Chapter 9

2060 Words
*RAINNE'S POV* Naglalakad kami ni Xandie at ng mga kaibigan ko sa hallway ng School. Pupunta kasi kami ng library para manghiram ng librong kailangan namin. "Uy! Pfft! Natatawa ako kay Joshua kanina!Wahahaha!" Tawang tawa na sabi ni Desiree. Ewan ko ba, napapansin ko na lagi niyang naikukwento si Joshua. "Pansin ko lang Des. You always kwento-kwento him to us." Saad ni Angelica at tumingin sa salamin niyang hawak at ngumiti-ngiti. Napairap na lang si Deserie at nagsalita naman si Charmaine(charm) na dahilan ng pagtawa namin. "Pansin ko lang Angelica. You always hawak-hawak your mirror and you always ngiti-ngiti na parang tanga sa salamin." At hindi niyang mapigilan na mapangisi. Lahat kami nagtawanan except lang kay Angelica na puro irap lang at sabay padyak ng paa sa sahig. Si Xandie naman at si Shiela nakahawak na sa kanilang mga tiyan. Hindi ko rin mapigilan ang mapatawa sa kakulitan nila. Pababa na kami ng hagdan ng may makasalubong kaming lalaki na tumatakbo paakyat. Hindi niya siguro kami napansin kaya nabangga niya ako. Napa 'aray' ako ng tumama ang kamay ko sa pader. Nakita ko naman na nagpagpag siya ng pantalon niya at tumayo. Lumapit siya sakin at humingi ng tawad ngunit nakayuko. Nagtaka naman ako sa kanya kasi hindi manlang niya inaangat ang ulo niya. "Pasensya na po. Hindi po ako tumitingin sa dinadaan ko." Sabi ng lakaki na sa tingin ko ay kaedad namin. Napatikhim naman ang mga kaibigan ko at pinsan ko. "Nah! It's okay. Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. "G-Gerzon Jil Miranda po." Sabi niya. Napatango naman ako. "Bakit ayaw mo iangat yung ulo mo para makita mo yung dadaanan mo?" Nakita kong nanginig siya sa sinabi ko. What? I'm Just asking him. "Wag kang matakot samin. Nakakaloka ka naman!" Natatawang sabi ko. Natawa din yung mga kaibigan ko at napailing. Hindi pa rin siya kumikilos kaya nagsalita ulit ako. "Try mo lang. Walang mawawala sayo." Sabi ko at ngumiti. Alam kong hindi niya nakita ang pang ngiti ko. Nakita ko naman na unti unti niyang inangat ang ulo niya at tumingin ng diretso sa aking mga mata. Napasinghap naman ang mga kaibigan ko ngunit ako ay kalmadong nakatingin lang din sa kanya. Nang maramdaman niya siguro ang pagkagulat ng mga kaibigan ko at yuyuko ulit siya kaya nagsalita ako ng nagpatigil sa kanya. "Don't look down." Napatingin ulit siya sakin na halatang nahihiya. "Bakit ka nahihiya sa mga mata mong nagpapagwapo sayo? Hindi naman panget eh. Ang cute kaya ng mata mong kulay green." Nakangiti kong sabi. Ramdam ko ang pagkabigla niya. Akala niya siguro matatakot kami sa kanya. Kaya lang nakakatakot kasi napaka intense ng mga mata niyang berde. As in green na green. Para siyang naka contact lens. Sabayan pa na matangos ang ilong at ang puti ng kutis. Perfect boy para sa mga naghahangad na babae. Narinig ko naman na tumawa si Charm ng mahina at nagsalita. "Nagulat lang ako kasi may nag eexist pa palang gwapo sa mundo." At napailing. Natawa naman kami sa kanya. "Actually nagulat din ako. First time ko kasing makakita ng kulay green ang mata! Ayieeee crush na kita!" Sabi naman ni Angelica at tumingin ulit sa salamin at inayos niya ang buhok niyang may magulo. Napailing na lang ako sa kanila. Ibang klase talaga sila. "Sorry guys. Sanay na ako sa mga iba ibang kulay ang mata sa America kaya hindi na ako masyadong nabigla." Nakangiting saad ni Xandie. At narinig kong nagtanong na ang mga kaibigan ko kay Xandie. Napatingin ako ulit kay Gerzon, Nice name. Nakita kong nakaiwas ang mata niya sa akin pero halata mo sa kanyang masaya siya. Inilahad ko ang aking kamay para makipag kaibigan sa kanya. Napatingin naman siya sakin at nanlalaki ang mata. Natawa naman ako at nagsalita. "Daniela Lerainne Martinez. Rainne for short. 