Veronica
AYAW kong makipag-usap sa kaniya. Iyan ang sigaw ng isip ko, pero hindi ko nagawang tanggihan nang hawakan niya ako sa braso at pinapasok sa loob ng sasakyan. Para bang bigla akong nawalan ng lakas makipagtalo rito.
Wala kaming imikan sa biyahe. Siya lang din ang nagmamaneho. Halatang-halata pa na bagong-bago ang sasakyan. May ibang parte pa ng sasakyan na nababalutan ng plastik.
Pagkababa ni Kimmy ay hindi muna nito pinaandar ang sasakyan. Sarado ang mga bintana kaya hindi rin kami masilip ng mga kapitbahay kong curious kung kaninong kotse itong napadpad dito.
“Kauuwi ko lang last week. Kabibili ko lang nitong sasakyan at ngayon ko pa lang nagamit kaya pagpasensiyahan mo na kung may mga plastik pa akong hindi natatanggal. I was just too excited to come here,” aniya nang mapansin na nakatingin ako sa mga plastik na balot.
Tumango lang ako at tumingin sa bahay namin habang nakahinto ang sasakyan.
Mabuti pa nga itong sasakyan, napagkakagastusan niya. Unfair naman sa amin.
“How old are you now, Veronica?”
“Eighteen,” tipid kong turan nang hindi lumilingon.
Natahimik naman ito at nang sulyapan ko ay nakatitig na rin pala ito sa bahay na iniwan niya na noon. Walang tao sa bahay dahil naka-lock iyon. Hindi niya pa rin pinapaandar ang sasakyan.
“Saan ba tayo mag-uusap?” putol ko sa pag-iisip nito tungkol sa bahay namin.
Umayos na rin ako ng upo na ikinatikhim naman nito.
“Sorry, may naalala lang ako.” Tila ito nahiya at nagmaneho na.
Sa parke nito inihinto ang sasakyan. Binuksan nito ang bintana sa tabi niya bago huminga nang malalim.
“I’m sorry for taking your time, Veronica. I just want to talk to you.”
“Tungkol saan ba?”
“D-Do you know me?” imbis ay bato nito ng tanong sa akin.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago sumagot. Here we go again.
“Yeah, ikaw lang naman ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito, ’di ba?” walang gana kong sagot na siyang ikinatungo nito.
“I’m . . . sorry. I’m so sorry for being a coward, darling,” naluluha nitong sambit at tinangkang hawakan ang kamay ko ngunit daglian kong tinapik ang kaniya.
Pumait na ang lalamunan ko at awtomatikong kinain ng sakit at galit.
Pagak akong natawa. “Sorry? Para saan? Para sa pagwasak mo sa puso ni Papa? Para sa pang-iiwan mo sa amin? Sa mga panlalait at pangmamaliit na natatanggap ko sa mga tao dahil sa iyo?” Tumigil ako nang tingnan ko ito nang matalim sa mga mata. Alam kong napapansin na nito ang pagkamuhi sa mga mata ko sa mga oras na iyon, pero wala akong pake. Galit ako. Galit na galit ako sa kaniya! “Sorry para sa lahat ng hirap na pinagdaanan namin mula noong umalis ka? Sorry, kasi habang ’yong asawa mo’t mga anak ay naghihirap, ikaw naman, spoiled na spoiled sa lahat doon sa ibang bansa!”
Hindi ito nakaimik at tahimik lang na napaluha. She looks defenseless. Mukhang kaawa-awa. Nagmukhang siya pa ang biktima.
“Tinitiis ko lahat ng panghahamak ng mga tao sa akin—sa pamilya namin. Iyong issue mo, ikinakabit nila sa akin. Kesyo nagmana kuno ako sa iyo. Si Papa, bihira lang magsabi sa akin ng nararamdaman niya pero alam kong hanggang ngayon, nalulunod pa rin siya sa sakit na idinulot mo. Napariwara na siya, kasi ’yong taong dapat na nakakasama niya ngayon sa hirap at ginhawa, nagpapakasaya sa buhay mag-isa. Tapos may gana ka pang magtanong kung kumusta na ang tatay ko kagabi?”
“I’m really sorry, Veronica.”
Ah, puro lang sorry. Wala na ba akong ibang maririnig mula sa bibig niya? Nairita tuloy ako lalo.
“Worth it ba ’yong pagtira mo sa ibang bansa kaysa makasama ang pamilya mong lugmok sa hirap?” Ang pait sa lalamunan niyon, actually.
Kung may choice lang ako kung gusto ko bang mabuhay sa mundo, mas pipiliin kong hindi na lang isilang. Napakakomplikado ng buhay. Minsan, napapaisip na lang ako kung paano ba maging tikbalang na lang. Para mananakot lang ako at ililigaw ang mga taong tipo kong paglaruan.
“B-Back then, I really had no choice but to l-leave you all in your f-father’s care. What I did was painful for me too, darling. I-I am so sorry.” Basag na ang tinig nito.
Pagak tuloy akong natawa. Iniling-iling ko ang ulo at mariing tinuyo ang luhang muntik nang tumulo.
“Masakit din para sa iyo ang ginawa mo sa amin? Pero bakit mo kami natitiis nang ganito?!” Tumaas na ang boses ko sa sobrang bigat ng damdamin ko. Hindi makapaniwalang natawa ako sa sarili. “Fine! I may not like you as my mother, pero sana kahit para na lang kay Papa. Sino bang anak ang matutuwa kapag nakikita mong napapariwara ang sarili mong ama dahil sa babae? Kung puwede nga lang na palitan ka sa buhay niya, ginawa ko na dahil sakit lang naman ang dulot mo sa buhay niya, e!”
Tila ito naputulan ng dila dahil sa sinabi ko. Umiwas ito ng tingin at lalong naging masagana ang mga luha.
Ano? Iiyakan niya lang ako nang iiyakan?
Napatakip na ito ng mukha nang tila hindi kayanin ang mga emosiyon. Bakas na bakas dito ang matinding lungkot at guilt kaya natawa ako nang pagak.
“I-I can’t. Hangga’t nariyan si M-Mamá, hindi a-ako makababalik. S-Sorry, darling.”
Doon na ako napatiim-bagang. Para akong sinakal ng kung ano at hindi makahinga. “Then, wala na rin akong rason para makita at kausapin ka pa.” Ngumisi ako nang walang buhay habang nakatingin dito na tila tinakasan ng kaluluwa. “Your apologies are useless kung wala kang ginagawang effort para mapalitan mo ang mga pagkukulang mo,” mapait kong saad at akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan nang pigilan niya ako sa braso. Awtomatikong iwinaksi ko iyon at napasandal na lang sa kinauupuan.
Parang nag-alangan pa ito sa dapat na sasabihin. Pero sa huli ay naglakas-loob pa rin itong magtanong.
“I-Is . . . he still mad at me?”
Laglag ang panga ko sa naging tanong nito. Mabilis naman akong nakabawi at natawa na lang nang namamangha.
“What do you think?” sarkastikong tanong ko pabalik na ikinalunok nito.
Guess what? I wasn’t raised to be a good lady. Hindi rin ako ipinanganak na tulad nila na may class ang bawat kilos at pananalita. I was far from it.
Bawat galaw at pananalita ko, lahat iyon nagsusumigaw kung anong klaseng buhay ang kinalakihan ko kasama ang mga kalalakihan.
Kaya kung ano man ang tingin niya sa akin ngayon, wala na akong pakialam.
“S-Sorry,” hikbing ulit nito kaya narindi na ako lalo. “But I’m hoping to see you again, Veronica.”
Nilingon ko ito bago tuluyang bumaba. This time ay hindi na ako nito pinigilan pa.
“Wala nang kasunod ito at ayoko na ring makita muli ang mukha mo,” mapait kong turan bago tuluyang makalayo roon.
Walang tigil ang pagluha ko habang nakatungo at naglalakad pauwi.
Hoping to see me again, huh? Kailan? Sa susunod na dekada?
Pagak akong natawa kahit pa nanlalabo na ang mga mata sa luha.
Alam ko naman na babalik na ulit siya sa Netherlands sa susunod na linggo. Narinig ko sa usapan ng mga kamag-anak namin kahapon kaya lalong pumapait ang damdamin ko sa kaniya.
