Kabanata 14

3733 Words
Veronica Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makalayo roon. Pero naloka ako nang pagbalik ko ay wala na ang mga kapatid ko. Nakailang ikot na ako para hanapin sila, pero ni anino nila ay hindi ko mahagilap. Nag-umpisa na tuloy akong kabahan. Loko ’yong mga iyon, a! Bumalik na lang ako sa table namin at saka napanguso. “Nauna nang umuwi ang mga kapatid mo. May emergency raw,” anang Thylane nang mapansin ako. Napahinga tuloy ako nang malalim. Pero nang mag-angat ako ng tingin ay dumako iyon kay Gabriel na nahuli kong pasimple akong kinakawayan. Nasa madilim na parte ito at tila may isinesenyas sa akin kaya natigilan ako. Agad akong napatayo kaya napatingin sa akin ang mga kasama ko sa table. Nagpaalam ako sa mga ito bago tunguhin si Gabriel na napangiti nang lapitan ko. “Let’s go. May pupuntahan tayo.” “Huh? Saan naman?” Nabigla ako sa pagmamadali nito. “Somewhere far away from my family,” ngising tugon niya na ikinatanga ko. Bago pa man ako makaangal ay nahila na ako nito palabas. ’Di kalayuan ay ang pamilyar na sasakyan nito na nakaparada. Isinakay niya ako roon na lihim kong ikinangiti. “Don’t worry, ibabalik din kita mamayang alas diez sa bahay ninyo. I just want to be with you tonight,” aniya na siyang nagpalabas ng kaluluwa ko sa katawan. Hihimatayin ata ako sa tuwa dahil ayoko nang magtagal pa rito. Wala rin naman ang mga kapatid ko. Naging tahimik ang biyahe namin. Nanatili ang mga mata ko sa labas habang inaalala ang mga naging tagpo kanina. Na-realize ko rin na ang dami ko palang sakit sa ulo ngayon. Pamilya ni Gabriel, mga kapit-bahay at ang nanay ko. Now what? “Looks like we really need this,” imik nito nang lingunin ako. “Ha?” Ngumiti ito. “You seem stressed. Parehas lang tayo kaya, I think we deserve to have this time to unwind somewhere far away from our family.” Napaayos tuloy ako ng upo at malokong ngumiti rito. “May problema ka sa pamilya mo?” Walang pag-aalinlangan itong tumango bago ibaling ang atensiyon sa kalsada. “Yeah. They are controlling, you know.” Huninga ito nang malalim at bahagyang napailing. “I can’t even decide for myself. Gusto nilang mag-decide ng lahat para sa akin, sa kinabukasan ko—lalo na ang mapapangasawa ko. They think I am their perfect son, a perfect son they can brag about to the whole world. Dapat planado ang lahat, kung saan ako mag-aaral, kung saan ako magtatrabaho at kung sino ang dapat na ipares sa akin.” “Lalim, a,” biro ko sabay tawa. Napangiti naman ito lalo. “I don’t want to pursue my plan to work abroad. This time, gusto ko namang gawin ang mga bagay na gusto ko at magpapasaya sa akin.” “Why? Bakit? What? Ano? When? Kailan? Where? Saan?” Napailing ito sa kapilyahan ko. “It does not excite me anymore. I only consider it before because of them. Iyon ang gusto nila, for me to be a licensed veterinarian and to work abroad, and to find a professional woman. ” Professional . . . Bakit ako biglang nasaktan doon? Bakit? Dahil ba alam kong malabo akong pumasa sa standard ng pamilya ni Gabriel? E, kasi hindi naman ako magiging professional. Professional scammer, siguro puwede pa. Pero ’yong tipong maraming hahanga sa akin na mga tao dahil may matino at maganda akong career, halatang malabo pa sa sabaw ng pusit. Nang titigan ko ang lalaki ay malamlam ang mga mata nito habang tulala sa kalsada. Kahit ako man, kung sakaling nasa kalagayan niya ako ay talagang maiisipan kong sumuway sa gusto nila kahit minsan. Kung tutuusin, mas mainam pa ang kalagayan ko ngayon dahil walang dumidikta at namimilit sa mga bagay na dapat kong gawin. May kalayaan akong pumili ng gusto ko. Pero siya? Para lang siyang aso na kinadena ng amo. Kapalit ng kalayaan niya ay ang masaganang buhay. Habang iniisip ko ang ganoon, bumibigat na agad ang dibdib ko. If I were to choose, mas pipiliin ko pa rin ang buhay kong ganito kaysa maging tulad niya—na may pamilyang nandidikta. “Sometimes it’s draining me. I feel like a robot, Veronica. Hindi ko alam kung paano kakawala sa ganoon. Not until someone made me realize something. She made me happy and alive, and of course, for a short time, I experienced my freedom. At ayokong ipagpalit ang taong iyon para sa ibang bagay na alam kong hindi ko na ikasasaya.” “Eh? Sino iyon?” tanong ko na dapat ay sa isip ko lang. Ewan ko at kinabahan ako bigla nang gumuhit ang kakaibang ngiti sa mga labi nito. Mali ata na tinanong ko pa iyon dahil nang sumagot ito ay halos panawan ako ng ulirat. “I want to be by your side,” halos pabulong nitong turan na tila ikinahinto ng mundo ko. Sapat na iyon para manahimik ako sa sobrang kilig. Mangingisay na sana ako kung hindi ko lang naisip kung ano ba ang dahilan at nagkakaganito ito sa akin. Papaano kaya nagkagusto ang isang matino at mayamang lalaki sa isang tulad ko? Talaga bang totoo ang love moves in a mysterious way? O baka may saltik lang kami pareho sa utak kaya nagkakasundo? Hanggang ngayon, hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyon. Pero sana, sana hindi magbago ang pagtingin nito sa akin. Gustong-gusto ko ang atensiyon na ibinibigay nito sa akin, kahit pa kinakain din ako ng konsensiya dahil sa pagkagusto nito sa akin. Alam ko namang gulo lang ang dala ko sa buhay niya. Napahinga ako nang malalim at ngumiti na lang dito. Pagdating namin sa lugar na sinasabi nito ay napangiti ako. Isang malawak na damuhan ang naroon. May ilog rin at may iilang puno na naglalakihan. Preskong-presko at tila kay sarap tumambay rito dahil nakakagaan agad ng pakiramdam ang tanawin. Tamang-tama para gumaan ang namimigat kong pakiramdam. “Ang ganda rito, ano?” Isinara nito ang pinto na nilabasan ko bago ako harapin at ngitian. “Hmm,” aniya bago ako hilahin papunta sa damuhan. Kung ibang lalaki siguro ang kasama ko, mag-iisip na ako ng kung ano ngayon. Baka nga unahan ko na ito ng sapak sa mukha bago pa man ako mahila sa damuhan, pero iba ang lalaking kasama ko. Alam kong hindi niya ako pupuwersahin sa bagay na hindi ko gusto—well, maliban na lang siguro sa nararamdaman niya sa akin. Iyon ang kaya niyang ipilit sa akin. Napahagikgik tuloy ako nang mapatingin sa mukha nitong maaliwalas kahit gabi. Mukhang masaya ito at naginhawaan na. Siguro, kung nasa katayuan niya ako at araw-araw kong nakakasama ang pamilya niya na paladesisyon sa buhay ay mai-stress din ako. Malamang, nakakaubos iyon ng lakas. Naupo kami sa tabi ng puno kaya madilim sa parte namin. Pero mas okay na rin iyon. “Malapit ka nang maka-graduate, ano? Ako, umpisa pa lang sa college life,” ngusong saad ko. Inunat ko ang mga binti at ngumiti nang tipid dito. “No worries. I’ll wait until you finish school.” Huh? Hilaw akong natawa sa sinabi nito. Hindi naman iyon ang inaasahan kong sagot, pero keri lang. “Kaya mo ba ’yon? E, four years pa ang hihintayin mo. Baka makakita ka na niyon ng mas better na babae kaysa sa akin.” Pilit