Chapter 22 The Revelation

1155 Words

Unti-unting niyang iminulat ang namimigat niyang mga mata. Napahawak siya sa ulo niya dahil tila may sumigid na kirot mula roon. "Aww!" mahinang daing niya. Nang mahimasmasan ay marahan niyang iginala ang paningin sa paligid. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Nakasalampak siya sa isang malamig na sahig. Ikinilos niya ang mga paang namimitig, may kung anong mabigat siyang nararamdaman sa paa. Kumalansing iyon ng kumilos siya. Sh*t! Nakakadena ang paa niya! "Kit?" napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Hindi niya namalayan na may ibang tao pa pala sa silid bukod sa kaniya dahil sa dilim. Pinasingkit niya ang mga mata at hinintay na masanay ang paningin sa dilim. "Kit, gising ka na ba? May masakit ba sa iyo?" Mula sa sinag ng buwan na nagmumula sa bintana ay nakita niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD