"Naku, Hija. Masarap ang tsaa na ito. Hindi ka magsisisi," pangungumbinse ni Lola Mila sa kaniya.
Kimi siyang ngumiti. "Pasensiya na po mga Lola. Natatapangan po kasi ako sa pure tea," pilit niyang pagpapaliwanag sa mga ito. Ayaw niyang sumama ang loob ng mga ito sa pagtanggi niya. Pero ayaw talaga niya ng pure hot tea.
Narinig niya na tila nagbubulungan ang mga Lola pero hindi naman niya maulinigan ano ang eksaktong pinagtatalunan ng mga ito. Tila may sinasabi si Lola Mila sa Lola Ofelia niya. Ang lola Ofelia naman niya ay umiling at biglang inilagay ang daliri sa labi na wari ba ay pinapatahimik si Lola Mila sa pagsasalita nito.
Nagulat pa siya ng sabay-sabay ang mga ito na bumaling sa kaniya. Si Lindt naman ay nilingon niya sa tabi niya pero wala ito. Saan nagpunta iyon? Wala tuloy siyang kakampi.
"Pero Lola umiinom po ako ng milktea," bawi niya sa mga ito. Kita niya ang pagliwanag ng mukha ng mga ito.
"Oh great! Gusto ko rin ng Milktea with extra pearl 50% sugar!" bulalas ni Dona Mila habang nagniningning ang mga mata at pinagsalikop ang mga kamay.
Sumimangot naman si Lola Edel at Lola Ofelia. "Parang may milktea shop naman dito eh nasa rancho tayo? Pinaalis mo pa ang mga tauhan," may gigil sa boses ni Lola Ofelia.
"Pwede naman po tayo gumawa ng sarili nating milktea Lola. Gamitin po natin ang tsaa na dala po ninyo," suhestiyon niya.
Nagpalitan nanaman ng makahulugang tingin ang mga matanda. Nahihiwagaan talaga siya sa pag-uusap ng mga mata ng mga ito pero hindi naman niya ma-interpret ang ibig sabihin.
"Brilliant idea, Hija! O siya go back to the living room. Kami ng tatlo ang bahala sa milktea," sambit ni Lola Ofelia sabay tulak sa kaniya palabas ng kusina.
"I can help po, Lola," pilit siyang humaharap pero itinutulak siya nito palabas.
"Hayaan mo na kami magbonding sa paggawa ng milktea apo. Go and bond with your husband as well," isang malakas na tulak pa at hindi na siya nagpumilit.
Marahas siyang bumuntong-hininga bago nagmamaktol na naglakad papunta sa sofa. Naroon na si Lindt at kabababa lang ng telepono habang prenteng nakaupo sa sofa.
"Bakit ganiyan ang mukha mo, Little peach?" tanong ng lalaki ng mapansin siya na papalapit.
"Eh sila Lola kasi ayaw ako ka-bonding. Gusto sila lang ang gagawa ng milktea natin sa kusina," nanghahaba ang nguso na sumbong niya rito. Nakatayo siya sa harap nito habang nagsisintemyento. Ewan ba niya pero parang gusto niya magpa-baby rito.
Ngumiti ito, inabot ang kamay niya at marahan siyang hinatak para umupo sa tabi nito. Napasinghap pa siya ng yakapin siya nito at halikan sa noo. "It's okay, tayo na lang ang mag-bonding. Hmmm?"
Pakiramdam niya ay para siyang ice cream na natutunaw sa ikinikilos nito. Ganito ba talaga siya ka-sweet? Sh*t! Baka tuluyan na 'kong malunod at hindi makaahon.
Tumingala siya para makita ang mukha nito. "Ano naman ibobonding natin, aber?"
"Uhmm, gawa tayo baby, magandang bonding iyon. Gusto mo?" yumuko ito at halos magdikit na ang mukha nila sa sobrang lapit nito.
Agad siyang kumalas ng yakap dito at hinampas ng mahina ang bibig. "Puro ka kahalayan talaga, Lindt Del Fuego!"
Tumatawa naman itong hinuli ang kamay niya habang ang isang braso nito ay nanatiling nakapulupot sa kaniya.
Sa kabilang banda ay may kung anong kiliti naman ang hatid ng winika nito. Baby? Sabi ng iba masarap daw ang maging ina. Pero paano ba ang maging ina? Ni hindi nga niya naranasan paano ang maalagaan ng nanay niya. May biglang bundol ng pag-aalala at takot sa kaniya sa isipin na iyon. Ayaw niyang na maging kagaya niya ang magiging anak. Napailing siya ng wala sa loob.
