Ano daw? Again? Nagkita na ba kami?Bahagya naman siyang tumawa. "Nakalimutan mo na ba ako? Ang sakit naman non!" Saad niya at may paghawak pa sa dibdib na akala mo nasaktan talaga. "Tsk. Maghanap ka ng kausap mo." Irita kong sabi at inirapan. Ang daming alam ng lalaking ito. Nakakahighblood. "Ikaw na nga kausap ko bakit pa ako maghahanap?" Hirit niya. Hindi ba titigil tong lalaking to? Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko. Hindi na sila nakatingin dito dahil may kanya kanya na silang ginagawa. Si Caleb na lang ang nandito na kasama ko. "Bro, back off. You're so noisy." Malamig na sabi ni Caleb. Ngunit hindi ito pinansin ni Timothy. "Okay. I'll straight to the point. Ako yung kahapon na naencounter mo sa Mall." At bigla siyang ngumiti. Inisip ko naman ang mga nangyari kahapon. So s