kong hinahanap ang reaksiyon sa mukha nito pero isang simpleng ngiti ang isinagot nito sa akin. “You are the only girl I want to be with forever. Apat na taon lang naman iyon. It will be worth it when the time comes when you spend the rest of your life with me. Kaya okay lang sa akin, I’ll wait for you. Just don’t fall for other guys.” Seryoso ang boses nito at kalmado. Sapat na iyon para umapaw sa saya ang puso ko. Pero lahat siguro ng sayang nararamdaman ay may kapalit na negatibo, dahil naririto na naman ang konsensiya sa puso ko. At unti-unti akong dinudurog ng konsensiyang iyon. Isang munting ngiti ang pinakawalan ko. Ngiting malungkot na alam kong napansin nito agad. “Pero hindi naman ako gusto ng pamilya mo, ’di ba? Kagagalitan ka nila kapag sa akin mo ibinigay ang atensiyon m—” “Don’t mind them, Veronica. I’ll take care of them. Huwag ka lang makikinig sa mga sinasabi nila.” Bahagyang tumigas ang boses nito na ikinatuptop ng bibig ko. Tango lang ang isinagot ko rito at muling ngumiti na ikinangiti rin nito. Kahit mali, kahit alam kong marami ang tutol. Kahit sa ngayon lang, hahayaan ko ang puso na magpadala sa bugso niyon. Napagpasiyahan kong humiga sa hita nito at tinanaw ang mga bituwin sa kalangitan. Lalong nakakagaan sa pakiramdam lalo na at narito at kasama ko si Gabriel—na tulad ko ay may pinagdaraanan din ngayon. “Matagal nang may gusto sa iyo si Bogart?” Napatingin naman ako rito sabay ngiwi. Ah, Bogart. “Oo, ewan ko ba roon. Alam naman niyang ayaw ko sa kaniya, pero sige nang sige,” asar kong turan nang maalala ang nakaraan kay Bogart. “What happened last week? Bakit sinasabi nila na boyfriend mo raw iyon?” Tuluyan na akong natigilan sa tanong nito. Last week pa nga iyon, bakit ngayon lang nito naisipan na itanong iyon? “Wala naman iyon. Ipinagkalat lang ni Bogart na boyfriend ko raw siya. Ayun, inaway ko siya.” “What did you do to him?” Naningkit ang mga mata nito na para bang may ideya na kung ano ang ibig sabihin ko sa salitang inaway. Ibinaling ko sa iba ang atensiyon at napahinga nang malalim. “Wala,” kaila ko. Pero hindi na ito umimik at nanatiling nakatingin lang sa akin kaya inis akong bumangon. Humalukipkip ako sa gilid. “Okay, fine! Sinapak ko siya sa mukha,” pagsuko ko at lalong inilayo ang tingin dito. Nang marinig ko ang mahinang tawa nito ay napasulyap ako rito. Hinigit ako nito upang yakapin kaya naman napanguso ako. “Silly. Don’t do that again. Baka sa presinto ka na pulutin niyan sa susunod.” Napahalakhak naman ako sa sinabi nito. “Copy that, Sir!” Saka sumaludo. Doon naman ito napangiti at hinaplos ang buhok ko. “Huwag ka nang makipag-away sa susunod. Huwag ka ring sasali sa mga gulo. Hindi natin alam, baka mamaya ay mapahamak ka.” “I can handle myself kaya,” maarteng sagot ko. “Hindi ako pinalaking mahinhin at lalampa-lampa, Gab. I was raised to protect myself and my loved ones.” Ngumisi ako sa sinabi. Kung alam niya lang. Kung alam niya lang kung gaano kalalang karahasan ang mga nasaksihan ko noon, dahilan para hindi na ako makaramdam ng takot sa gulo. Ngingiti-ngiti naman ito. “My amazona girl.” Natawa ako rito, kaso nauwi iyon sa pagtataka nang ilapag niya ang ulo ko sa damuhan at saka ako nito pinatungan. Halos higitin ko ang hininga nang muntik nang magkabanggaan ang mukha namin sa sobrang lapit nito. Itinukod nito ang mga siko sa magkabilang gilid ko at saka ako seryosong pinagmasdan. What the heck? Ano naman kaya ang pumasok na dumi sa ulo nito? “H-Huy! Alis!” tulak ko rito at umiwas nang tangkain nitong ilapit ang bibig sa akin. Pero mukhang wala ito sa sarili dahil hindi man lang ito umimik o umalis sa ibabaw ko kahit anong tulak ko. “Huy, baliw. Baka may makakita sa atin at sabihin na hinaharot kita o pinipikot,” nag-aalalang turan ko. Ayoko lang naman na mapahiya siya sa mga tao. Paano kung may kakilala siya na mapadaan dito bigla, tapos isumbong siya sa pamilya niya? Si Gabriel, may kalampungan na mangkukulam sa tabing ilog! Tapos ako ang sisisihin kasi sa aming dalawa, ako ang mas mukhang maloko at gumagawa ng katarantaduhan. At si Gabriel, dinadamay ko lang. Edi ako ang napasama. Pero teka nga, bakit kailangan niya pa akong patungan? “Can I get a kiss from you?” Putek! Kiss daw? Hilaw akong natawa sabay takip sa bibig ko at baka bigla na lang niya iyong sunggaban. “H-Hindi puwed—” “Just one kiss, Veronica,” aniya na muntik ko nang ikatili. Hindi ko na naman mapigilan ang pusong halos mabingi ako sa lakas ng kabog. Just one kiss daw! Gustong humalik ng college student sa isang senior high student! Shems! Payagan ko ba? Pero lagot naman ako sa tatay ko at mga kapatid once na malamang naglalandi na ako! Gusto kong kutusan ang sarili dahil may nag-uudyok sa akin na payagan ito upang maramdaman muli ang kalambutan ng mga labi nito. Isang malanding tawa ang pinakawalan ko bago ito titigan nang matiim. “Bakit? You said, you’ll wait for me, huh?” pang-aasar ko. Pero ang lalaki, seryoso lang. Nakikipaglaban din sa akin ng titigan. Marahan nitong inalis ang kamay ko mula sa pagkakatakip niyon sa bibig. “I’m sorry. Can’t help it.” Bumaba ang nakakapanghinang tingin nito sa mga labi ko at tila lalong nahibang doon. “You’re so tempting, Veronica. Damn it.” Umalon ang lalamunan nito na ikinalunok ko. “G-Gabriel . . .” Para na akong malulusaw sa titig nito. Halatang-halata ko rin ang isang bagay sa mga mata nito na ikinalunok ko lalo. Nasa, may pagnanasa sa mga mata nito. “I’m sorry because I fell for you. I’m sorry because I cannot stop myself from thinking about you every night and day. I’m sorry, but I cannot stop myself right now.” Para akong nalunod nang mga sandaling maglapat ang aming mga labi. Awtomatiko ang pagpikit ko at tinanggap ang gusto nito nang walang pagtutol. Ang basa at mainit nitong mga labi ay patuloy na sinasakop ang akin. Puno ng pagkasabik iyon, bagamat halatang nangangapa rin ito sa ginagawa. Ang sigaw ng isip ko ay mali ito, maling hayaan ko siya. Pero taliwas naman ang puso ko. “Hmm . . . I love you . . .Veronica,” putol-putol nitong wika sa gitna ng halikan na ikinasikdo ng puso ko. Mahal na niya ako? Kahit na alam niyang tututulan kami ng pamilya niya? “Baliw ka talaga!” ismid ko upang pagtakpan ang kahihiyan na nararamdaman. Bahagya ko itong itinulak paalis sa ibabaw ko at tumigilid na lang ng higa. Ayoko muna itong harapin ngayon. Kakahiya. Kung nakikita ko lang ngayon ang sarili ko, malamang na pulang-pula na ang mukha ko ngayon. “Hey, face me,” pukaw nito sa akin at tinangka akong iharap pero umangal ako. “Mamaya na kapag humupa na ang kahihiyan na nararamdaman ko.” Sunod kong narinig ang mahinang tawa nito. “Oh, damn. Ang cute-cute mo talaga,” bulong nito at natahimik. Pinakiramdaman ko lang ito habang nakatitig sa kawalan. Hinaplos-haplos ko ang mga labi, at nang sulyapan ko ito ay nakatihaya ito at nakatitig sa buwan habang pinaglalaruan