Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Unti-unting sinakop ng kaba ang dibdib ko. Napaupo ako sa sahig at hinihingal. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Bigla na lang akong napatili ng may humawak sa balikat ko.
"HAHAHAHA! magugulatin ka pala? Hahaha! " Rinig kong saad ng pamilyar na boses.
Nakahinga naman ako ng maluwag at tumingin ng masama kay Timothy.
"Happy na? Muntik na kitang sapakin kanina eh!" Inis na sigaw ko sa kanya.
Kung hindi ko lang napigilan baka nakabulagta na yan.
Huminga muna siya ng malalim at ngumiti sakin.
"Nasaan na yung sundo mo Rainne? Kanina ka pa ata dito eh." Takang tanong nito at nagpalinga linga sa paligidna animo'y may hinahanap.
"Tinext ko na yung driver ko kani-eto na! Tumatawag si kuya driver!" Agad ko itong sinagot at tinanong kung nasaan na siya.
"Ah excuse me po Ma'am. Eto po ba si si Miss Lerainne Martinez? "
"Yes po. Sino po ito?"
"Umm. Ako po si Angel Villacorsa Nurse ng JH Hospital. Nais ko pong ipaalam na naaksindente si Mr. Jun Tuazon. Kayo lang po ang nacontact namin sa lahat ng numerong nandito sa kanyang Cellphone Ma'am."
"Oh God! Salamat po sa impormasyon Miss Angel. Papunta na po ako dyan."
"Walang anuman po. Sige po."
*End call*
Para akong nanghina sa narinig ko. Sabihin niyo ng OA ako pero hindi ko maiwasan na malungkot at maluha sa nangyari sa Driver namin. Siya na ang tinuring kong pangalawang ama dahil sa tagal na niyang nagtatrabaho sa pamilya namin. Malaking parte na din siya ng buhay ko.
Unti unting tumulo ang luha ko.
God, Pag ingatan niyo po si Mang Jun.
Nabalik lang ako sa ulirat ng may nagpunas ng luha sa mga mata ko. Tumingin ako sa kanya ng diretso. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Una dahil sa pagbabanta ng lalaki sa pamilya ko, pangalawa kay Mang Jun at sa kuya kong hindi pa umuuwi hanggang ngayon.
Bakit ba nagkaganito kami?
Hindi ko namalayan na nakasakay na pala ako sa sasakyan ni Timothy at tinatahak namin ang Ospital na sinabi nung Nurse. Kanina pa kami tahimik dito sa loob. Pero agad ding nabasag ang katahimikan nang magsalita siya.
"Magiging okay din si Mang Jun. Wag ka nang umiyak. Ang panget mo na."
Pabirong sabi nito kaya napatawa ako ng mahina.
"Itsura ko pa talaga napuna mo Tim." Natatawang sagot ko.
Ngumiti naman siya ng malawak at titingin saglit sa akin at ibabalik din sa daan.
"Wow! Napatawa kita!" Manghang mangha na sabi nito.
Napailing na lang ako napangiti ng lihim.
****
Nandito kami sa harap ng Emergency Room at hinihintay ang Doctor na lumabas. Ayon sa mga nagdala kay Mang Jun dito sa Ospital ay bigla na lang daw sumulpot ang humaharurot na sasakyan at biglang binangga ang sinasakyan ni Mang Jun. Halos lahat ng dumadaan ay nagulat sa nasaksihan at agad agad tumawag ng ambulansya. Nakakapagtaka lang na wala doon ang sasakyan na bumangga sa sinasakyan ni Mang Jun. Ni walang trace ng ibang sasakyan bukod sa sasakyan namin.
Napatingin ako ng may kamay na pumatong sa balikat ko. Bumungad sa akin ang nakangiting si Timothy. Gosh! Yung kilay niya te! Ang cute tapos ang kapal pa.
"I already told Caleb what happened to Mang Jun and he said he will contact your parents. Anyway Rainne, gusto ko man mag stay dito kaya lang si Dad kasi tinawagan ako para sa meeting sa Company namin." Mahabang lintanya nito. Halata naman sa kanya na gusto niyang samahan ako kaya lang pinapatawag siya kaya tumango ako at ngumiti sa kanya.
"A-ah sige salamat sa paghatid mo sakin dito ha? Ingat na rin sa byahe." Nakangiting pagpapasalamat ko dito at tinapik ang braso nito. Ilang segundo na ata ang tumagal ng nakatitig ito sa akin ng matagal kaya umiwas ako ng tingin dahil sa ilang.
Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti ng bahagya dahil sa awkward na nararamdaman ko.
"H-hindi ka pa ba aalis? I mean, baka hinahanap ka na ng Daddy mo Tim." Tanong ko dito. Jusko! Bakit bigla akong pinagpawisan? Ang init! "U-uy! Ano na!"
Nabigla naman ako ng biglang pumula ang tenga niya pati na din ang pisngi niya. Hala! Ang cuteee! Napaatras naman siya at napakamot sa kanyang batok.
Ngumiti siya ng alanganin at nagsalita.
"A-Ah oo nga pala, nakalimutan ko. Sige Rainne alis na ako ha?" Ngumti naman ako sa kanya at kumaway. Pero nakakailang hakbang pa lang siya ng huminto ito at muling tumingin saking gawi. Ngumiti ito at lumakad patungo sa akin. Bigla akong nawindang sa ginawa niya kaya hindi ko namalayan na nakalayo na pala siya.
D-Did he just k-kiss me on the cheek? Oh My Goddd! Am I imagining? Kung oo baket!? Gosh! I can't believe it. Nagulat na lang ako kanina ng bigla itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi at ngumiti. Biglang bumilis yung t***k ng puso ko. Shems!
Kailangan wag ko munang isipin yon. Dapat si Mang Jun muna ang Focus ko tsaka ko na babalikan at iisipin yung kani-Oh! Did I say that! Ano bang pinagsasasabi mo Rainne!
Pinilig ko ang ulo ko sa iniisip ko. Umupo muna ako saglit sa waiting area at nag-isip isip. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala ng biglang may tumawag sakin.
"Raine!" Agad akong napalingon sa lalaking tumatakbo patungo sa akin. Ewan ko ba kung bakit ganito na lang kabilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang paningin namin.
Caleb
Si Caleb yung matagal ko ng kaibigan. Si Caleb na laging nandyan kapag malungkot ako at napapasaya niya ako. Si Caleb na laging nagtatanggol sa akin kapag may kumakalaban sa akin. Si Caleb na laging. . . na laging nagpapagaan ng kalooban ko. Si Caleb na nagpapatibok ng ganito kabilis ang puso ko.
Ano bang nangyayari sakin?
"Raine!" Nagulat ako ng biglang humawak ito sa balikat ko. Si Caleb, nag aalala ang itsura niya ngayon. Namumula pa ang pisngi dahil sa hingal.
Hinawakan niya ang mukha ko kinurot ng bahagya.
"Uy Raine! Anong nangyari?" Nag aalalang tanong nito.
Magsasalita na sana ako ng matanaw ko na si mama. Mabilis siyang naglalakad at kitang kita ang pamumutla ng balat nito. Bakas din sa kanya ang pag aalala.
Nang makalapit ito, agad ako nitong niyakap na tinugunan ko. Narinig kong humikbi si mama kaya pumikit ako at niyakap ito ng mahigpit.
"Mama." Tanging saad ko.
***
Kanina pa ako nagtataka sa inaasal ng mama ko. Palakad lakad siya ng hindi ko alam ang dahilan niya.
Nang hindi ko na matiis ay tinawag ko ito. Bigla itong nagulat at napahawak sa kanyang dibdib.
"Jusko! Nakakagulat ka namang bata ka!" Gulat pa rin na salita nito. Napa buntong hininga ako at pumikit ng mariin at dumilat muli.
"Mom." Hinawakan ko ang kamay nito at tumingin sa kanya ng nag aalala. "What's bothering you?" Nag aalalang tanong ko.
Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha nito at may luhang pumatak sa kaliwang pisnge nito. Pinunasan niya ang luha at huminga ng malalim.
"Your Father is here." My mom said at bahagyang ngumiti. Natuwa ako sa narinig ko at napangiti.
"Where is he mom? Miss ko na si dad!" Nakangiting tugon ko. Nakita kong muli ang kanyang luha kaya nagtaka ako.
"M-mom? Why are you crying?" Naluluhang tanong ko. Kapag may nakikita talaga akong umiiyak, nakiki ayon din ang mata ko.
Pero hindi ba siya natutuwa na nandito na si dad? Ang tagal ko na ring hindi nakikita ang ama ko. Muling tinanong ko ang ina ko at sinagot niya na ikinagulat ko.
"N-naka. . .n-naka c-confine siya sa pangalawang kwarto anak." Naluluhang saad nito.
***
Halos matulala ako ng ilang oras dahil sa nalaman. Punong puno ng sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon.
Nalaman ko lang naman na may gustong pumatay sa ama ko. Hindi pa daw alam kung sino ang may pakana nito.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa ama kong nakahiga. Maraming nakasaksak na kung ano ano sa kanyang katawan.
"Dad..." Tawag ko dito at humagulgol. Isang buwan na pala siya dito at gustong gusto ko nang malaman kung sino ang may gawa nito. "D-dad.... I miss you. We miss you." Saad ko dito at niyakap ito. Hindi pa siya nagigising simula nung mangyari ito.
Inalis ko ang pagkakayakap at tumingin kay Caleb na magdamag kong kasama. Natutulog siya sa may sofa. Lumapit ako dito at niyakap.
"Salamat Caleb." Huling saad ko dito at lumabas ng kwarto.