UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 22 Daniel’s Point of View “Nakita mo ang pagkaka-iba ng nakikinig sa di nakikinig, Miss Cruz? Nababatid mo na ngayon ang agwat ng naghahabol sa hinahabol? Baka mapagod ka niyan. Makinig nang di aanga-anga. Yung tanga ka na sa pag-ibig, tanga ka pa sa klase, saan ka na lang magaling? Saka pwede, bigyan mo ng respeto ang sarili mo, okey?” Namula kami pareho lalo na nang kinakantyawan na kami ng aming mga kaklase. Iyon ang ayaw ko. Alam ko namang batid na halos lahat ng teachers namin kung ano ang namumuo sa aming dalawa. Hindi sila tanga sampu ng aming mga kaklase kung ano talaga ang namamagitan sa amin ni Janine. Mahal ko siya, mahal na mahal ngunit yung mga ganitong mga sandali na pinagtatawanan kami, nakararamdam ako ng panliliit sa aking