Napalunok ako nang wala sa oras. Naaawa na ako kay Papa. Gusto lang naman niya ng pagmamahal at magkaroon ng masayang pamilya. Iyong buo. Hindi nga lang pumabor sa kaniya ang tadhana.
Never naman siyang nambabae, e. Kasi kahit galit siya sa nanay ko, umaasa pa rin siya at naghihintay na tuluyan na kami nitong balikan at samahan sa hirap at ginhawa. Iyong kami naman ang piliin.
Pero tingin ko, imposible na iyon. Nang pagmasdan ko nga ang nanay ko kanina, napagtanto kong wala siyang balak na bumalik sa amin.
Napaupo ako sa bench na nakita ko at napatungo. Wala pa ring tigil ang pagluha ko kaya makailang ulit kong pinukpok ang dibdib na kanina pa namimigat. Halos hindi na rin ako makahinga na sinabayan pa ng panlalabo ng mga mata ko.
Sa nanginginig kong mga kamay ay nagawa ko pang i-text si Kimmy gamit ang patapon ko nang cellphone. Sinabi ko rito ang mga nangyari sa pagitan namin ng nanay ko kaya nag-alala ito.
Nasaan ka ngayon, girl?
Luminga-linga ako at napabuntong hininga bago magtipa ng sagot.
Hindi ka pa ba uuwi? Baka mapano ka riyan.
Muli akong nagtipa.
Hindi, okay lang ako rito. Mamaya pa kasi ako uuwi para makapagpakalma ng damdamin.
Wait, diyan ka lang, ha.
Nagtaka naman sa ako reply nito. Naisip ko tuloy na baka pupuntahan niya ako rito kaya pinapapirme ako.
Sa wakas ay tumigil na rin ako sa pag-iyak, pero mugto pa rin ang mga mata.
Tahimik akong naghintay roon habang pinagmamasdan ang mga nagsasayawang puno. Matindi ang sikat ng araw sa hapong iyon pero malamig naman sa puwesto ko dahil napapaligiran ako ng mga puno.
Nakakabingi ang katahimikan pero iyon ang hinahanap ko sa mga oras na iyon. Nakakakalma ng damdamin ang tunog ng ihip ng hangin.
Pero nagkanda buhol ata ang mga ugat ko sa ulo at nagsiputukan nang imbes na si Kimmy ang inaasahan kong tumatakbong palapit sa akin ay hindi pala.
Bagsak ang panga ko habang nakatitig dito na hinihingal at bilad sa araw. Walang payong, walang bag, wala lahat maliban sa sarili niya.
“G-Gabriel,” gulantang kong bulalas at napatayo.
Nang tumapat ito sa akin ay ganoon na lang ang hingal nito at pawis. Daglian ako nitong niyakap at mariing hinalikan sa ulo na ikinalito ko.
“Are you okay now? Your friend told me you were cryi—”
Tumigil ito sa pagsasalita at napatitig sa mga mata ko at mukhang nasagot din agad ang tanong niya.
“A-Ano’ng ginagawa mo rito?” wala sa sariling sambit ko.
Huminga ito nang malalim bago ako hilahin paupo. Ibinigay ko naman agad ang panyo ko na ipinagpasalamat nito’t ipinampunas sa pawis.
“Kimberly messaged Lucio about what happened to you. Umiiyak ka raw at walang kasama rito, kaya pinuntahan agad kita.”
Ano? Nag-message si Kimmy kay Lucio?! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon!
Kung nasa harapan ko lang ang babaeng iyon ngayon, mahihila ko talaga ang buhok niyon!
“Pero may klase ka pa, ’di ba?” alalang tanong ko.
Ngumiti ito nang malambing at dinala ang ulo ko sa dibdib nitong patuloy sa pagkabog ng malakas. “It’s fine.”
Nagngitngit naman ako lalo dahil doon. Anong It’s fine?! Ano ang fine roon?!
Sapilitan kong inilayo ang ulo ko at sinamaan ito ng tingin. “Abnoy ka talaga! Bumalik ka nga roon!” pagtataboy ko dahil ako ang kinakabahan sa ginagawa nitong pagliban sa klase.
Haler! Paano kapag bumagsak siya at malaman ng parents niya na ako ang dahilan? Edi lalo akong mapapasama!
“Don’t mind me, Veronica. I can handle my studies, and love you at the same time.”
Pinag-initan agad ako ng mukha sa sinabi nito. Pero pinanatili ko ang inis sa mukha ko at inirapan ito.
“Nagiging bad talaga ang resulta ng pakikisama mo sa akin,” bulalas ko at isinandal ang sarili sa kinauupuan.
Magaan na ang pakiramdam ko, hindi na katulad kanina. Mabuti na lang din at dumating si Gabriel, kaso iniwan naman ang klase para sa akin!
Feeling ko, ang sama-sama na talaga ng dulot ko sa kaniya.
“Siraulo,” singhal ko bago ako nito hinila patayo. “Where are we going?” pag-iingles ko sa lalaking dagliang napangiti nang malapad.
“It suits you.”
Pinigil ko ang pagngiti bago sumampa sa likod nito. Tatawa-tawa naman ito at inayos ang pagkakasampa ko sa likod niya bago maglakad.
“Nasaan pala ang mga gamit mo?” kuryosong tanong ko nang maalala iyon.
Bahagya ako nitong nilingon habang tinatahak namin ang malilim na bahagi ng kalsada.
“Pinaiwan ko kay Lucio. Siya na ang bahalang maghatid sa bahay namin. Malapit lang naman ang bahay nila sa amin,” kalmanteng aniya na para bang hindi magtataka ang pamilya niya oras na malamang pinaiwan niya pa sa pinsan ang mga gamit.
Hindi ko rin maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking ito. Para bang wala lang sa kaniya kung mapagalitan siya ng pamilya niya dahil sa mga bagay na ginagawa niya para sa akin. Nakakabaliw isipin.
Napahinga na lang tuloy ako nang malalim bago ipatong ang baba sa balikat nito. Sinilip ko ang mukha nito bago mapangiti.
“Saan ba tayo pupunta?”
Inginuso nito ang unahan kaya lalong lumapad ang ngiti ko.
“We will eat there.”
Naks! Libre ulit!
Pagdating namin sa tapat ng bilihan ng mga tusok-tusok ay pinakuha na ako nito ng nais kong kainin. Dinamihan ko na dahil halatang sasalo ito sa akin. Kwek-kwek ang pinili ko, kikiam at fishball na may sawsawang matamis.
Matapos nitong magbayad ay naghanap kami ng hindi mataong puwesto at doon kumain.
Wala na ang malungkot na pakiramdam ko dahil napalitan na iyon ng saya kasama ang lalaki. Palagi niya na lang akong pinapangiti at pinapatawa.
Iyong pagiging inosente at mahinhin niya na hinaluan ng medyo maharot na bibig ang siyang nagpapa-amuse sa akin. Hindi rin siya malapit sa ibang babae. Ni hindi ko nga nakita ang lalaki na nakikisalamuha sa ibang babae. Para bang ako lang ba ang nakikita niyang babae sa mundong ito. Shems. Ang cute-cute talaga ni Gabriel sa paningin ko.
Pero ang masayang araw na iyon ay nagtapos nang mag-alas nueve na ng gabi. Tumawag na ang parents niya at pinapauwi na siya.
Nahalata ko pang malamig at madiin ang boses ng mama niya sa kabilang linya kanina na para bang nagpipigil ng galit.
Huminga na lang ako nang malalim pagtapat namin sa bahay. Hinarap ko ang lalaki at nginitian.
“Salamat sa araw na ito, Gab. Pinasaya mo ako,” sinsero kong turan na siyang ikinangiti nito at napayuko pa habang napapahaplos sa batok.
“I hope I can always make you happy,” nahihiyang aniya at kinuha ang kamay ko upang patakan iyon ng halik. Matapos ay marahan niya iyong dinama at hinaplos-haplos na ikinagapang ng kakaibang kiliti sa sistema ko. “Pasok ka na, uuwi na ako.”
Tumango naman ako at ngumiting muli. “Sige, ingat ka, a.”
Isang tango ang itinugon nito bago ako hinintay na makapasok. Pero pagpihit ko patalikod dito ay may napagtanto ako kaya napaharap akong muli.
“Lakad ka na. Titingnan kita hanggang sa kanto para masiguro kong walang haharang sa iyo na mga kupal diyan,” natatawang sabi ko.
Ayaw pa sana nito pero pinilit ko ito kaya wala ring nagawa. Nang masiguro kong nakaabot na ito sa kanto ay saka lang ako muling pumihit papasok.
Akmang bubuksan ko ang pinto nang bigla na lang iyong bumukas at iniluwa ang isang taong never kong inaasahan na manggagaling mula sa loob.
Nagkatitigan kami ng babaeng bakas ang takot at taranta sa mukha. Punong-puno pa ng luha ang mukha nito. Tila balak pa ako nitong kausapin pero pinangunahan na ng taranta kaya napatakbo na palabas.
Sinundan ko ito ng tingin na nakasuot ng damit niya na suot niya rin kanina nang magkita kami. Sa ’di kalayuan ay naroon ang kotse niya na daglian niya ring pinaharurot paalis.
Habang takang-taka ako ay nakuha ko pa ring pumasok sa loob para alamin kung ano ang nangyari. At ganoon na lang ang gulat at pagragasa ng takot at taranta sa sistema ko nang matagpuan ko si Tatay na nakaupo at nakayuko sa upuan. Umiiyak ito!
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang nagkalat na mga damit panloob na pambabae. Magulo ang mga kagamitan sa bahay. May ilan pang nagbagsakan na gamit.
What the heck?! Ano ang nangyari rito?!
Saka ko lang napagtanto ang kaganapan nang rumehistrong muli sa isipan ko ang hitsura ng nanay ko kanina. Ang nagkalat nitong lipstick sa palibot ng mga labi, ang gulo-gulo nitong buhok at gusot-gusot na damit. Ang ilang pasa sa itaas ng dibdib at pulso at ang takot na takot nitong mukha.
Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting matigilan at panlamigan ng katawan.
“’T-Tay,” nanghihinang tawag ko sa aking ama na narinig kong napahikbi.
Sapo-sapo na nito ang mukha at tila bumigay na ang mga emosyong kay tagal niyang itinatago. Ngayon ko lang ito nakitang umiyak nang ganito sa tanang buhay ko.
It was a silent cry, pero ramdam na ramdam ko kung gaano iyon kabigat para sa kaniya.
Tila nadudurog din nang kusa ang puso ko kaya umiwas ako ng tingin nang mapaluha na.
“M-Minahal ko ang nanay ninyo. Mahal na m-mahal ko siya. Pero nagawa niya pa rin tayong iwanan dito sa muling pagkakataon. Sumunod na naman siya sa takot niya sa magulang niya,” umiiyak na anang aking ama na ikinahina ng mga tuhod ko. “Napakaduwag niya pa ring babae,” dagdag pa nito.
Tila ba ako nauupos na kandila nang mapaupo sa kawayang upuan at natulala na lang sa harapan.
Tumayo ang aking ama at bago pa man makarating sa kusina ay huminto na ito sa paglalakad. Pinanatili nito ang pagkakatalikod sa akin.
“Wala akong ginawang kasalanan kung iyan ang kanina pa tumatakbo sa isip mo, anak. Kung ano man ang nasaksihan mo kanina, sarilihin mo na lang iyon . . .”
Nang makapasok ito sa kusina ay nabigla ako nang bigla na lang bumukas nang marahas ang pinto na pinasukan ko. Isang nakabibinging matinis na tunog ang umalingawngaw sa tainga ko na ikinanigas ko sa kinauupuan.
Tatlong lalaki. Tatlong lalaki na may malalaking baril na nakatutok sa akin.
Nanatili lang akong nakikipagtitigan sa mga ito bago unti-unting bumangon ang galit sa puso.
Hindi sila mga pulis o sundalo, kundi pribadong pagmamay-ari ng bigating tao. Kung sino man iyon, hindi ko alam.
“Nasaan ang tatay mo?!” bulyaw sa akin ng medyo may edad na lalaki na nakalapit sa mukha ko ang dulo ng baril. May balot na itim na tela ang mga mukha nila at tanging mata at ilong lang ang nakalitaw.
Hindi basta-basta ang mga katawan nila at kilos. Napatayo ako at tinabig ang nakatutok sa akin na baril.
“Huwag na huwag mo akong masigaw-sigawan, gago!” nanggagalaiti kong sigaw at humarang sa daan papunta sa kusina.
Balak nilang patayin si Papa? Natawa ako nang pagak. Hindi ako papayag na hindi muna nila nabubutasan ang katawan ko bago sila makarating kay Papa.
“Eto ba ’yong apo ni Madam?” dinig kong bulong ng kaharap ko sa isang kasamahan niya.
“Oo, huwag n’yo lang galawin. Tatay niya lang ang target natin.”
Natigilan ako sa narinig. Kung ganoon, lola ko pala ang nagsugo sa mga ito. Belindah ang naalala kong pangalan ng matandang iyon.
Huh. Pathetic Alonzo.
“Umalis na kayo rito!” nagpipigil kong sigaw sa mga ito na tiningnan lang ako na tila minamaliit.
“Miss, umalis ka na riya—”
“Make me.” Pinalagutok ko ang mga daliri.
“Walang dugo na dadanak dito kung hahayaan mo kaming kuhanin ang tatay mo nang mapayapa k—”
“There’s no such thing as peace, when your loved ones is in danger,” mariin kong putol at ngumisi nang mapansin ang senyales mula sa labas ng bintana. Sunod kong tinitigan ang body camera ng mga ito na nakatutok sa akin. Huh. “So, taste my wrath, bastards.”
Isang segundo. Isang segundo matapos magsibagsakan ang dingding namin ay nasipa ko na ang p*********i ng kaharap ko at inagaw rito ang hawak na baril. Nawala kasi sa akin ang atensiyon nila dahil sa malakas na kalabog. Kasunod niyon ay ang pag-alingawngaw ng mga putukan mula sa kanila, sa Tropang Adonis, at sa akin.
Unfortunately para sa kanilang tatlo, masiyadong nagpakampante ang amo nila para magpadala lang ng tatlong tauhan.
Wala pang minuto nang matumba ang tatlo kaya sinilip ko si Papa sa loob ng kusina na tulala pa rin at nakasandal lang sa gilid.
Walang ampat ang mga luha nito na tila ba hindi iniintindi ang mga nangyari ngayon.
Wala nang buhay ang mga mata nito, na tila ba ipinahihiwatig na tuluyan na itong nagpakain sa lungkot. Na para bang wala nang pag-asa ang buhay niya.
“s**t! Ano ba ang nangyari?!”
Isang humahangos na si Kuya Damian ang tumabi sa akin. Tulad ko ay natigilan din ito sa nakitang lagay ni Papa.
Ni hindi ko napansin agad ang panginginig ng mga kamay ko.
Isang singhap ang kumawala sa akin nang sunod-sunod na magsibagsakan ang mga luha ko.
Malakas ako sa ibang bagay. Malakas ang loob kong makipag-away at magpaiyak ng tao. Pero nang makita ko ang mga mata ni Papa na wala nang buhay at paulit-ulit iyong tumatak sa isipan ko, para akong biglang nauupos na kandila.
Nawalan ako ng lakas na naging dahilan ng pagbagsak ko sa kahoy na sahig.
“s**t! Galing dito ang mama mo, Damian!”
Ang tinig ni Tito Steve ang narinig ko habang patuloy akong nakatingin sa kawalan.
Para akong tinakasan ng kaluluwa.
“Nalaman siguro agad ng nanay niya ang ginawa mo sa babaeng iyon, Dante. Kung bakit mo ba naman kasi ginalaw! Nanggalaiti tuloy ang matanda!”
Napangiti ako nang walang buhay.
Gamit ang natitirang lakas ay tumayo ako at pinuntahan ang bangkay ng tatlong lalaki.
Ilang saglit ko pa iyong pinasadahan ng tingin bago lumuhod at kapain ang body cam ng isa sa kanila.
Nang makita ko iyon ay walang emosiyon ko iyong itinutok sa sarili at galit na ngumisi.
“May this serve as a warning to all of you, especially you, Belindah Alonzo,” mariin kong turan na may pagbabanta sa tono. “Huwag na huwag mong sasaktan ang tatay ko kung ayaw mong makita ang apo mong handang pumatay sa iyo. Tandaan mo ’yan . . .”