Chapter 10: Shotgun Marriage

1141 Words
Mabilis na lumipas ang isang linggo at dumating ang araw ng kanilang kasal ni Lindt. Tinotoo ng ama niya na bantay sarado sila ng mga tauhan nito. Maging siya ay halos hindi makalabas ng kuwarto sa rancho. Gayundin si Lindt. Literal na hindi niya ito nakita kahit magkalapit lang ang silid nila. Ang pinto nito ay laging may tauhan na nakabantay. Nakapaglakad lang siya ng isang beses sa baba ng mansiyon sa rancho ng si Ivan ang nagbantay sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin habang inaayusan ng make-up artist. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Halo-halo at hindi niya kaya isa-isahing alamin kung ano iyon. "Napakaganda mo, Madam! Kung tutuusin kahit walang muk-ap ay maganda ka na, lalo lang lumutang ng maayusan ka. Pihado na lalo mababaliw sa iyo ang groom mo!" bulalas nito habang nakatingin sa kanya sa repleksiyon ng salamin. Mapait siyang ngumiti at tumayo na dahil isusuot na niya ang wedding gown. May photographer din na maya't maya ang pag kuha ng litrato niya. Kasalukuyan siyang nasa silid habang hinihintay ang turn niya para sa entourage. Napaangat ang ulo niya ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kuwarto. "Kit, halika na," tawag sa kaniya ni Ivan. Napakaguwapo nito sa suot na Black armani suit. Bigla tuloy siya napaisip na sana ito na lang ang ipinakasal sa kanya. Parang mas panatag pa siguro siya kung magkagayon. Lumapit ito at inalalayan siya na makatayo. Inumang nito ang braso at agad naman niyang ikinawit ang kanyang kamay. Nang nasa hagdan na sila ay naisipan niyang isatinig ang nasa isip. "Ivan," tawag niya sa pangalan nito. Agad naman itong lumingon sa kaniya. "Hmm?" "What if tumakas na lang ako, tapos tayo na lang ang magpakasal?" Tila nagulat ito sa tinuran niya dahil ramdam niya ang dagling pagtuwid nito ng tayo at nabitin ang paa sa paghakbang pababa sa baitang. Lumingon ito kanya ngunit hindi direktang nakikita ang mukha niya dahil sa belo na nakatakip sa kaniya. "Nasisiraan ka na, Kit. Gusto mo bang patayin ako ni Pops?" "Eh gusto lang naman niya 'ko magpakasal 'di ba? At least sa iyo kampante ako. Magdivorce na lang tayo kapag tapos na ipasa ang posisyon sa akin," dagdag pangungumbinse pa niya. Umiling ito at mahigpit na hinawakan ang kamay niya na naka-abrisyete rito. "Kit, kilala mo si Pops. Ayaw niya ng pa bago-bago ng desisyon. At lalo na ayaw niya ang mapahiya. Pihado malalagot ka roon. Kaya panindigan mo na lang na magpakasal kay Mr. Del Fuego. Mukha namang mabait ang isang iyon," huminto ito at humarap sa kaniya ng marating nila ang dulo ng hagdanan. Pinisil nito ang kamay niya bago siya inakay papunta sa nakapinid na pinto. Inayos muna ng wedding coordinator ang gown niya pati ang belo bago sumenyas na maaari ng buksan ang pinto. Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang mga pamilyar na mukha. Ang lola at Pops niya ay nasa gitna ng aisle at hinihintay siya. Ang lola ni Lindt na si Lola Mila at Lola Edel ay nasa unahan at nakatayo habang nagniningning ang mga mata. Sa paligid naman ay ang mga tauhan ng ama niya na nakakalat sa buong paligid habang may tangan na mahahabang baril. Nang napadako ang mga mata niya sa unahan ay nagtagpo ang tingin nila ni Lindt. Lalong lumitaw ang kaguwapuhan nito sa suot na blue tuxedo. Napakurap siya ng maramdaman ang tila nanunuot na titig nito sa kaniya. Isang linggo niya rin na hindi ito nakita dahil nga bantay sarado ito ng mga tauhan ng ama niya. Tila siya matutunaw ng bigla itong ngumiti sa kaniya. Itsura nito kala mo hindi shotgun marriage ang dating. Katabi nito ang dalawang nakatatandang kapatid na Del Fuego na wala rin namang tulak kabigin pagdating sa kaguwapuhan. Nang makarating sa kalagitnaan ay kinawit niya ang kamay sa ama niya at sa kabila naman ay sa Lola niya na hindi mapuknat ang pagkakangiti. Nang nasa dulo na siya ay naroon na si Lindt. Nagmano ito sa Lola at Pops niya bago ibinigay ang kamay rito. Napakunot ang noo niya ng maramdaman ang lamig ng kamay nito. Nilingon niya ito at bumulong. "Ano, kabado bente?" Nilingon din siya nito sabay ngiti sa kaniya ng nakakaasar. "Hindi. Mga trenta. Ang dami ba naman nakapaligid na tauhan ng daddy mo na may mahahabang baril. Ewan ko na lang kung hindi ka talaga kabahan," ganting bulong nito na ikinatawa niya. Mukha naman na kahit papaano ay makakaya niya pakisamahan ang damuho na ito. Makukumbinse niya rin siguro ito mag-divorce kapag maayos na ang lahat sa grupo nila. Napansin niya na panay ang sulyap ng impakto sa kanya, ramdam niya ang pagpasada ng tingin nito sa kanya. Nang makaupo sila sa harap ng altar ay ginagap nito ang kamay niya kaya napatingin siya rito. Nahuli niya ang pilyong ngisi nito kaya hindi niya napigilang mainis. "Ano'ng nginingisi-ngisi mo riyan?" "Wala. Narealize ko lang na mas bagay sa iyo ang hindi lang lagi naka-jeans at itim na T-shirt na akala mo leader ka ng kulto," sagot nito sabay kindat. "Pasalamat ka nasa harap tayo ng altar. Kung hindi kanina pa kita nabalian ng buto. Humanda ka sa 'kin mamaya!" banta niya rito. Gigil na sambit niya pero kunwari ay nakatuon ang pansin sa harap ng altar at sa sinasabi ng pari. Pero ang totoo, wala sila ni isang naiintindihan dahil sa paghuhuntahan nila. Sumingkit naman ang mata ni Lindt at pasimple na pumaling sa kaniya. "Ohhh, ang wild ah? Pero ready naman ako, ano'ng handa ba ang gusto mo, Mrs. Del Fuego?" Hindi niya napigilan ang gigil niya kaya pasimple niya na kinurot ito sa hita. At dahil hindi nito inaasahan ay bigla itong napasigaw. "Aray! D*mmit!" sigaw nito sabay baling sa kaniya. Gusto niya matawa rito dahil bigla itong namutla ng mapagtanto kung nasaan sila. Itinaas niya ang kamay na nagsasabing "lagot ka!" Luminga ito at nakita na nakatingin ang lahat sa kaniya kaya tumikhim ito bago umayos ng upo at tumingin kay Father. "Sorry po, may nangagat po kasing langgam. Mamaya po hahanapin ko po iyon at gaganti," hinging paumanhin nito sabay pasimpleng tingin sa kanya na may kasamang pagbabanta. At nagpatuloy na ang pari sa pagsasalita. "I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari. Bigla naman siya napalunok at napalingon dito ng maramdaman ang kamay nito sa may beywang niya. Nakangisi ito sabay hapit sa kaniya palapit. Sh*t! Hindi ako handa rito! Hindi niya rin nakausap si Lindt na sa pisngi lang ito pwede humalik. Hindi ganito ang pinangarap kong first kiss! Nang maialis na nito ang belo ay pasimple siyang bumulong dito. "Hoy Lindt, sa pisngi ka lang - - - uhmmp!" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil walang babala siya nitong hinapit at diretsong hinalikan sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD