa ako. Kahit sino na lang, kahit sinong pwedeng tumulong. Nanginginig na pumasok ako sa ambulansya. Hawak ko ang nanlalamig na kamay

