Nagsimula nang mag perform ang grupo nila Ynna. Natatawa pa rin ako hanggang ngayon sa kalokohan ni Amiel. Naalala ko naikwento niya sa amin yung nangyari kanina. *Flashback* Naglakad si Amiel patungo sa amin na malawak na nakangiti. Anong ginawa niya? Nang makarating siya sa amin ay tinadtad namin siya ng tanong. "Hahahaha grabe ka Amiel! Bakit mo ginawa yun?" Natatawang tanong ni Bryan. "Isa ka talagang dakilang playboy hahaha" Dagdag ni James. "Pare ikwento mo na." Naiiling na saad ni Caleb. "Ganito kasi yon. Nung hawak ko na yung kamay nung babaeng yon, kinuha ko na agad yung nabunot niyang number kaya ayun ahahaha!" Nagtawanan naman kami. Jusme! Smooth ng galawan neto ni Amiel. "Anong binulong mo dun?" Tanong ni Kyle. "Simple lang. Ang sabi ko joke lang yon. Mas maganda p

