Tunog ng telepono ang nagpagising sa diwa niya. Iminulat niya ang mga mata, ilang beses muna siya kumurap-kurap. Nilingon niya si Lindt na nakadapa sa kama habang himbing na himbing ang pagtulog. Bahagya pang nakaawang ang labi nito.
Pagod na pagod yarn? Malamang talaga, magdamag ba naman sila na walang humpay. Naiiling siya ng maalala ang pinaggagawa nila. Napatunayan niya talaga na napakatikas nito lalo na ng armalite nito.
Napaangat siya ng tingin mula sa mukha ng asawa papunta sa bedside table ng muling tumunog ang telepono nito.
Ayaw man niya ay nagpasya siya na gisingin ito dahil baka importante ang tawag. Marahan niyang tinapik ang pisngi nito. Pero hindi ito natinag. Bagsak talaga ang talipandas! Mabuti na lang at nanahimik na ang cellphone nito.
Hinaplos niya ang buhok ng asawa at pinagmasdan ito. Napakaguwapo ng hudyo! Mula sa magandang ilong nito at mga mata na laging nanunudyo at may pilyong tingin. Napadako ang mga mata niya sa labi nito. Dinama niya iyon, ang labi na paulit ulit na humalik sa kaniya hindi lang sa labi niya kung hindi sa bawat sulok yata ng katawan niya. Ang mga labi na paulit-ulit siyang dinala sa ikapitong langit.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-aanalisa rito ng bigla na lang siyang mapasinghap ng hawakan nito ang kamay niya. Nakangiti na ito kahit ang mga mata ay hindi pa halos maimulat. "Lindt!" saway niya rito dahil nagulat talaga siya.
Sumimangot ito at tumihaya ng higa ng marinig na hindi nanaman siya gumamit ng endearment. Wala itong saplot kung kaya naka-expose ang dibdib nito. Bumaba pa ang makasalanan niyang mga mata sa armalite nito na nakatago sa puting kumot na ang aga aga eh mayabang ng nakatayo.
"Eyes up here, little peach. Kung ayaw mong mapasabak ng hindi oras. Kahit alam kong masakit pa iyan," pilyong sambit nito sabay nguso sa kanyon niya.
Hinampas niya ito ng unan na mabilis nasalag ng braso nito dahilan para tuluyang malilis ang kumot na tumatakip sa armalite nito. "Napaka mo! Halos hindi mo na nga ako tantanan! Hindi ka ba nauubusan?"
Nanlaki ang mga mata niya ng bumangon ito ng walang pakundangan. Wala itong pakialam kahit wala itong saplot. Mabilis siya nitong kinubabawan at dinaganan. "Hinding hindi ako mauubusan, little peach. Sa bawat paglabas pasok ko sa 'yo ay nachacharge ang armalite ko," nakangisi nitong sambit sabay kagat sa labi na tila inaakit nanaman siya.
Ang katawan naman niya ay ayaw pumanig sa kaniya at ipinagkakanulo siya sa pagdampi pa lang ng mga balat nila.
Kinurot niya ang tagiliran nito. "Masyado kang mahalay Lindt Del Fuego! Ayyy!" napatili siya ng hulihin nito ang mga kamay niya at itinaas iyon sa ulo niya. Suot niya ang t-shirt nito na ito na rin yata ang nagsuot sa kaniya matapos ang pagniniig nila pero wala siyang suot na panloob. Mabilis na naglakbay ang isang kamay nito papasok sa loob ng t-shirt niya. Tila hindi ito nakatiis at tuluyan na nitong itinaas ang damit niya.
"Ano nga ulit tawag mo sa akin? Pakiulit nga?" sambit nito sabay sakop ng labi sa kaliwang dibdib niya.
"Ahhh, Lindt," ungol niya sa pangalan nito.
Tumaas ang gilid ng labi nito. "Again, again? Pakiulit," naramdaman naman niya ang paghagod ng dila nito sa leeg niya kasabay ng pananalakay ng kamay nito sa gitna ng hita niya.
"Uhmm sh*t!"
Umiling si Lindt habang nakangiti. "What a stubborn wife." Sabay walang babalang siniil siya nito ng halik sa labi. Pero bigla rin nitong pinutol na ikinabitin niya. Hinabol niya ang labi nito pero inilalayo nito habang may pilyong ngisi na nakapaskil sa mukha nito. Hindi siya gaano makagalaw dahil hawak nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng ulo niya.
"Lindt!" angil niya rito.
"Say the magic word, Baby," habang tinutudyo tudyo siya ng maliliit na halik sa bawat tamaan nito sa katawan niya.
"Uhmm, oo na. Please, Big Bear!"
Ngumisi ito ng malapad na animo ay tuwang tuwa. Sabay muli siyang siniil ng halik. Sabay pa silang umungol ng magespadahan sila ng dila ng isa't isa.
D*mn! This man is indeed a good kisser! No doubt!
Ngunit naputol ang paghaharutan nila ng muling nag-ingay ang telepono ni Lindt. Marahan niyang itinulak ito ngunit tila ito bingi na ayaw magpaistorbo.
"Lindt, 'yung cellphone mo," wika niya rito.
"Uhmm, just ignore it. Magsasawa rin iyan," sagot nito sa pagitan ng paghalik sa dibdib niya.
Pero patuloy pa rin sa pag-iingay ang cellphone nito at talagang nakakadistract. "Big Bear, sagutin mo na. Kanina pa nagriring iyang cellphone mo eh. Baka importante... ahhh!" napadaing siya dahil sa pangahas na daliri nito na nilalaro ang kanyon niya.
Umangat ito ng ulo at tinitigan ang mukha niya pero ang kamay nito ay patuloy na nagmamaniobra sa pagitan ng hita niya." Are you sure gusto mong itigil ito, Little peach?" pilyong tanong nito.
Inirapan niya ito pero napakagat din ng labi ng naramdaman niya ang pagpasok ng isang daliri nito. "Ahhh, y-yes," paungol at halos nauutal niyang sagot dito.
Agad nitong binunot ang daliri sa loob niya. Tila bigla nahungkag ang pakiramdam niya. D*mmit! Nakaka-adik pala ito? Gustong-gusto niya ang ginagawa sa kaniya ng asawa.
Gumapang ito papunta sa gilid at inabot ang cellphone. Pero ang hayup, isinubo ang daliri na ipinasok sa kanyon niya habang nakatingin sa kaniya bago sinagot ang tawag.
Sinamaan niya ito ng tingin at binato ng unan.
"Hello! Ano kailangan ninyo?" masungit na sagot nito sabay sandal sa headboard ng kama. Nilingon siya nito at hinatak palapit.
"Sabihin niyo na at busy ako!" angil pa nito pero ang kamay nito ay humapit sa kaniya at yumakap. Naramdaman niya ang paghalik nito sa buhok niya.
Bigla naman ang pagtahimik nito na tila nakikinig na sa sinasabi ng kabilang linya. Hindi niya maulinigan ang sinasabi ng kausap sa asawa niya pero mukhang seryoso. Ramdam niya ang pagtaas baba ng hinga ni Lindt at ang paghigpit ng yakap sa kaniya.
"Okay. Keep me posted. I need updates from time to time. Thank you," sambit nito matapos sabay patay sa tawag.
Umangat ang mukha niya para tignan ito. "Are you okay?" tanong niya rito. Bakas ang pagkabahala sa guwapong mukha nito.
Pilit itong ngumiti at hinalikan siya sa sintido. "Yes, little peach. I'm okay. Come, I'll cook you breakfast. Or you want me to be your breakfast?" muling bumalik ang pagkapilyo sa mukha nito.
"Ewna ko sa 'yo!" Agad naman niya itong hinampas at bumangon pero marahan lang ang paggalaw. Masakit ang katawan niya lalo na ang pagitan ng hita niya.
Oo nga masakit na nga pero kapag nahawakan ka na ng talipandas walang dalawang salita kang nagpapaubaya! sermon niya sa sarili.
Napalingon siya ng muling tumunog ang cellphone nito. Dati yata 'tong call center eh! Daming katawagan!
Kita niya ang paglamukot ng mukha nito ng mabasa ang nasa caller ID pero sinagot din naman.
"Hello Lola Mila!"