"teka lang po, m-may kumuha na ng mga footage?!" MAGTATANGHALI na ngunit nandito pa rin ako sa Office ng mga makukuhanang footage malapit sa amin. Nahihilo na ako kakaikot dahil sa sobrang frustation na nararamdaman. Pero sino kukuha nun? Posible bang naunahan ako ni Mr. Gracias? Pero imposible! Edi sana noon niya pa kinuha diba? Napa padyak na lang ako ng paa dahil sa inis. Kanina ko pa kasi iniisip kung anong gagawin ko ngayon na wala na ang mga footage. Kanina pa ako tanong ng tanong sa officer pero ang sagot ay hindi niya daw alam dahil bago lang daw siya doon. "Hoyy babae! Ano ng ganap sa hinahanap mo?" Pasigaw na saad ni Xandie na ngayon ay nasa tabi ko na. Pagtapos ko kasing malaman ang pagkawala ng mga footage ay agad kong tinawagan ang pinsan ko. "Ganap? Ayun, nawala! May kum

