Napaisip siya. Mukha nga na kailangan niya matulog sa kwarto nito lalo at malayang nakakalabas pasok ang nakita niyang bulto ng tao na iyon.
Bumuntong-hininga siya tanda ng pagsuko. "Okay. Kukuhanin ko lang ang unan at kumot ko sa kabila," sambit niya sabay talikod at dumiretso na palabas.
Pagbalik niya sa kwarto ni Lindt ay bigla siyang natigilan. Nasa akto kasi ito na naghububad ng suot na T-shirt. Bigla siyang nagpanic at hindi malaman ang gagawin kung tatalikod ba at magmamadali na lumabas o aarte na lang siya kunwari na hindi siya naaapektuhan.
Napansin siya nito at nilingon. "Bakit nandyan ka? Tara ng matulog," wika nito na inihagis ang t-shirt sa may silya sa gilid.
"Bakit kailangan maghubad ng t-shirt? Alam mo naman na may kasama kang babae rito!" pa-angil niyang sambit. Halos gusto na niya sapuhin ang dibdib niya sa bilis ng t***k nito.
"Ay babae ka pala? Kung makakilos ka kasi parang mas lalaki ka pa kay Cardo Dalisay," pang-aasar nito sa kanya. Sumampa na ito sa kama at sumandal sa headboard.
Inirapan niya ito. "Magdamit ka nga! Kung hindi bahala ka matulog mag-isa rito!" pananakot niya ngunit tila hindi naman ito umubra.
"Lagot ka naman kila Lola kapag may nangyari na masama sa akin," humalukipkip pa ito sabay ngiti ng mapang-asar.
Sa inis niya ay ibinato niya rito ang hawak na unan at kumot. "Ka-lalaki mong tao, sumbungero ka!"
Tumawa ito sabay tingin ng mapang-asar sa kanya bago humiga at nagkumot.
Siya naman ay lumapit sa may paanan ng kama habang nakapameywang at masamang nakatingin sa lalaki na prente ng nakahiga.
"Baka gusto mo naman lagyan ng harang ang pagitan natin ano po?" Pakiramdam niya ay umuusok na ang ilong niya sa inis dito.
Inangat ni Lindt ang ulo habang nakausli ang nguso na may painosenteng tingin sa kanya. "Why? Iniisip mo ba na gagapangin kita?"
Napaglapat niya ang mga ngipin at nagngingitngit na sumampa sa kama at dinamba si Lindt. Pilit niyang tinatabunan ang mukha nito ng unan.
"Hey! Baka mapatay mo 'ko sweetheart!" sigaw nito habang pinipigilan nito ang mga kamay niya habang tumatawa.
"Huwag mo' ko ma-sweetheart sweetheart! Papatayin talaga kita para mawalan na 'ko ng alagain na siraulo!" gigil na sigaw niya. Pero tila may kung ano naman na damdamin na hatid ang endearment na ginamit nito sa kanya.
Ngunit imbes na mapikon ito ay tila mas natuwa pa ang lalaki sa pagkainis niya at malakas itong tumatawa.
Sandali siyang natulala dahil tila siya kiniliti sa tainga sa tawa ni Lindt.
Sinamantala naman ito ng lalaki at mabilis siyang hinapit at naipagpalit ang pwesto nila. Siya naman ngayon ang nasa ilalim at si Lindt ay nakadagan sa kanya.
"Ano gusto mo itawag ko sa 'yo? Sis? Mamsh? Friendshie?" nakangiti pa rin ito habang sumasayaw sa aliw ang mga mata na nakatunghay sa kanya.
Pilit siyang pumipiksi ngunit tila bakal ang mga kamay nito na nakadiin sa magkabilang braso niya.
Medyo humihingal din ito kung kaya't humahampas sa mukha niya ang amoy mint nitong hininga.
"Bwisit ka, bitiwan mo nga ako!"
"Tell me, ano ba ang tingin mo sa 'kin, Kit?"
Napakurap siya sa biglaang tanong nito. Wala na ang pilyong ngiti nito habang matiim na naglalakbay ang mga mata sa kabuuan ng mukha niya.
"Ano'ng tingin ba yang pinagsasabi mo?" muli niyang ibinalik ang tanong dahil hindi niya alam kung paano ito sasagutin.
"Like kung gwapo ba 'ko sa paningin mo o maganda?" sabay muling gumuhit ang ngiti na sinabayan pa ng pagbasa nito ng labi.
Muling naningkit ang mga mata niya sa inis. "Leche ka talaga! Makaalis lang ako rito lulumpuhin talaga kita!"
Isang malakas na tawa ang itinugon nito sa panggigigil niya. "Naku, naku! Tandaan mo, malalagot ka kila Lola kapag nilumpo mo 'ko," sambit nito na tumataas taas pa ang dalawang kilay.
"Lagi mo'ng panakot sila Lola. Para kang hindi lalaki!" angil niya sa mukha nito.
Dagli itong natigilan sa sinabi niya. Alam niyang hindi tama ang lumabas sa bibig niya at iyon ay bugso lamang ng inis niya. Ngunit gustuhin man niya bawiin ay huli na.
