Nakapikit ang aking mata at dinadama ang simoy ng hangin. Nakapa ibabaw ang kamay sa railings ng aming balcony.
Napadilat ako ng may maalala. Napangiti ako ng wala sa oras at nagtungo sa aking kwarto. Matagal tagal ko na din tinatago ang isang to.
Binuksan ko ang aking Cabinet na nasa tabi lang ng aking kama. Nang mailabas ko na ang ibang gamit, nakita ko ang isang kahon na hindi masyadong malaki. Kinuha ko iyon at sinauli ang mga gamit.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nagdala na din ako ng pentel pen.
Nasa garden ako at naghahanap ng mapupwestuhan. Sa kakalibot ko, nakita ko ang isang magandang spot para sa plano ko. Dinrawingan ko ito ng bilog. Una ko munang ginuhit ang malaking bilog. Sa loob ng bilog nagdrawing ulit ako hanggang sa paliit ng paliit.
Napangiti ako ng matapos ko ito. Inilabas ko ang kahon at binuksan ito.
"I miss you." Sabi ko sa hawak kong dagger at hinaplos ito. Bigla ko na lang itong hinagis patungo sa target ko. Napangiti ako ng makita ko ito. Nasa pangatlong linya ito nakaturok.
"Hindi na masama." Nakangiting sabi ko sa aking sarili. Lumipas ang ilang oras at patuloy pa rin ako sa paghagis ng dagger hanggang sa huminto muna ako dahil sa pagod.
Umupo muna ako sa may upuan at sinandal ko ang aking ulo. Napangiti ako ng mapait. Walang tao dito sa bahay bukod sa akin. Si ate Jane ay nag day off at ang iba naman ay nasa Ospital.
Huminga ako ng malalim dahil alam kong tutulo na ang luha ko. Di ko lubos maisip na magkakaproblema ako ng ganito. Si D-Dad... Si Mang Jun... Si kuya... Nag aalala na ako kay Mama.
Tuluyan ng tumulo ang luha ko at napahagulgol na.
Puro iyak lang ang maririnig sa loob ng bahay namin. Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog ako.
****
Napamulat ako ng mata. Kinusot kusot ko muna ito at tumayo. Walang pagbabago, nandito ako sa upuan nakatulog.
Umakyat na ako sa kwarto at naligo. May pasok ngayon kaya kahit manlang sa school maging masaya ako.
Nang makababa na ako ay agad din akong umalis. Walang kain kain at nagtaxi na lang ako.
Pagdating ko sa School ay nawawala ang lungkot ko dahil sa taong bumabati sa akin.
Hindi ko Birthday, pero puro sila Good Morning. Ngiti na lang ang naisusukli ko sa kanila. Nakita ko si Kyle na nagkakamot ng ulo at parang kiti kiti sa likot.
Natawa ako sa nakita. Hindi mo aakalaing may ganitong itsura tong si Kyle.
Tinawag ko ito at kumaway na nakangiti.
"Rainneeee!" Sigaw nito. Lumapit ito sa akin at napakamot sa batok.
"Kanina ka pa namin hinihintay eh!" Nakasimangot na sabi niya. Nagtaka naman ako kaya nagtanong ako.
"Oh bakit naman?" Tanong ko dito.
Inilabas niya ang kanyang Phone at kinalikot ito. Maya maya lang ay may pinakita ito sa akin na hindi ko nagustuhan.
"Kilala mo ba ito? Naikwento samin ni Caleb ang tungkol dito." Nakangiting saad niya. Napasimangot ako. Isang larawan ng babae na kinaiinisan ko. Nakangiti ito at naka angkla sa braso ni Caleb na nakangiti rin. Kababata niya yan.
"Tsk. Anong meron sa kanya?" Naiirita kong tanong. Naglalakad na rin kami papuntang room dahil anumang oras ay nandyan na ang Teacher namin. Kinuha muna ni Kyle ang bag ko at binitbit. Napangiti ako dahil ang gentleman ng dating niya.
"O bakit parang nairita ka?" Natatawang tanong nito sa akin.
"Yan! Yan na naman yang mata mong umiikot! Baka mastuck yan sa taas." Natatawang saad nito. Natawa na rin ako. Kahit kailan talaga.
Nakarating na kami sa aming room at umupo. Wala pa naman Teacher kaya nagsilapitan na ang mga kaibigan ko.
Naiirita na naman ako dahil ang pinag uusapan nila ay yung kababata ni Caleb. Sus, malaman laman lang talaga nila ugali ng isang yon. Umangat ang kabilang sulok ng labi ko dahil sa inis.
"Ano bang issue niyo dyan? Kanina niyo pa pinag uusapan yan." Inis na sabi ko sa kanila.
Napatingin naman sila sa akin na animoy naiisip nila na meron ako ngayon dahil sa init ng aking ulo. Lumapit sila sa akin. Nakita kong sinusuri ako ni Angelica na animoy may hinahanap. Inis naman akong hinampas sa mukha niya ang aking kamay pero hindi gaano kalakas.
Lumapit ito sa akin at bumulong.
"Sabihin mo nga sa akin, yung Childhood Friend ba ni Caleb yung kinukwento mo dati sa akin?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Kahit na naiinis ay tumango ako.
Lumapit ito bahagya kay Kyle na busy sa pakikipagtawanan kina Xandie. Kilabit niya ito kaya napatingin ito sa amin.
"Yes. Ano yun Gel?" Ngiting saad ni Kyle at syempre hindi ko maiwasan na tumingin kay Angelica na umirap sa kanya. Kahit gusto kong tumawa ay hindi ko magawa.
"Pahiram muna ng Phone mo dali." Sabi nito na sa naiinip na tono. Kinuha naman ni Kyle sa bulsa ang kanyang Cellphone at ibinigay ito kay Angelica. Nagpasalamat si Angelica at may kinalikot doon. Habang ako naman ay pinagmamasdan lang siya sa kung ano man ang ginagawa niya.
Maya maya lang ay ipinakita na niya sa akin ito. Siya na naman?
"Ito ba yun?" Napatango ako ng pilit. "Pero kung siya nga iyon, bakit ang Anghel naman ng itsura niya?" Tanong nito. Napaangat ang labi ko dahil sa sinabi niya. Kung alam mo lang talaga.
Pinagmasdan ko ang litrato na nasa Phone ni Kyle na ipinakita niya sa akin. Isang babae ang naka angkla ang kamay sa braso ni Caleb. Straight ang buhok at medyo brown ang kulay nito. Lagpas ng 2 inch ang buhok niya sa kanyang balikat. Maputi rin siya at nakangiti sa picture na akala mo ay nanalo sa lotto.
"Mukha lang siyang Anghel pero ang ugali niya ay hindi." Seryosong sabi ko dito na nakapagpatahimik sa kanya.
Magsasalita na sana siya ng dumating ang aming Teacher kaya nagsibalikan sila sa kanilang upuan. Wala si Caleb ngayon. Hindi ko alam kung nasaan siya dahil hindi naman siya nagtext sa akin.
Patuloy ang klase ngunit hindi ko maituon ang atensyon ko sa dini discuss. Nasa isip ko pa rin ang lahat ng nangyari.
Natapos ang klase at nagpaalam ang iba na may kanya kanya silang lakad maliban lang kay Angelica at Xandie naiwan sa tabi ko.
Tahimik akong nagmamasid sa lahat ng dumadaan na sasakyan. Nakita kong nakasimangot sa tabi ko si Angelica. Siguro naalala niya ang kanilang pagtatalo ni Ethan. Napaangat ang sulok ng labi ko. Bagay na bagay ang dalawa. Samantalang napatingin ako sa kanan ng makita ko ang pinsan kong si Xandie na tahimik din na nagmamasid sa daan. Nang magdaan ang ilang araw, kapansin pansin na hindi nagkikibuan ang dalawa. Alam kong may nararamdaman na tong pinsan ko kay Amiel at si Amiel ay ganun din. Tumingin ulit ako sa harapan at napabuga ng hininga.
Kinuha ko ang Cellphone ko ng bigla itong tumunog.
Kumunot ang noo ko ng makitang numero lang ang nakalagay. Lahat ng kinukuha kong number ay nilalagyan ko ng pangalan kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag.
Napahinga muna ako ng malalim at sinagot ito.
"Hello?" Saad ko. "Sino 'to?" Kunot noo na tanong ko. Narinig kong may tumawa sa kabilang linya. Mahina lang siya pero mukhang tuwang tuwa ito.
"I miss you." Malambing na sabi nito na lalong kinanuot ng noo ko at narinig ko na naman ang pagtawa nito. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.
" You're so beautiful." Malambing na sabi nito. Di ko alam kung bakit bigla akong namawis at kinabahan. "W-who are you?" Saad ko dito na kinakabahan.
"Kahit nakasimangot ka ngayon, maganda ka pa rin. My heart beats so fast when I see you." Ramdam kong nakangiti ito habang sinasabi ang linyang hindi ko inaasahan.
Lumingon lingon ako sa paligid. Nakikita niya ako pero ako halos kabahan na dahil hindi ko naman kilala tong tumawag.
Napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin na pala sa akin at nagtataka. Narinig ko pang bumulong sa akin si Xandie at sinabing sino daw yung tumawag. Nagsenyas naman ako ng hindi ko alam.
Nagulat ako ng hablutin ito ni Angelica. Pero bago niya pa ilagay sa kanyang tenga ay nag end call na ito. Bwiset na bwiset ang itsura niya ng ibalik ito sa akin.
Napapikit ako ng mariin. Sino ba yon? Bakit parang pamilyar ang boses niya? Napadilat lang ako ng marinig ang pagtunog ng Cellphone ko. Tinignan ko ito at nagmessage ang kaninang tumawag.
From: 09*********
Im sorry. I ended my call. I don't want to talk to that lady beside you.
Take care. I miss you.
Napairap naman ako. Ang hirap naman manghula kung sino yung tumawag. Sa huli, nakarating kami sa bahay. Sinamahan nila ako doon. Nagpaalam naman daw sila kaya mag oovernight sila doon. Marami kaming nagawa at pasikreto ko silang tinuruan ng paghagis ng pinakamamahal kong Dagger.
Naikwento ko na rin sa kanila ang nangyari kaya gulat na gulat sila sa nalaman. Sinabi ko rin na isekreto muna nila ang nalaman nila.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa pagyugyog ng kasama ko. Nakita kong natataranta si Xandie at si Angelica naman ay ganun din. Kinabahan ako kaya lumabas ako ng kwarto. Nakita kong sumunod sila at hindi ko napigilan na mapaluha ng makita ang matagal na nawala. Nakahiga ito sa sofa at tulog na tulog. May mga gasa ito sa ibat ibang parte ng katawan. Hindi ko maiwasan na mag alala kaya lumapit ako dito at niyakap ng mahigpit.
"Y-you're back. K-kuya." Iyak ko at sinubsob ang mukha ko dito.