ng daliri ang mga labi. Nakangiti ito. Dali-dali kong iniwas ang tingin at napahinga nang malalim. “Veronica?” Tumigil ako sa pagtitig sa buwan at marahang nakagat ang ibabang labi. “Hmm?” “I always dreamed of having a family with you in the future.” Shems. Eto na naman siya. “Palalayasin lang ako ng pamilya mo sa buhay mo. Baka nga hindi nila tanggapin ang magiging apo nila sa iyo, e,” katuwiran ko at napalabi. Sa ugali at tabas pa lang ng mukha ng pamilya niya, makakaya nila iyong gawin sa amin. Iyong tipo ng pamilya na gagawin ang lahat, huwag lang mapunta sa dukha ang anak nila. “They can’t do that to you as long as I’m here by your side. Ako ang makakalaban nila.” Huminga na lang ako nang malalim at pinigil ang sarili na makipagtalo rito. “Malapit na ang prom ninyo. Ako na ang maghahatid sa iyo sa school,” presinta nito kaya hindi ko na napigil ang sarili na harapin ito. Pinahiga ako nito sa braso at hinigit kaya lalo akong nanlamig sa kaba at kilig. Shems. Ang bango-bango talaga. “Ikaw, nakadali ka lang ng halik sa akin, kung umasta ka na ay parang . . .” “Everything about you excites me,” pagpuputol niya na ikinatikom ko agad. Okay, fine. Nilalandi niya na naman ako. Hinayaan ko ito nang marahan nitong yakapin ang baywang ko at lalong idinikit ang sarili sa akin. “I hope we can stay like this forever. Ayokong mawalay sa iyo,” mahinahong anito na muli kong ikinaiwas. Gosh. Ganito pala talaga kapag first time. Nakakakaba, pero ang saya-saya pala talaga . . . LUNES. Lunes ng umaga at nasa hardin kami at nakatambay. Hindi na ako nag-recess dahil busog pa ako sa kinain kong bigay ni Gabriel kanina na almusal. Walang palya, araw-araw siyang nagbibigay ng almusal. Takot talagang magutom ako. Si Kimmy naman ay nasa tabi ko at abala sa pagkain. Himalang nagbaon ito ng kain at ulam, wala ring softdrinks at tanging tubig lang. Naka-brown rice na rin ito. Mabuti na rin iyon para pumayat siya tulad ng goal niya. Sa gilid lang ako nakatingin habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Hindi maawat ang mga pasimpleng ngiti ko. Alam na ni Kimmy ang mga nangyari kagabi mula nang mag-umpisa ang party hanggang sa dinala ako ni Gabriel sa malayo. Kilig na kilig naman ang babaita. “Ganda ng ngiti, a. May nakitang pogi kagabi sa party?” anang Allen na kararating lang. Inirapan ko ito bago ito maupo sa harapan namin. “Wala, puro matatanda,” biro ko sabay ngisi. Umismid naman ito na tila ba hindi naniniwala. “Imposibleng walang binata roon,” anito sabay lingon kay Kimmy na umiinom ng tubig. “Oh, ireto mo naman dito ’yong mga kamag-anak mong binatang pogi. Dapat may reward kapag nagbabagong-buhay na.” “Pinagsasabi mo, Allen?” irap ni Kimmy. Natawa tuloy ako at binato ng napulot kong dahon ang lalaki. “Tangeks! May crush na ’yang iba si Kimmy. Bawal na ireto ’yan sa kung sino-sino.” Umawang naman ang bibig ni Allen at namangha. “Sino? Isa sa mga pinsan ni Bebe boy Gabriel mo o isa sa mga kaibigan niya?” May ideya na agad ito kaya lalo akong natawa. Sabagay, sila lang naman ang madalas naming kasama ni Kimmy. Sino pa ba ang iisipin ni Allen? Wala namang pogi sa room namin. Grupo lang naman ni Gabriel ang may magandang lahi rito. Pero siyempre, hindi ko sasabihin kung sino talaga. Baka makalbo naman ako ni Kimmy bigla. “Wala roon, nasa classroom lang natin. Pero ang clue is, may letter L sa first name niya,” malokong turan ko sabay ngisi kay Kimmy na sinimangutan ako. “Wala sa mga pinsan at kaibigan ni Gabriel? At nasa classroom? May letter L sa name?” paninigurado nito habang nag-iisip kung sino ba iyon. Muntik na tuloy akong matawa dahil hindi niya pa nare-realize na pinaglololoko ko lang siya. “Suko na ako. Wala akong maisip,” suko niya agad na ikinasimangot ko. “Ang manhid mo talaga, Allen. Tanga mo,” dismayadong wika ko sabay iling-iling. Natigilan naman ito, kapagkuway namutla. “Pinaglololoko mo ba ako, ha, Maria?” Naningkit ang mga mata nito matapos mapasulyap kay Kimmy na umiwas ng tingin at halatang pinipigilang matawa. Napahawak naman ako sa dibdib at umaktong nasasaktan. “Ouch! Mas masakit pa ata ’yong ideya na isipin ng taong gusto mo na joke lang ang feelings mo para sa kaniya. Dissappointed na talaga ako sa manok kong ito. Napakamanhid na klase ng tao,” iling-iling ko pang sambit. Doon na ako sinamaan ng tingin ng lalaki na inismiran ko naman. “Abnormal talaga ’tong babaeng ’to,” pikon niyang turan sabay alis. Tawa tuloy kami nang tawa ni Kimmy nang mawala sa paningin namin si Allen. “Baliw ka talaga, Maria. Baka mamaya, hindi na mamansin ’yon,” tatawa-tawang ani Kimmy na nginisian ko After naming mag-recess ay bumalik na kami sa klase. Nagpokus ako sa pag-aaral dahil gusto ko nang mapasama sa with high honors ngayon. Para maging proud sa akin si Papa, and of course, si Gabriel na rin. Hindi man ako singtalino niya, at least maipapakita ko ang best ko, at magbubunga ang pagsisipag ko. Na hindi lang ako basagulera at pasaway na babae, may pangarap din ako sa buhay. “Mare, nakita mo ba ang kotse na iyon? Kanina ko pa napapansin na sumusunod sa atin mula pa sa school,” mariing bulong sa akin ni Kimmy habang tinatahak namin ang daan pauwi. Pinaglapat ko lang nang mariin ang mga labi ko at hindi sumagot. Kanina ko pa nga napapansin ang puting kotse na iyon mula pa sa tapat ng school, at ngayon ay mabagal ang andar at halatang sinusundan nga kami. Hindi ako pamilyar doon pero hindi rin naman ako nakakaramdam ng takot. Sila kamo ang dapat na matakot sa akin. Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin ang kaibigan ko. “Bakit, Mare?” Hindi ako umimik at hinintay lang na tumigil ang sasakyan. Nakumpirma kong kami talaga ang target ng tao sa loob niyon dahil huminto rin ito sa gilid namin. Sunod na bumukas ang bintana niyon kaya nasilip ko ang sakay niyon. Naitago ko agad ang pagkagulat nang masilayan ko ang pamilyar na mukha na naroon. Gulat na gulat naman si Kimmy sa tabi ko at napaatras pa. Nang makuha ang lakas ng loob ay umiwas ako ng tingin bago ipagpatuloy ang paglalakad. Ano ba ang ginagawa niya rito? Tss. Hindi ko na sana papansin muli ang sasakyang iyon kung hindi lang lumabas mula roon ang babaeng kinaiinisan ko. “Wait!” pigil nito sa amin pero hindi ako lumingon. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hinayaan si Kimmy na lumingon sa babae. “Uhm, I can offer a ride for both of you,” alok nito na halos ikaikot ng mga mata ko. “Kimmy, tara na,” tawag ko sa kaibigan. “Oh, I’m sorry. I haven’t introduced myself yet. I’m Saniarah Alonzo, hija,” dinig kong anito kay Kimmy. Tumigil ako sa wakas at nilingon ang babae habang kunot ang noo. “Ano ba ang kailangan mo sa amin?” Pinipigil ko ang iritasyon pero tila nahahalata iyon sa mukha ko ngayon. Hinarap ako ng babaeng may malamlam na mga mata at pilit na ngumiti. “Can I talk to you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD