King Dylan Kasalukuyan kaming naglalakbay nina Zurbana at Giovanna. Tanging lampara ang nagbibigay liwanag sa aming dinaraanan. Minabuti naming huwag gumamit ng anumang kapangyarihan na nagbibigay liwanag dahil mas madali kaming mahahanap ng kalaban. Ang mga 'di pangkaraniwang Mashkao ay kahindik-hindik dahil kakaiba ang kakayahan nila. "Malayo-layo pa ang ating lalakbayin," sambit ni Giovanna. "Wala bang ibang paraan para marating agad natin ang Gumor?" pagbabakasakali ko. "Kamahalan, hindi tayo maaaring gumamit ng Kapangyarihan lalo ikaw dahil masyadong malawak ang pang-amoy at pakiramdam ng mga Mashkao," paliwanag ni Zurbana. "Nauunawaan ko." Nagpatuloy kami sa paglalakbay kahit pa ang paligid ay masyadong madilim. Hindi iyong sapat na rason para tumgil kami. Samara "Ano bang d

