Muli siyang kumilos para hanapin si Lindt. Bumaba siya sa tila paikot na hagdan. Nang marating ang dulo ay napaatras siya ng bahagya dahil sa yabag na narinig niya. Luminga siya at nagtago sa divider na accent ng pasilyo. Nakita niya na nag-iisa lang ito kung kaya't humanda siya para sagupain ito. Tila nagulat pa ang lalaki ng bigla siyang lumabas mula sa pinagkukublihan at sinalubong ito. Agad na inumang ang baril sa direksiyon niya pero mas mabilis ang pulso niya at agad itong pinaputukan sa kamay. Nabitiwan nito ang hawak na baril. "Hindi ka masasaktan kung ituturo mo kung nasaan ang asawa ko," malumanay pero may pagbabanta sa boses niya. Ngumisi ito sa kanya. "Eh kung ayoko?" Ginantihan niya rin ito ng ngisi. Pero iyong ngisi na mapanganib. "Edi abugbog berna ka." Mabilis siyan

