Chapter 21 Epilogue Sa kailaliman ng gabi na iyon ay mahimbing na natutulog ang magkaibigan. Nakahiga si Melody katabi ni Ode sa iisang kama ng hospital. Ode being the big spoon of them at sa kakatwang pagkakataon ay kasya sila sa iisang kama. Suddenly, Ode twitch. Napapisik siya habang binabagabag ng isang masamang panaginip. “Hoy! Bakit tinulak si Melody?!” isang batang lalake ang sumigaw habang nasa waiting shed sila na nasa tabi lang ng daan. “Hindi mo ba alam na ang laki ng sugat dahil sa ginawa mo kanina sa kay Melody at sa tingin ko ay magpepeklat iyon! Mababalik mo pa ba iyon?” Hindi lang naimik ang isa pang batang lalake at nanatiling nakaupo lang sa waiting shed habang hinihintay ang Nanny at Driver niya. Hindi madalas malate ang sundo niya pero napatingin siya sa relo ni

