MAAGA akong pumasok sa school upang makahabol sa Flag Ceremony. Basang basa pa ang buhok ko habang naglalakad papasok sa Academy. My brother gave me a ride because he said that he will visit someone na hindi na niya sinabi. Nang makarating ako sa pila ay kaagad akong nakita ng mga kaibigan ko. I saw Caleb too. I smiled and wave my hand to say hello to him. Nag thumbs up naman ito. "Girl! May practice tayo for graduation today and they said na saglitan na lang daw!" tili ni Angelica. Niyuyugyog pa ako nito kaya't napairap na lamang ako. Bigla akong napatingin kay Kyle na ngayon ay nakatitig sa akin. Ngumiti ito ng bahagya at muling humarap sa stage. Napakamot ako ng ulo dahil sa inasta niya. I know, may kasalanan ako for not replying to his messages but alam ko naman ang dahilan kung bak