"Hey! Earth to Kithione Katara! Hello?" pukaw ni Lindt na kumakaway pa sa harap ng mukha niya. Mukhang napalayo nanaman ang lipad ng isip niya. Bumuntong-hininga siya bago tipid na ngumiti.
"Sorry, may iniisip lang ako."
"Care to tell me what's bothering you, little peach?"
Umiling siya at ngumiti. Nahihiya siyang sabihin dito ang ikinatatakot niya. "Nothing important, Lindt. I'm okay."
Ilang minuto pa ito na nakatitig lang sa kaniya wari ba ay sinisigurado kung okay lang talaga siya bago ngumiti at ginulo ang buhok niya.
Sabay silang napalingon ng lumabas na mula sa kusina ang tatlong Lolas na may bitbit na tray.
Aba! Infairness mukhang masarap ang milktea na gawa ng mga ito. Walang pearls pero mukhang ang creamy kaya agad nagtubig ang bibig niya.
"Wow Lola, mukhang masarap iyan ah?" halos magkorteng puso na yata ang mga mata niya.
Tumaas ang gilid ng labi ni Lola Mila bago ibinaba nito sa harap niya ang limang baso ng malamig na milktea.
"Oo Hija, sa una lang hindi pero masasarapan ka naman kalaunan," makahulugang sagot nito.
"Ho?" Hindi kasi niya naintindihan ang winika nito. Akma na siyang kukuha ng baso mula sa tray ng pigilan siya ni Lola Edel.
"Ay Kit apo, heto ang sa iyo. Mas maraming gatas iyan, hindi kasi kami puwede sa maraming gatas. Alam mo na, mahina na ang tiyan namin," pigil nito sa kaniya. Kinuha nito ang dalawang baso at inilagay sa harap nilang dalawa ni Lindt.
"Thank you po, Lola," sambit niya bago agad na dinala sa labi niya ang baso at tinikman.
Si Lindt din ay gumaya sa kaniya at halos makalahati agad ang baso. "Ano uhaw lang, Lindt?" tudyo niya rito.
Totoong masarap ang milktea na iyon. Kakaiba sa mga natikman na niya. Mas malasa at tila may kakaibang flavor na hindi niya mawari kung ano. Basta masarap. Period!
Sa pagitan ng kuwentuhan nila ay hindi na namalayan na naubos na pala nila ang milktea. Ang mga Lolas naman ay panay ang hagikgikan kapag nagkakatinginan. Para silang mga lasing na kahit wala namang nakakatawa ay basta na lang magtatawanan.
Ilang sandali pa ay parang biglang uminit ang pakiramdam ng katawan niya pero hindi niya ininda.
"O siya mga apo, kami ay aalis na at malayo pa ang uuwian namin," si Lola Mila na tumayo na kasunod ang dalawang matanda.
Tumayo na rin sila ni Lindt. Napakunot ang noo niya ng makita itong tila pawis na pawis. Mainit ba talaga ang panahon ngayon? Nakapagtataka kasi December naman.
"Salamat po sa pagdalaw mga Lola. Mag-iingat ho kayo sa byahe pauwi." Inihatid nila ito hanggang sa makasakay ng kotse.
"Sige mga apo. Humayo kayo at magpakarami," wika ni Lola Mila na may pilyang ngiti sa labi at bumaling ito kay Lindt.
"Hoy Lindt, kailangan bullseye ha. Huwag papatay patay, galingan ng makarami!" itinaas pa nito ang kamao sa hangin. Nilingon naman niya si Lindt na hindi maipinta ang mukha at tila hindi mapakali.
"Lola ano ho ang meron sa pinainom ninyo? Nag-iba ho ang pakiramdam ko!" inis na tanong nito sa abuela.
Napakunot ang noo niya. Tila parehas sila ng nararamdaman. Maging siya ay mainit din ang pakiramdam at tila may hinahanap na kung ano.
Napatingin siya sa loob ng kotse kung nasaan nakaupo na ang tatlong matanda at kita niya ang nagsasayaw na mata ng mga ito. "Aphrodisiac." maikling sagot nito bago inutusan ang driver na pasibadin na ang kotse. Naiwan silang tigalgal ni Lindt.
"Damn it! Sinasabi ko na!" mahinang mura ni Lindt sabay suklay ng kamay sa buhok. Siya naman ay nanatili lang na nakatayo at pinoproseso ang sinabi ng matanda.
Aphrodisiac? Oh f*cking hell!