"Ivan!" sigaw niya sa pangalan nito. Narinig niya ang mahinang pag-ungol nito. No! Hindi pwedeng wala siyang gawin. Mabilis na kinapa ang sarili na maaring magamit na pantusok sa lock ng kadena. "T*ngina, Ivan! Papatayin talaga kita kapag namatay ka ngayon!" angil niya pa habang pilit na tinatanggal ang pakaw ng hikaw niya para magamit ang matulis na parte nito pantusok sa lock ng kadena. Medyo nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang mahina nitong tawa. May himig itong nahihirapan pero nakuha pang tumawa. "Hindi pa ako pwede mamatay ngayon, Kit. Kailangan ko pang siguruhin ang kaligtasan mo," mahinang sagot nito. Siya naman ay nanggigigil na tinutusok at kinakapa ang padlock. Sh*t! Masyadong maliit ang hikaw niya. Nag-umpisa siyang kumapa sa paligid baka may magamit siya na mas maha

