Nang maalimpungatan ako'y naramdaman ko ang kaonting kirot sa aking tagiliran. Nakapikit pa rin ako at pilit na inaalala kung ano ang nangyari bago ako nakarating sa ganitong sitwasyon. Noon ko naman naalala ang gulong nangyari. Halos mapabalikwas ako ng bangon dahil tila nagiging deja vu ang pangyayari. Hindi ko alam kung bakit sa pagdilat ng aking mga mata ay yung babaeng maskulado ang sumambulat sa aking mga paningin. Tinambol na kaagad ang puso ko pinaghalong kaba at pag-aalala. Di kaya'y... "Hi, I'm Jeya... Tuta ng mga pulis. Buti hindi ka napuruhan." Seryosong ani nito. Ni walang bakas ng pagkakangiti. Napalunok ako at tumango. Hindi na ako nagsalita o nagpakilala pa. Ewan ko, ngunit mahirap na kasing magtiwala sa panahon ngayon. Hindi mo alam kung sino ang mga totoo sa mga tra