16 years old. Nice to meet you Gerzon." Nakangiti kong sabi. Nakita ko naman na huminga siya ng malalim at tinanggap ang kamay ko upang makipag kaibigan. "N-Nice to meet you too R-Rainne." Nahihiyang sabi niya at ngumiti. Bumitaw na ako sa paghawak sa kanya. "We're friends na ha?" Tumango naman siya. "Next time na lang ulit tayo mag-usap. May gagawin pa kasi kami. Sige alis na kami." Tumango naman siya at ngumiti. Inakyat ko ulit ang hagdanan at hinila na pababa ang mga kaibigan ko. Nakita ko pang kumaway sila kay Gerzon na ginantihan niya din. Napangiti ako. This is the motto of my friends. "Make friends to have more friends." Nang makababa na kami ay nakita na namin ang library. Medyo matagal tagal na rin ako dito sa FA at nasasanay na din. Hindi na rin ako masyadong kinakabahan at nalulungkot dahil kasama ko na ulit sila. Nabalik naman ako sa ulirat ng magsalita si Shiela. "So mga prens! Ganto na lang. kailangan isa isa lang tayo pumasok sa library at! Hmm? Kunwari di tayo magkakakilala." "Why? Anong purpose ng gagawin natin?" Takang tanong ni Des. "Duh! Of course we need to hiram their books and hindi pwedeng magborrow ng books na marami! Only one! Tsk." Iritang sabi ni Angelica at titingin na sana siya sa salamin ng hilain ito ni Charm. Inis naman na tumingin si Angelica kay Charm. "Ibigay mo nga ang mirror ko!" At hahablutin sana niya ng ilayo ito ni Charm na nakangisi at inihagis kay Des. Tawa naman ng tawa si Des dahil sa ginagawa nila. Tumakbo naman si Angelica patungo kay Des ngunit inihagis naman niya ito kay Xandie. Nasalo naman ito ni Xandie na natatawa. "ARGGH!?! I hate you guys!!" Naiiritang sabi niya. Napatawa naman sila doon ako naman ay napa iling. Childish. "Stop it Prens! Kailangan na natin manghiram!" Napatigil naman sila at sinauli na ni Xandie kay Angelica at nag peace sign. Napa pout naman si Angelica ngunit nginisian lang siya ni Charm at ni Des. Napa iling na lang ako sa kanila. Mga childish talaga. Nagsimula na akong maglakad at sumigaw sa kanila. "Math book ang hihiramin ko!" Narinig ko pa silang sumang ayon kaya nag patuloy na ako sa paglakad. *** "Class dismissed." Sabi ng last subject teacher namin. Nagmamadaling tumayo naman ang mga classmates ko at lumabas. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at saka tumayo. Nakita ko naman na papalabas na ang mga kaibigan ko. Nagsimula na akong maglakad ng biglang may umakbay sa akin. Familliar ang pabango niya. Hmm? It's Caleb. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti. "Oh? Ganda ng araw mo ngayon ah." Saad ni Caleb at kinuha niya ang dala kong libro. Napangiti naman ako ng lihim. Emeged! Bakit ba ganito si Caleb! Yieee! "May bago na ulit kasi kaming kaibigan." Sabi ko naman at napangiti ng maalala ko si Gerzon. Napakunot ang noo niya. "Oh? Saan niyo naman nakilala?" Tanong niya. Lumabas na kami ng room. Napatingin naman ang mga kaibigan ko sa amin at ngumisi. Napairap na lang ako. Tsk. "Sa hagdanan." Sabi ko at biglang natawa. Hagdanan? Meant to be kung ganun. Kinurot niya naman ang pisnge ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Basta! Lalaki siya. Maputi, matangos ang ilong tapos ang——" "Wag mo ng kaibiganin yun! Ako lang dapat." Saad niya at biglang tumingin sa akin. Sinalubong ko naman iyon pero agad din akong nag iwas. Bakit parang iba ang dating ng sinabi niya? At ano daw? "Oh bakit! Mabait naman yun eh! Tapos ang cute! Ang po—" Hindi ko na naman natapos ng magsalita siya. "Aishh! Ako lang ang cute! Ako lang ang pogi dapat sa paningin mo!" Sigaw niya at ginulo ang kanyang buhok. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko. They are laughing and giggling. Tsk. Mga sira din to eh. Tumingin naman ako sa paligid at parang gusto ko ng ibaon na ako dito sa hallway ng buhay. Paano ba naman? Lahat sila nakangiti ng nakakaloko. Yung iba naman tumitili. Dahil na rin sa hiya ay hinawakan ko na siya sa braso at nagmadaling maglakad. May narinig pa nga akong nagbulungan. 'Girl! Nakakakilig sila! Kill me now!' 'Ay girl! Wala akong dalang pangpatay! Kaloka!' 'My g! Sana ako na lang si martinez!' 