Chapter 11: Strike Two

1498 Words
"Congratulations!" sabay silang napalingon ni Lindt sa magkasabay na sigaw na iyon mula sa kung saan. Naging abala kasi sila sa pag-estima ng mga bisita at ang pag-ikot sa bawat table para sa picture taking. Nakita niya ang paglukot ng mukha ni Lindt ng makita kung sino ang mga ito. Ang dalawa nitong nakatatandang kapatid. Si Lithe at Light. "Maka-congratulations kayo akala mo naman may regalo kayo!" sansala nito sa mga kuya. Hinila siya ni Lindt palapit sa mga ito. Sabay naman na tumawa ang dalawa at mabilis na humakbang si Lithe at inakbayan ang bunsong kapatid at ginulo ang buhok nito. Sumabay rin si Light sa pambubully sa kapatid na pinagkukurot naman ang pisngi nito. Siya naman ay nakamasid lang habang hindi niya namamalayan na nakangiti na rin siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Sa isang banda, may inggit siyang naramdaman. Hindi kasi niya naranasan ang magkaroon ng kapatid. Masarap siguro iyon sa pakiramdam. Iyong tipong may matatakbuhan ka kapag kailangan mo ng karamay at may masasabihan ka ng mga sikreto at bagay-bagay. "Ano ba kayo! Lola, 'yong dalawa mong apo na abnormal mapanakit oh!" sigaw ni Lindt sa mga kuya nito. Naiiling siya sa pagka-childish nito. "Hoy! Mahiya ka, andiyan asawa mo makangawa ka kay Lola," wika ni Light na itinuro pa siya. Dagli naman na umangat ng tingin si Lindt at nakalabi na tumitig sa kaniya. "Little peach, inaapi nila 'ko! Barilin mo nga sila!" Gusto niya matawa sa itsura nito. Para itong bata na nagsusumbong. Minsan nalilito na rin talaga siya kung bakla ba ito o isip-bata lang. "Ano' ng kaguluhan ito?" napukaw ang kanilang paghuhuntahan ng dumating ang tatlong Lolas. Napaka-glamorosa ng tatlo na tila walang gusto magpatalo kung sino ang pinakamaganda at may asim pa. Agad naman na binitiwan ng dalawa ang bunso nila at umayos ng tayo sabay nag-akbayan. Lumapit na rin ang asawa ni Lithe na si Jent habang buhat ang napaka-cute na batang babae na magkahalong hawig sa kanilang mag-asawa. Gayundin ang asawa ni Light na si Sunny na may tulak naman na tatlong magkakadikit na stroller na sa wari niya ay ang triplets din ng mga ito. Ang alam niya parehas na triplets ang anak nila Lithe at Light kung kaya't napalunok siya. Kung magkaka-anak pala sila ni Lindt may posibilidad na triplets din. Humaygad! Kayanin ko kaya iyon? Pero 'yon ay kung may mangyayari sa kanila ni Lindt na mukha naman malabo dahil hindi naman babae ang gusto nito. "Wala po, Lola. Pinapayuhan lang po namin si Lindt na dapat ay tapatan niya ang triplets namin ni Light," sagot ni Lithe sa abuela. "Oo nga po Lola. Hindi ho ba walang mahina sa mga Del Fuego? At walang nakakatakas sa mga kamay n'yo?" mabilis na tinakpan ni Lithe ng kamay ang bibig ni Light at tinignan ito ng makahulugan. "Ah eh, aalis na po kami Lola. Uuwi na kami ng aming mga asawa at ng mga triplets." Mabilis na lumapit sa abuela ang dalawa at humalik. Nakatanggap pa ng tig-isang pinong kurot kay Lola Mila ang dalawa bago hinayaang makaalis. Habang magkapanabay na tumatawa ang mga asawa ng mga ito. Nang makaalis ang dalawang nakatatandang kapatid ni Lindt ay bumaling ang tatlong Lola sa kanilang dalawa. "Dadalaw kami sa Rancho bukas para maipagdiwang natin ang kasal ninyo," nakangiting wika ni Lola Mila sa kanila. Nalukot naman ang mukha ni Lindt. "Hindi pa ho ba celebration ng kasal itong reception at gusto n'yo pa magcelebrate bukas? Ano fiesta lang?... Aray naman Lola!" napasigaw ito ng hilahin ni Lola Mila ang patilya nito. "Iyang bibig mo kung magsasagot ka sa akin parang hindi mo ako Lola!" sermon nito sa apo na panay ang himas sa patilya na hinila nito. Tila may kung ano'ng kurot sa dibdib niya ang tinuran ni Lindt. Tila isinampal sa kaniya na ang kasal na ito ay labag sa kalooban niya at kaya naisakatuparan dahil pinilit lamang ito at wala lang itong pagpipilian. "Uhm, opo nga Lola. Nakapag-reception naman na po, I think okay na po iyon." Pagsegunda niya. Nilingon siya ni Lindt at napaigtad siya ng maramdaman ang kamay nito na humapit sa beywang niya. May sumilay na kakaibang ngiti sa labi ni Lola Mila at may makahulugang tingin na ibinato kay Lola Ofelia at Lola Edel. Sa pakiwari niya ay nag-uusap ang mga mata ng mga ito at tila nagkakaintindihan. "Hindi, Hija. Gusto lang namin na mag-bonding tayo over coffee or tea bago kami lumuwas pabalik ng mansiyon. May binili kasi ako na masarap na tsaa at gusto ko na matikman n'yo rin iyon," kinuha nito ang kamay niya at hinawakan habang nakangiti na kinakausap siya. "Pwede n'yo naman na ibigay na lang iyon at iwan sa amin, Lola. Bakit makikihati pa kayo?" sabat nanaman ni Lindt. Mabilis naman ang kamay ni Lola Mila na kinutusan ito na ikinatawa niya. Minsan kasi ay ganiyan din sila ng Lola Ofelia niya. Bumaling siya sa Lola niya nakita niya na nakatingin ito sa kaniya na may magkahalong emosyon. Tila magkahalo ang saya at lungkot nito pero hindi niya mawari at matukoy kung tama ang nakikita niya. "Sagot ka ng sagot, hindi naman ikaw ang kinakausap ko kung hindi ang asawa mo," asik nito sa apo na may kasamang irap. Muling bumaling ang matanda sa kaniya at ngumiti. "Napakaganda mo, Hija. Panigurado na maganda ang magiging kombinasyon ng Del Fuego at Ferriols. Hindi ba Edel at Ofelia?" lumingon ito sa dalawang matanda na mabilis naman na nagsitanguan. "Aba ay syempre, Mila. Tignan mo naman ang ganda ng apo ko na iyan, kanino pa ba iyan magmamana? Hindi ba at ganiyan din ang itsura ko noong bata pa tayo?" nagmamalaki na sambit ni Lola Ofelia. Biglang sinipat siya ni Lola Mila at Lola Edel sabay pinaglipat-lipat ng tingin sa kaniya at sa Lola niya. "Parang hindi naman, Ofelia! Mas maganda at fresh naman itong si Katara sa iyo. Medyo dry ang skin mo noon, tsaka oily." pambabasag ni Lola Mila kay Lola Ofelia. Si Lola Edel naman ay hindi magkandatuto sa pagtawa sa dalawang kaibigan. Ang Lola Ofelia niya ay hinampas ang braso ni Lola Mila. Naiinis ang itsura nito sabay hawak sa mukha. "Ahm, excuse me po. Pwede bang makauwi na kami ng asawa ko at kayo na lang magpatuloy ng pagdadautan ninyo rito? Pagod na kami at gusto namin magpahinga," pagsingit ni Lindt na ipinagpasalamat niya. Nararamdaman na talaga niya ang pagod at nananakit na rin ang paa niya sa suot na heels dahil hindi naman talaga siya sanay magsuot ng ganito. Nagkatinginan ang tatlo at sabay na nagningning ang mga mata." Oh siya, umuwi na kayo at magkita na lang tayo bukas. Magpalakas kayo ha, magstretching at magwarm-up." Hindi man niya naunawaan ang mga sinasabi ni Lola Mila ay hindi na lang niya pinansin. Humalik sila sa tatlong matanda at naglakad na habang akay ni Lindt. Baka kasi humaba pa muli ang usapan. Nang makalabas ay napasimangot siya dahil ang layo pa ng lalakarin para makarating sa kotse. Napahinto siya ng paghakbang dahil pakiramdam niya ay may paltos na ang paa niya at nagka-cramps na rin ang binti niya. Lumingon si Lindt dahil panandalian siya nitong binitiwan para ilabas sa bulsa ang susi ng kotse. At nakita na nakangiwi siya at minamasahe ang paa habang nakahawak sa gilid ng railing ang isang kamay. "You okay, little peach? Come, let me see," lumuhod ito at iniangat ang gown niya. Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya at nakaramdam siya ng kuryente ng dumampi ang kamay nito sa paa niya. Sh*t! Paa pa lang 'yan ah? "Damn! Nagsugat na ang paa mo." Napakurap siya. Kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Ngayon lang din niya narinig na nagmura ito. Tumayo ito at tinanggal ang butones ng suit nito sabay walang sabi-sabi na binuhat siya nito na ikinatili niya. "Ayyy! Lindt, kaya ko naman maglakad. Paltos lang naman ito. Tsaka baka mabigat ako, " wika niya rito habang ang mga kamay ay nakaikot sa leeg nito. Tumingin ito sa mukha niya at ngumiti. "Oo nga ang bigat mo. Ilang kilo ba ng bigas ang kinain mo?" Naningkit ang mga mata niya at hinampas ang balikat nito na ikinatawa nito. "Ang kapal mo! Gripuhan kita riyan eh!" Muli itong tumingin sa kaniya na may pilyong ngiti. "Ohhh, ako ba o ikaw ang magi-gripuhan?" Sasagot pa sana siya ngunit napagtanto nila na nasa harap na sila ng kotse. Maingat siyang inilapag ni Lindt sa passenger's seat. "Thank you," sambit niya rito. "Thank you lang?" nakayuko pa rin ito. Nataranta siya dahil ang lapit ng mukha nito sa kanya. "Ano? Pasalamat ka nga nag-thank you pa 'ko eh," irap niya rito pero halos nabibingi na siya sa kabog ng dibdib niya. "May bayad' yon," Sumingkit ang mata niya sa sinabi nito. "Ano'ng bayad?" "Ito ang bayad," wika nito bago walang paalam na sinakop nito ang labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD