Nilingon niya si Lindt at kita niya ang pawis nitong butil-butil. Humakbang siya palapit dito dahil naawa siya sa itsura nito pero bigla itong umatras na tila napapaso.
"Okay ka lang ba, Lindt?" tanong niya dahil namumula na rin ang mukha at tainga nito.
Tumango ito sabay talikod sa kaniya at nagmamadali na pumasok ng mansiyon. Agad din naman siyang sumunod dito at naabutan ito na nakahawak sa seradura ng pinto ng guest room habang siya naman ay nasa tapat ng master's bedroom nila.
Kinunutan niya ito ng noo na tila nahinuha naman ng lalaki ang namuong katanungan sa isip niya. "I'll stay here for a while sa guest room, until mag-subside ang epekto ng ipinainom sa atin nila Lola," wika nito na tila hinahabol ang hinga na hindi niya mawari habang ang mga mata nito ay tila naglalakbay sa kabuuan niya na nagbibigay ng kakaibang init sa pakiramdam niya.
Na-conscious naman siya at sinipat ang sarili. Maging siya ay basa na rin ng pawis. Ang leeg niya ay halos mangintab na sa butil-butil na pawis na tumutulay pababa ng dibdib niya.
Napakurap siya ng marinig ang mahinang mura ni Lindt sabay na pumikit at tumingala bago muling bumaling sa kaniya. "Lock your door, Little peach. Okay?"
"Ha?" tanging maisagot niya. Makabilin naman kasi ito ng "lock your door" akala mo naman murderer siya na dapat taguan. Kaloka!
Lindt chuckled and opened the guest room's door. "Basta i-lock mo ang pinto," wika nito bago tuluyang pumasok na sa loob at narinig pa niya ang pag-lock nito ng pinto sa loob.
Bumuntong-hininga muna siya bago pumasok na rin sa loob ng kuwarto. Agad siyang dumiretso sa banyo dahil nanlalagkit na talaga siya at tila mainit ang pakiramdam niya. May hinahanap ang katawan niya na hindi niya mawari, kung kaya't agad siyang naligo at nagbabad.
Nang magsawa siyang magbabad sa banyo ay tsaka niya lang napagpasiyahan na lumabas na ang tanging suot lamang ay ang bathrobe. Naiirita siya dahil kahit kakaligo niya lang ay mainit pa rin ang pakiramdam niya.
Hays! Lolaaa! Ano ba itong ginawa ninyo sa amin? Naiinis na angil ng isip niya. Inihagis niya ang lotion sa kama sabay tayo at naglakad papunta sa dingding na nakapagitan sa kuwarto nila ni Lindt. Nakiramdam siya sa kabila nito, tila tahimik at ni walang kaluskos.
Humugot siya muli ng malalim na hinga bago naglakad at ibinagsak pahiga ang sarili sa kama. Pero muli ring bumangon ng makaramdam ng pagkauhaw.
Inayos muna niya ang roba, ayaw niya magsuot ng panloob dahil init na init ang pakiramdam niya. "Hindi naman siguro lalabas ang lalaking iyon, todo bilin pa nga na mag-lock," mahinang usal niya sa sarili.
Marahan niyang binuksan ang seradura, inilabas pa muna niya ang ulo at sumilip sa kabilang pinto na nakapinid naman. Para siyang magnanakaw sa madaling araw na sisipat-sipat muna sa paligid.
Nakatingkayad pa siyang naglakad at ingat na ingat makagawa ng ingay pababa ng hagdan.
Nang makapasok ng kusina ay hindi na siya nag-abala na buksan ang ilaw. Sapat na ang ilaw na nagmumula sa ref. Pagbukas niya nito ay agad na kinuha ang pitsel at doon na lumagok ng tubig. Tila siya ilang taon hindi nakainom sa tindi ng uhaw na nararamdaman niya. Napaungol siya ng matapunan ng tubig ang satin na roba niya sa may dibdib. "Uhmmm," nasambit niya habang pinupunasan ng kamay ang nabasang roba.
"F*ck!" agad siyang napabaling ng makarinig ng mura mula sa kung saan. Lumingon siya sa gawing kaliwa at napaawang ang labi ng matamaan ng ilaw ng ref ang bulto ng tao na nasa may lababo at nakasandal.
Napaatras siya dahil sa gulat at natalisod sa basahan na naapakan niya, napapikit na lang siya para abangan ang pagbagsak niya pero may maagap na matikas na bisig ang pumulupot sa beywang niya at humapit sa kaniya paitaas. Napasinghap pa siya ng maramdaman niya ang dibdib nito na lumapat sa dibdib niya, ang mga kamay niya ay napahawak sa magkabila nitong braso. "Little peach," anas nito sa paos na boses.
"Lindt!" bulalas niya ng makita ang mukha nito mula sa ilaw ng ref na hindi pa rin naisasara.
Napalunok siya ng makita ang kabubuan nito. Jusko! Wala itong suot na pang-itaas at tanging boxers lang ang suot. Ramdam na ramdam niya rin ang init ng singaw ng katawan nito na tumatagos sa suot niya roba. Tila ginigising ng init ng katawan nito ang bawat himaymay ng kalamnan niya.
Wala sa loob na naitulak niya ito na agad naman din bumitaw sa kaniya at tinitigan ang mukha niya.
"Sorry, nauhaw kasi ako kaya ako bumaba," wika niya para basagin ang kakaibang pakiramdam sa pagitan nila. Tumalikod siya rito at tumungo sa may ref at isinara iyon. Pumunta siya sa may cupboard para kumuha ng baso, ngunit napasinghap siya ng pagharap niya para sana umakyat na sa kuwarto ay nabungaran niya si Lindt na gahibla na lang ang layo sa kaniya.
Umatras siya pero naramdaman na niya ang lababo sa likod niya, indikasyon na wala na siyang aatrasan. "Lindt," sambit niya sa pangalan nito.
Pumikit ito at ngumiti bago muling dumilat at may kung anong sipa ng kaba at excitement siyang naramdaman ng magtamang muli ang mga mata nila. "I love how you call my name, baby."
Napalunok siya. Baby? Ako?
Umangat ang kamay nito at kinuha ang baso mula sa kamay niya at inilapag sa lababo sa likod niya na hindi napupuknat ang mata sa pagtitig sa kaniya.
"Lindt, aakyat na 'ko," pinipilit niyang tatagan ang boses para hindi nito mahalata ang nginig sa loob niya.
Parang nanlambot ang mga tuhod niya ng maramdaman ang palad nito sa beywang niya na humagod hanggang likod niya. Napalunok siya, nararamdaman niyang tumutusok ang armalite nito sa puson niya. Ang isang kamay nito ay umangat sa pisngi niya at ang hinlalaki nito ay pinaglalandas sa labi niya. "I'm sorry, baby peach," bulong nito. Ang mabangong hininga nito ay amoy na amoy niya, gayundin ang sabon na ginamit nito.
Bahagya siyang nalito sa sinambit nito kaya kumunot ang noo niya. "Sorry saan?"
"For this," wika nito bago walang babala siyang kinabig at siniil ng halik ang kaniyang labi.