"Hello, Lola Mila!" halos tila paangil na sagot ni Lindt sa telepono. Sumenyas ang isang kamay nito sa kaniya at pinapalapit siya sa tabi nito. Bumuntong-hininga siya bago gumapang muli pabalik sa kinasasandalan nitong headboard. Agad nitong inabot ang beywang niya at marahan na iginiya sa tabi nito habang hawak ng isang kamay ang telepono na nasa tainga. Masyadong clingy si Lindt. Iyon ang napansin niya matapos na may mangyari sa kanila. Parang ayaw nito na malalayo siya sa tabi nito. Gusto palaging nakahawak at nakayakap sa kaniya. Aaminin niya na nagugustuhan niya ito. At habang lumalalim ang pagkakakilala niya rito ay tila mas lumalalim din ang inookupa nitong lugar sa puso niya. Nilingon niya ito na kasalukuyan pa rin na nakasalubong ang mga kilay habang kausap ang lola nito. Ang

