King Dylan Sa paglubog ng araw ay agad kong inihanda ang aking sarili. Palaisipan sa 'kin ang mga usapin kagabi. Habang tumatagal ay mas lalong bumibigat ang mga sitwasyon at humihirap ang mga solusiyon. Gayunpaman, bilang isang hari ay tungkulin ko na pangalagaan ang aking Kaharian sa kahit na anong delubyong parating. Sagana man sa kapayapaan o kahirapan, ang kapakanan ng aking nasasakupan ay walang pag-aalinlangan kong poprotektahan. Naglakad ako sandali at tumigil sa tapat ng mga kristal at binhi. Maayos ang mga ito habang kani-kaniyang lumiliwanag kaya naman kahit na sa malayo ay tanaw ang matitingkad na kislap. "Kamahalan, handa ka na ba sa gagawin natin?" lumingon ako at bumungad agad si Zurbana, sa itsura at pananamit ay mahahalatang isa siyang tunay na mandirigma. "Oo. Inaanta