Kinabahan siya ng makita ang mukha nito na papalapit sa kanya. Ngunit tumigil din ng ilang dangkal na lang ang layo sabay buntong-hininga at mabilis na gumulong pahiga sa kama.
"Matulog ka na," dinig niyang sambit nito dahil nakatalikod na ito at nagkumot.
"I'm sorry, I didn't mean what I've said, Lindt," paghingi niya ng pasensya. Katahimikan ang namayani sa kanila. Akala niya ay hindi na ito sasagot kung kaya't humiga na rin siya.
"The next time that I will hear those words from you, hindi na kita palalagpasin," mahinang wika ni Lindt kung kaya't napalingon siya. Ngunit agad din siya bumalik sa pagkakahiga patalikod din dito at pumikit na.
MGA IMPIT na tinig ang gumising sa diwa niya. Hindi pa niya agad maimulat ang mga mata niya kaya't uminat muna siya.
Pagmulat niya ay tila siya namalikmata. Muli niyang pinikit ang mga mata sabay mulat.
"Lola?" pagtawag niya sa pangalan ng abuela niya.
Ang mukha kasi ng tatlong matanda ang nabungaran niya. Namimilog ang mga mata ng mga ito habang hindi niya mabasa kung shock ba ang mga ito o ano dahil may kalahating ngiti siyang naaaninag.
"Ano'ng ibig sabihin nito, Kithione Katara?" bigla siyang napalingon sa dagundong ng boses nito.
"Dad?" wala sa loob na napalingon siya sa tabi niya. Nakita niya si Lindt na tila naalimpungatan sa sigaw ng daddy niya. Pero ang mas kinalaki ng mga mata niya ay ang makita ang pwesto nilang dalawa ni Lindt.
Nakaunan siya sa dibdib nito habang ito naman ay nakayakap sa kanya. Idagdag pa na wala itong suot na pang-itaas.
Oh my gulay na pampahaba ng buhay! Paano kami napunta sa ganitong posisyon? Magkatalikuran naman kami kagabi!
Napabalikwas na rin ng bangon si Lindt ng makita ang mga tao sa loob ng kwarto nila.
"Dad, this is not what you think okay?" wika niya habang tinatangka na mag-umpisa magpaliwanag.
"Ayusin ninyo ang mga sarili ninyo at mag-uusap tayo sa baba!" mariin na sambit ng kanyang ama bago tumalikod at naglakad na papuntang pinto. Nakasunod din ang tatlong matanda na inaalalayan ni Ivan.
Nanghihina naman siyang napasandal sa headboard ng kama sabay lingon kay Lindt na tila malalim din ang iniisip.
"Paano ba tayo napunta sa ganoong posisyon?" tanong niya rito.
Lumingon ito sa kanya na may bkangkong ekspresyon. "Malay ko. Tulog din ako. Baka lumapit ka sa akin at niyakap ako," akusa nito sa kanya.
Pumikit na lang siya ng mariin bago nagdadabog na naglakad papunta sa banyo. Alam niyang wala rin siyang makukuhang matinong sagot mula rito.
Sabay silang bumaba ni Lindt at naabutan nila ang mga ito na seryosong nakaupo sa sala.
Hindi pa nakakasayad ang pwet niya sa upuan ng magsalita ang Daddy niya.
"Magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon," sambit nito. Nabitin sa ere ang pag-upo niya dahil sa hindi inaasahan na sinabi ng ama niya.
"Dad! Can you just please listen to our explanation first!" sigaw niya. Parang naiiyak na siya sa inis dahil tila bingi ang lahat ng tao sa paligid niya na hindi naiintindihan ang gusto niya sabihin.
Nilingon niya si Lindt sa tabi at wala siyang ibang nakita rito kundi blangkong ekspresyon. Nakatuon lang ang mga mata nito sa sahig.
P*nyeta! Napakabakla talaga! Grrrr!
"Don't yell at me Kithione Katara! I am your father! At buo na ang desisyon ko, magpapakasal kayo the soonest possible time! Nakausap ko na rin si Dona Milagros at umaayon naman siya."
Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha niya sa sobrang disappointment.
"Dad, Lola, please pakinggan n'yo muna kami," pagsusumamo niya. Ngunit umiwas lang ng tingin sa kanya ang lola niya.
"Excuse me, Sir. I don't want to marry your daughter. I'm sorry," napalingon siya sa lalaki na nasa tabi niya lang. Seryoso ang mukha at nakatingin pa rin sa sahig habang nagsasalita.
Leche! Bakit ang sakit ng rejection na iyon? Wala pa ring nabago, kapag sa lalaking ito nanggagaling hindi talaga pwedeng hindi siya maapektuhan.
Nangilid ang luha niya dahil pakiramdam niya napagkaisahan siya at wala siyang kakampi.
"My decision is final, magpapakasal kayo after a week so be ready," pinal na wika ng ama niya at tumayo na ito.
Ngunit muling nagsalita si Mr. Ferriols habang diretsong nakatingin kay Lindt. "Hindi ka pwedeng umatras at tumakas, Mr. Del Fuego. Nakabantay sa iyo ang mga tauhan ko," mahinahon ngunit mariin na sambit nito bago tuluyang humakbang at naglakad palabas.
Naiwan siyang nakaawang ang labi at pinipigil ang pagpatak ng luha.