'Hanggang sana ka na lang hahahaha' Hay, napailing na lang ako. Ewan ko ba, feeling ko namumula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Pumunta kami ng Cafeteria at naghanap ng mapupwestuhan. May nakita naman akong spot na walang masyadong tao kaya itinuro ko sa kanila yon. May lumapit sa aming lalaki upang hingiin ang mga order namin. Nag order lang ako ng dalawang slice ng pizza at isang sandwich. Nag order din ako ng Milk tea. Maya maya may narinig kaming tilian. Hindi na ako nag abalang tumingin dahil alam ko na kung sino ang tinitilian nila. Sila Adrian lang naman ang tinutukoy ko. Ilang araw na rin ng huli ko silang makausap. Kaya tumawag ako kay Adrian at sinabing sabay sabay na kaming kumain. May training kasi sila kaya hindi namin sila nahihintay. "Yow!" Rinig kong sabi ni Bryan kaya napatingin ako. Ngumiti naman ako sa kanya at isa isa silang tinignan. "Ang gaganda naman ng mga kasama mo Raine!" Saad naman ni James. Ngayon ko lang napansin. Magkaparehas pala sila ng pangalan ni Caleb. James din. "Anyway. May ipapakilala kami sa inyo Raine." Napakunot naman ang noo ko ng magsalita si Kyle Adrian. Tumingin naman ako sa kanila isa isa ngunit di ko makita kung sino yung tinutukoy nilang ipapakilala samin. Nabaling ang tingin ko kay Kyle. "Nasaan? Kilala ko naman kayong lahat ah." Sagot ko na kunot noo pa din. Bahagya namang tumawa silang apat maliban kay Ethan the Cold boy na kanina pa irap ng irap. Di ko alam kung ganyan na talaga siya o bakla? Narinig ko namang nagsalita si Xandie At umirap. 'Tsk. Pasuspense pa tong mga to eh.' Magsasalita na sana ako kaya lang naunahan ako. "Wag kang excited Raine~" Saad ni Amiel. Halatang nang aasar dahil sa pakanta niya ito sinabi. Napakrus ang dalawa kong kamay sa aking dibdib at sabay taas ng kanan kong kilay. "Ehem. Eto na." Saad ni Kyle at umubo ng peke. "Isa sa mga kateam ko sa Basketball. Maghanda na kayo mga girls~ ang bae ng section C! Timothy Gracias!" Pagkasabi niya ng pangalan na iyon ay may lalaking humawi sa gitna nila at naglakad patungo sa amin. Hindi ko masyadong makita ang mukha dahil nakayuko siya at nakahalukipkip ang dalawang kamay sa bulsa. Huminto siya ilang metro sa pwesto ko at inangat ang kanyang ulo. "Hello. Nice to meet all of you." Bati niya at ngumiti. He's familliar to me. It seems like i met him somewhere? I don't know. Rinig kong tumili si Angelica at Xandie. "Kyahhh! Why so handsome Timothy! Can i kiss you? Puh-leaseeee!" Sabi ni Angelica at kinurap kurap pa ang kanyang mata. Hindi naman halatang nagpapacute siya dyan diba? At ano? Kailan pa naging maharot itong babaeng to! Dahil sa mga binitawan niyang mga salita ay napatingin sa kanya si Shiela at Charm na ngayon ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Angelica. May pailing iling pa sila sa nangyari. Nagulat kami ng tumakbo si Xandie papunta kay Timothy. At ang pinaka nakakahiyang ginawa niya ay ang pagyakap nito sa lalaki at pagpisil niya sa magkabilang pisnge. "Oh My God! You're so Handsome! You are mine now!" Napangiwi naman ako sa sinabi ni Xandie. Hindi ko alam na ganito pala kaharot ang pinsan ko. Nakakahiya. Nakita kong ngumiti si Timothy. Bahagya niya tinanggal ang mga kamay ni Xandie na nakayakap sa kanya. "Sorry girls. Iba na ang nilalaman ng puso ko." Saad naman ni Timothy. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa gawi ko. Alam kong walang tao sa likod ko kaya sigurado akong nakatingin siya sakin. Nakita kong ngumisi siya sa akin kaya nanayo ang mga balahibo ko. Nagulat na lang ako ng may kamay na pumatong sa aking balikat. Napatingin ako sa kanan. It's Caleb. Naka akbay siya sakin at nakatingin ng malamig sa direksyon ni Timothy. "Caleb. Are you alright?" Nakakunot kong tanong. Tumingin naman siya sa akin at ngumisi. Bakit parang lumamig ang atmosphere dito? "Mukhang mahihirapan ako neto. Ang dami ng umaaligid." Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya kaya nanahimik na lang ako. Nagulat ako ng lumapit si Timothy sa akin. "Miss Daniela Lerainne Martinez. Nice to meet you again." Saad niya at ngumiti ng malawak. Ano daw? Again? Nagkita na ba kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD