"Little peach," pukaw nito sa kaniya. Halos magka-stiffneck na kasi siya sa paglingon sa labas ng bintana ng kotse.
Napalunok siya sa lambing ng boses nito at ganoon lang kabilis nito pakabogin ang dibdib niya.
Nilingon niya ito at doon lang din niya napagtanto na nakahinto na ang sasakyan at nasa rancho na sila.
"Hmm?" halos hindi niya mahanap kung saan napunta ang boses niya.
"Are you okay? Masakit pa ba ang paa mo?" tanong nito habang tinatanggal ang buckle ng seatbelt at diretsong nakatingin sa mukha niya.
"Uhm, oo okay na ako. Nandito naman na tayo sa rancho so pwede na ako maglakad kahit nakayapak," ngumiti siya rito at tumingin din sa mukha nito. Pero napalunok siya ng makita ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya.
"Ba-bakit ganiyan ang
tingin mo?" kinunutan niya ito ng noo para pagtakpan ang kakaibang pakiramdam na bumabangon sa loob niya.
Yumuko ito at ngumiti bago muling umangat ang mukha at sumasayaw ang mga mata na sumagot. "Mas bagay sa iyo ang palaging nakangiti. It's mesmerizing."
Napakurap siya sa tinuran nito. "Hoy! Tigilan mo ang kakabola sa akin, dahil hindi mo mabibilog ang ulo ko!" kunwari ay angil niya rito sabay pabirong inamba ang kaniyang kamao.
Tumawa ito at inabot ang kamay niya. "Iyong ulo mo hindi talaga, pero 'yung tiyan mo puwede'ng puwede bilugin," tumataas-taas pa ang mga kilay nito habang pigil ang dalawa niyang kamay sabay baba ng tingin sa tiyan niya.
Nagtatangis ang ngipin na pumiksi siya at inabot ito para suntukin ng bigla nitong binuksan ang kotse at tumakbo sa labas.
Malakas na tumatawa ito ng abutan niya sa labas ng kotse. "Mahuli lang kita babalian talaga kita ng buto!" angil niya rito. Yumuko siya para tuluyang hubarin ang heels at mahabol ito pero tila ito kidlat na nagtatakbo papasok ng mansiyon.
Ngunit bago nito marating ang pinto ay lumingon ito na may mapang-asar na ngisi.
"But still, seeing you roll your eyes and give me a death stare also makes my heart flutter," kumindat pa ito sabay pasok sa loob ng pinto.
Tila nahulog sa damuhan ang puso niya sa sinabi nito at nag-init ang pisngi niya. Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib.
"Punyemas na lalaki 'to! Makadiga daig pa ang mga playboy characters sa mga binabasa kong nobela!" mahinang sambit niya habang tila hinahapo na hinahabol ang hinga dahil sa mabilis na tambol nito.
Naiiling siyang naglakad ng nakayapak papasok ng mansiyon ng rancho. Tila nakaka relax din sa pakiramdam ng talampakan niya ang paglapat ng mga mumunting damo roon.
Tumingala siya sa langit at nakita ang mga bituin na tila mga diyamante na kumikinang. Humigit siya ng malalim na hinga at bumuga ng malakas.
"Somehow, this marriage is not that bad after all," wika niya sa sarili habang nakatingala.
Because you like him? Tugon naman ng isang panig ng isip niya.
Napakurap siya. No! I don't like him, okay? It's just that I know he's not a bad person, iyon lang 'yon!
Nagmamadali na siyang naglakad papasok ng mansiyon para takasan ang mapang-usig niyang isip.
Ukopado ng samu't saring bagay ang isip niya ng makapasok sa mansiyon. Kung kaya' t hindi niya napansin ang presensiya ni Lindt at walang pasabi na bigla siyang binuhat pa-bridal style na ikinatili niya.
"Lindt! What the hell are you doing?" angil niya rito habang awtomatiko naman na pumulupot ang mga kamay niya sa leeg nito.
"Why, Mrs. Del Fuego? Hindi ba ganito naman talaga kapag newly weds? Binubuhat ng asawa ang kabiyak niya?" nakakunot ang gwapo nitong mukha pero may maliit na ngiti na sinusupil.
Tila naumid ang dila niya sa tinuran nito at nanatili lang nakatitig sa mukha nito. Nang walang marinig na tugon sa kaniya si Lindt ay mulit itong nagsalita.
"Not unless na gusto mo na maiba? Pwede naman na ako ang buhatin mo," sambit nito sabay marahan siyang ibinaba at pinulupot nito ang braso sa leeg niya at itinaas ang isang hita na tila ba hinihintay na buhatin talaga ito.
Siraulo talaga! Ngitngit ng isip niya.
Mabilis niyang hinampas ang hita nito na nakaumang habang ito naman ay walang patid ang pagtawa.
Hindi pa siya nakakahuma ng dagli siya nitong hapitin at muling buhatin na akala mo ay wala lang rito ang bigat niya.
"Ano ba? Ibaba mo ako at kaya ko naman maglakad!"
Napalayo ang mukha niya ng pumaling ito para magtagpo ang mga mata nila. Kung hindi kasi niya gagawin iyon ay baka magkahalikan pa sila.
Sa isipin na iyon ay hindi napigilan na mag-init ng mga pisngi niya.
"Whoa, and why is my wife blushing? Are you mind-raping me already huh, little peach?"
"The f*ck! Bakit ko naman - - - - uhmmp!" Hindi niya natapos ang sasabihin ng bigla na lang siyang kabigin nito at siilin ng halik sa labi.
Nang tapusin nito ang halik ay napatulala siya. Gusto niyang tumakbo at magtago pero hindi niya basta-basta magagawa dahil pangko pa siya nito.
"The next time I hear you cuss, hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin, little peach. I'm warning you," malumanay pero nagbabanta ang boses nito. Napalunok siya dahil tila may kung anong emosyon na nakabalot sa paraan ng pagtitig nito na naghahatid ng tila boltaheng kuryente sa kaibuturan niya.
Nakita niya rin ang pagtaas-baba baba ng adam's apple nito at ang mabilis nitong paghinga.
Pakiramdam niya ay nalunok niya ang dila niya dahil hindi man lang niya nagawang magsalita. At ipinagpasalamat na rin niya na buhat siya ni Lindt dahil tila nawalan ng lakas ang mga tuhod niya.
Shemay! What the hell is happening to you, Katara!
Napasinghap siya ng sipain ni Lindt ang pinto ng kuwarto nito. Napalunok siya at nakaawang ang labi na bumaling ng tingin kay Lindt na may nagtatanong na mata.
"What? Mag-asawa na tayo malamang dapat matulog tayo sa isang kuwarto." Tila nabasa nito ang nasa isip niya.
"P-pero,"
Ngumiti ito at marahan siyang inilapag sa kama. Napaatras siya at halos mapahiga sa kama ng makita ang pagbaba ng mukha nito sa kaniya.
"Don't worry, little peach. I will never do anything against your will," anas nito sabay mabilis na dinampian siya ng halik sa noo at tumayo na. "Magpalit ka na para makapagpahinga ka na," wika nito at lumabas na ng kuwarto.
Gusto man niya itanong kung saan ito pupunta pero tila yata talaga nalunok na niya ang dila niya. Naiwan siya roon na nakatulala sa pinto na nilabasan ni Lindt.
What is this? You're confusing me. Mahinang bulong niya sa sarili.
Tinapik-tapik niya ang kaniyang magkabilang pisngi bago napagpasyahan na magshower na at matulog.
Naalimpungatan siya ng maramdaman ang paglundo ng kama sa tabi niya. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatulog, ang natatandaan niya lang ay paglapat ng likod niya ay agad lumipad ang diwa niya.
Mabigat pa ang mga mata niya at dilim ng kuwarto ang sumalubong sa kaniya. Nag-aagaw ang diwa niya marahil ay dala ng sobrang pagod.
Naramdaman niya na may humaplos sa buhok niya at may malambot na bagay na dumampi sa noo niya kasabay ng pagbulong. "Goodnight, baby."
Naramdaman niya ang pag-angat ng kumot mula sa beywang niya paakyat sa dibdib niya at ang pagpulupot ng kamay nito sa kaniya.
Muli siyang hinatak ng antok at tuluyang nakabalik ng tulog. Ngunit hindi pa nagtatagal ay nakarinig siya ng kung anong kaluskos.
Napamulat siya at nakakita ng bulto ng tao na nakatayo sa veranda at nakatingin sa kaniya habang kumikislap mula sa sinag ng buwan ang hawak nitong punyal.
Nakasuot ito ng hoodie. Pinasingkit niya ang mga mata para aninagin ito. Umangat ang mukha nito pero tanging ang labi lang nito ang nakita niya at kinilabutan siya ng ngumisi ito at humakbang palapit.