UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 23 Daniel’s Point of View “Second favor is, please don’t contact me. I’ll block you in my f*******:. Don’t text or call me. And please, stay away from me. That mean’s no contact at all. Ayaw ko nang kausapin ka, ayaw ko sanang makita pa kita pero that’s impossible kasi magkaklase tayo but no contact is fine.” Napalunok ako. Mahirap ngunt hindi nga ba’t ako ang humamon sa kanya ng hiwalayan? “What’s the last favor?” “Don’t ever come back once I moved on. Kasi masasaktan ka lang kung babalikan mo pa ako at nakalimutan na kita. Wala pa akong ex na binabalikan. Wala rin akong ex na nagiging kaibigan. Kapag nakamove on na ako. Ayaw ko na kasi sinaktan mo ako at ayaw ko nang masaktan pang muli.” Tumango ako kasabay ng aking madamdamin kong pag

